Wednesday, February 9, 2011

mahal ko na si teray

naalala nyo si teray? ang batang walang palikuran? mas mamahalin niyo siya! parang si mara! pramis!

nawalan si ken ng mga magic pencils. anong kulay kanyo? rainbow siyempre. kaya etong si machong teacher, to the rescue naman agad. nahuli ko naman kung sino ang kumuha (siyet pwede na ko sa senate). kinausap at binigyan ng parusa ang batang malikot ang kamay!

kinausap ko na rin ang grade one sa nangyari. dapat ipaliwanag na hindi tama ang pagkuha ng gamit ng may gamit. lalo na pag singkulay ng mga magic pencil ni ken. mahirap itago, kumikinang!

ser: hindi tama ang kumuha ng gamit na hindi naman sa inyo.
teray: hindi po tayo dapat naiinggit.
ser: tama teray!
teray: magkakaroon din po tayo niyan
ser: beri gud! 
noli : kaya dapat pong mag-aral ng mabuti!
cj: kinokontrol po siguro si <kumuha ng magic pencil> ng demonyo!
faye: mas malakas si papa jesus sa mga demonyo!

---
teray: naiiyak po ako para kay <kumuha ng magic pencil>
ser: bakit naman?
teray: eh baka po mangyari sakin yun eh.
ser: na maparusahan?
teray: eh baka makakuha rin po ako ng gamit ng iba eh
ser: naiinggit ka ba sa mga kaklase mo?
teray: hindi po. hindi po talaga ako naiinggit

15 comments:

  1. wow... pwede ka na talaga magbou ng talents mo sir..w ahehhe

    ReplyDelete
  2. Mara-incarnate yata si Teray e! :D:D:D:DD:D

    ReplyDelete
  3. kinky colors ang pencils ni ken. :D

    ambait naman ni teray. di sya naiingit.

    ReplyDelete
  4. ang taray palikuran talaga ang term mo sir...choz lang!

    ReplyDelete
  5. Alam mo Kuya Mots natatouch ako kay Teray at parang gusto ko syang bigyan ng isang set ng pencils... Yung colored pencils para manlaki ang mata ni Ken hehehehe...

    Sumulat ka nga sa Wish Ko Lang at nang mabigyan na sila ng toilet with jacuzzi...

    ReplyDelete
  6. ang pagkainosente ng mga paslit ay nakakainggit! :D

    ReplyDelete
  7. SIR mots..
    baet ng bata..
    kakaingit hehehe >_<

    at kung bakit gcng pa ako (kame) ay dahil sa lokong librong tinatapos namen ahahaha ^^

    ReplyDelete
  8. ang kyut naman ni teray..di naiinggit,hihihi!!

    ReplyDelete
  9. oh so kilala ko na lahat ng mga studyante mo teacher... lol.. hahahha

    hindi nga naman naiinggit si teray.

    ReplyDelete
  10. awwwww sobrang nanlambot ako kay teray!!!! i love her next to noli!!! waaah.

    ReplyDelete
  11. Gusto kong padalhan si Teray ng madaming madaming colored pencils!!!! =)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...