Wednesday, February 23, 2011

sasampung estudyante!

absent ako ng dalawang araw. kaya namiss ko tong makukulit na banat nila. at sasampu lang sila kanina.


halina't pitasin
faye: ser, nag-ahit ka na? magpa-bunga ka ulit ng balbas!

___
tutsang

noli: nagpagupit ka ser? bakit di niyo pinagupit yung buhok sa harap?
ser: ayoko eh
faye: gusto ni ser may bangs
___
denial queen
faye; ser, si cj may crush kay fredelito.
(...)
ayoko ko naman kay fredlito.kalbo

___

ganito ang tamang style ng panghihiram
aldo: pahiram ng red na crayon.
cj: ayoko. madiin kang gumamit.
aldo: ang madamot, pinarurusahan ni papa jesus

___
ang bagong pamantayan

faye: abango mo ser, tas makintab sapatos niyo, tas yung cellphone niyo walang pindutan.

mayaman ka siguro ser.

--

faye: sasali ka sa willing willie ser?
ser: hindi
faye: mayaman ka nga ser!

___
panalangin
noli: ang nanay ko po nagdadasal gabi-gabi na makasali sa willing willie!

___
 i-connect mo nga
fredelito: ansarap naman ng luto nyo ser.
ser: binili ko lang yan.
faye: patay na nanay ni ser.
ser:huy! wala akong sinasabing ganun!

20 comments:

  1. oooh-ooooh-awesome. :D
    ang kukulit ng mga banat nila. at pamantayan ng pagiging rich pag di sasali sa willing willie

    ReplyDelete
  2. dyos ko po..ang sakit ser sa bangs ng mga estudyante mo ah!

    ReplyDelete
  3. kaw na ang mayaman hehe! astig ung artwork

    ReplyDelete
  4. hahaha sitcom ba to o clasrom..w aheheh

    ReplyDelete
  5. AHAHAHA! Dun ako natawa sa i-connect. LoL! ang kulit nila mag-usap :D

    ReplyDelete
  6. haha. ang kuleeet. natawa ako dun sa huli. ang galing ng conclusion niya.

    ReplyDelete
  7. LOL. Mayaman pala kayo ser e.. :D

    ReplyDelete
  8. Fahaha Faye strikes again!!! Panalo each time...

    ReplyDelete
  9. haha
    :]]
    funney
    namiss ko banat ng mga batang ito
    ayos . Wiling wili na pala ang batayan ng yaman ngayon XD

    ReplyDelete
  10. kung ganyan lang din ang klase ang sarap mag sit in araw araw :P

    ReplyDelete
  11. ako din bumili lang pagkain kanina, pero buhay pa nanay ko sir. kinakabahan na ko sa mga susunod na sasabihin ng studyante mo.

    ReplyDelete
  12. and daldal ni Faye.pati bangs mo sir mots napansin.

    ReplyDelete
  13. walang palya..bungisngis naman akong mag isa!! naiimagine ko kasi ang mga estudyante mo sa bunso ko..ahaha!

    ReplyDelete
  14. wahehehehe... yaman mo pala..walang pindutan phone mo teacher eh at ang bango mo pa... paamoy nga...

    ReplyDelete
  15. kainaman na si faye :) ahaha. celebrity na sya sa puso ko :) whooh!

    ReplyDelete
  16. natawa ako kay ALDO.... hahaha...

    ska yung me crush kay fredelito... lol...

    buti ka pa sir mots nakakaexperience ng ganyan...

    hangkokolet lang nila...

    ReplyDelete
  17. halos kilang kilala ko na ang mga kabataan mo. si faye, si dugong, etc. at kamusta naman si teray?

    ReplyDelete
  18. hahahaha...ang benta ng banat ni faye! LOL ang bibo ng mga estudyante mo Sir ^^
    hay I miss teaching days xD

    ReplyDelete
  19. grabe naman si faye sir, pinatay agad ang mudra mo.. mumultuhin kamo sya! :p

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...