Wednesday, February 29, 2012

paggising


marahil

hindi ito gaya ng ilang linggong
sabay nating sinasalubong ang pagsikat ng araw.
hindi ito gaya ng unang gabi pareho tayong

delusyonal

parehong liyo

ngayon ay
nagbabago ang ating buhay
sabay sa pagkalat ng liwanag patungo
sa bintana

sa lukot na kumot na
sabay nating pinagsaluhan
sa unan, sa kama
sa balat
sa pagitan ng mga labi
tagos sa kalamnan

naglalakbay ang pangako
na simula sa linggong ito

sususbukan kong
ingtan ka. ibalik ang mga panaginip
ang mga hinugot na ngiti

mahal, sa kaloob-looban
sa kasulok-sulukan

hayaan mong hugutin ko ang iyong
mga hapdi



Thursday, February 23, 2012

cookie ng ina!

binili ako ni psyduck ng bear cookie galing sa classic confections. 

kaso sa sobrang cute ng cookie na bear. nakakalungkot lang pag unti unti mo nang kinakain yung muka niya. tsk tsk tsk.
pero sa huli mananaig parin ang tawag ng laman, este sikmura :)

p.s. isawsaw sa kape for best results

Saturday, February 18, 2012

wala akong dala


meme pala ito
na-inspire ako kay sir garppy nung sinulat niya yung mga bagay na nasa loob ng bag niya. ehem. well, wala akog disenteng camera at nakakahiya lang kung makikita niyo nang actual ang mga kalat ko sa buhay. kaya naman dinrowing ko na lang. charlot.


1. kapote (hindi condom) -maulan sa coastal school. kaya kailangan laging reydi. yung kapote na parang plastic lang para hindi malaki ang nakukuhang space.

2. towel at hankie- para sa sipon, sa pawis, at sa mga emergency body fluids. yehee

3.putanginang files- utos ng principal, test papers, memo

4. green cross alcohol, penshoppe hand sanitizer, penshoppe free- maarte lang. kunwaring malinis.

5. coin purse-nabili ko sa bangketa,10.00  na walang coin madalas dahil hindi ko makita pag kailangan ko na.

6. wallet- lagayan ng resibo galing atm, ID at family picture.

7.  nokia E72, nokia 1616, kingston data traveler, charger, headset -pag na hold up ako, yung nokia 1616 ang bibigay ko lol

8. random coins- mga hindi nailagay sa coin purse na laging nawawala 

9. payong- laban sa init ng araw pag umuuwi at alon sa bay (peacock para wind proof heheh)

10. Never Let me Go ni kazuo ishiguro na bigay ni psyduck. tamad pa kong magbasa. kala ko mababasa ko pag nasa bangka. kunwari smart.

11. starbucks 2012 planner- bigay ulit ni psyduck (next year ulit pokemon)

12. candy- may nagbigay tapos hindi ko nakain.

13. oakley shades- panangga sa matinding araw (tig 50.00- zuzyalen)

14. contact lens solution- wala akong maliit na lalagyan, sorry naman.

15. dickies eyeglasses- pag pagod na ang mata ko sa contact lens.

16. contact lens case- lalagyan ng sapatos. charlot

17. ruler- hmmm

18. dildo. ching lang..assorted ballpens, purple highlighter, pencil.

19. lesson plan.

20. 11.6 " neo notebook- para pwedeng manood ng porn sa school. charot.

21. bus ticket, scratch paper, kalat ng classroom na inuuwi ko pa.

22. reebok na bag na sale sa trinoma nung pasko.

oha, spell siksik sa bag? 

Sunday, February 12, 2012

araw ng mga pu _ _

love will be an impulse that will inspire and ruin in equal measure..- neil gaiman
salamat at nasa inspire part na ang pekpek ko. hihi


happy balentayms. gawaan na naman ng ginupit na kupido sa pulang  kartolina at ubusan na naman ng oras maghapon sa paggawa ng balentayms card. sarap buhay na naman ang mga guro! mamimigay na naman si mayor ng roses at tsokoleyt, mapupuno  ang mga motel at kinabukasan, swelduhan na naman. yeehee!

ito ang panahon na pwedeng pwedeng lumandi at ilabas ang inner kakesuhan at kapekpekan. yung parang dinidirect ka ni Cathy Garcia-Molina sa comeback ng jolina-marvin love team. ching lang!

sa mga magdadate sa mismong araw ng balentayms, shutanginamels, wag kayong magpupula. pero sige na nga, walang basagan ng trip.

----

sa mga sawi sa pag-ibig, alone forever at virgin for life, wag mag-alala, nariyan si adele, si mariang palad, ang youporn, at ang blog na 'to (shameless promotion!)

sa mga pinalad na may ka-aylabyuhan, nariyan si victoria, si frenzy at ang blog na 'to ulit (yehess sa promote!) haha

HAPPY BALENTAYMS MGA BATA! :))


<3 orayt 

Saturday, February 11, 2012

saka na

parang inamin ko na tuloy na hindi maganda si tintin ngayon.
bad teacher!

*may mali, sa malaking drawing naka-polo si bagets, sa 2nd picture, naka shirt na lang. hihi sowee

Sunday, February 5, 2012

ingat

mega sigaw pa yan palabas ko ng pinto.
pinag-iingat ba ko ni mudrax o ipinapain niya ko sa mga magnanakaw?
bad mudrax! bad!

Saturday, February 4, 2012

Thursday, February 2, 2012

cellphone chronicles

andaming beses ko nang sinabi na hindi na ko magpapalit ng phone. isang malaking goodluck ulit. sa lapad ng mga daliri ko, hindi talaga ako naging fan ng touch screen phones.

well, ibang usapan na kung tablet hihi


Wednesday, February 1, 2012

fresh start!

 all endings are also beginnings!

----

mula dito


papunta dito



bukas, lilipat na kami sa new building!!! yehey :)) thank you Lord, may bagong classroom na kaming sisirain!

ps. hinay hinay sa pagppadala ng bagyo. :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...