Monday, February 28, 2011

ang huling lunes ng pebrero

ibang level ka faye!
may dumating na nanay sa klasrum.
(biglang tayo ang faye at nag-mano, umupo agad at nag-behave kuno)

ser: sino po sila?
nanay: nanay po ako ni fredelito!
ser :(napangiti kay faye)

___

ginto?
faye: anong ulam mo ser?
ser: itlog na pula.
faye: ang yaman mo talaga ser!
ser: itlog nga lang eh. mayaman ka diyan.
faye: may kamatis po eh

___

paos
(pagpasok ng klasrum)
ser: wag kayong maingay ha? wala akong boses ngayon eh
class opo
(nag-ingay ang grade one)
ser: anong sabi ko pagpasok ko?
Noli: good morning po.

___
deserving
ser: may crayons ako. sino kaya ang pagbibigyan ko? sabihin niyo muna kung bakit kayo dapat ang bigyan ko nito.

faye: kasi nakakabasa na po ako!
noli: kasi po mabait ako.
teray: kasi po, wala akong crayons.

___

prodigal son
ser: may nagsabi sakin na naglaro ka lang daw ng 3 araw? di ba sabi ko magsanay kang magbasa?
aldo (umiiyak)...mag-aaral na po talaga kong mabuti. hindi na ko magkikimpyuter (pauso ni faye "kiki-mpyuter)

___

acceptance
(montanga yung gupit ni fredelito)
ser: sino gumupit sayo?
JR: tatay ko po, gumamit po ng blade, saka gunting, saka suklay.
ser: ahhh. faye, gusto mo nung gupit ni fredelito?
faye (ngumiti nang napaka-tamis, sabay yuko)

13 comments:

  1. ang lande ni faye!! wahahaha! may future na. :)

    ReplyDelete
  2. huwaw.. pumo-points si faye sa nanay lol... hahahahahaha at shet pag may kamatis mayaman..may kamatis din kame.

    ReplyDelete
  3. hahaha... ayan parang kinikilig narin ata ako kay idol faye... hahaha

    ReplyDelete
  4. inlababoo ang isang estudyante mo sir mots. Kay teray ba napunta ang crayons?

    ReplyDelete
  5. ibang klase nga si faye :) hang kyut kyut! nakakawala naman ng stress yang mga antics nia. ahehe.

    ReplyDelete
  6. whahah kulit ni faye talaga... gusto ko na siyang mameet heheeh :D

    ReplyDelete
  7. kikimpyuter, hahaha

    never gets old!

    :))

    ReplyDelete
  8. ang saya naman ng trabaho mo sir.
    nagrereward ka pala sir? :) nice.

    ReplyDelete
  9. Ang aga namang kumerengkeng niyan ser!! :D

    ReplyDelete
  10. haha nakakaloka ang tambalang faye at fredelito! Bata pa lang may pagpasikat na sa mother in law... Nahihiwagaan na ko sa mga grade one na toh

    ReplyDelete
  11. fuuuuuuck may namumuong pagnanasa sa puso ni Fayeeeee!!! Aabangan ko kung paano uusbong ito, wag lang syang maunahan ni Ken!!!

    So si Teray ang nakaharbat ng crayons? Sana naman kasi nakakatouch yung batang yun.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...