Thursday, February 10, 2011

call center agent si papa jesus

patawad sa replay na drawing
starstruck

 sa sobrang init, nagtanggal ako ng salamin sa klase.

teray: wow ser, muka kang artista!
ser: weh? sino naman?
noli: si john lloyd po
ser: plus 10 ka sakin noli. hahaha
teray: hindi eh...teka..si aljur?
ser: gusto mo rin ng plus teray?
faye: alam ko na! kamuka niyo si michael jackson!
ser: minus 20!

____

medyo medyo
ser: napaka-tsitsismoso niyo boys.
mark: bading po siguro.
ser: siguro nga.
dugong: medyo medyo lang ser! medyo oo, medyo hindi!
____

nung dumating si supervisor

ser: grade one, kahit ngayong araw lang, parang awa niyo na, magpakabait naman kayo. may bisita tayo
class: opo!
ser: wala munang lalabas ng classroom
class: opo
ser: wala munang mag-iingay
class: opo
ser: walang magkakalat
class: opo

jr: pwede po ba kaming huminga? (parang hindi na hirit ng grade one anu?)

____
true love
(nagsagot si JR sa blackboard--kaso mali, tumawa ang buong klase)

Faye: (galit) bakit niyo "pinagtitirpan" si fredelito(JR)? naiinggit lang kayo sa kanya!

____

hindi magandang balita
*hindi pumasok si <kumuha ng magic pencil>, binugbog daw ng lola
ser: binugbog o pinalo?
aldo: binugbog po.
joshua: may pamatpat po.
aldo: sabi po ni <kumuha ng magic pencil>, "tama na po, lola, tama na po" :'(

____
call center agent si papa jesus

faye: kamuka niyo po si papa jesus. pareho kayong may balbas. siguro ikaw talaga si papa jesus. nag-eenglish po kasi kayo.

25 comments:

  1. ikaw na ang mala-john lloyd hehe, binawi lang ni jacko!

    ReplyDelete
  2. talagang mystery padin yung name ng . hehehe.

    mukang may crush si faye kay JR. :p

    ReplyDelete
  3. grabe ang saya talaga ng section mo ser... sayang nga lang at malapit na ang march....

    ReplyDelete
  4. kawawa naman si . hindi naman tamang bugbugin ang bata :(

    ReplyDelete
  5. hahaha...ok na sana si john lloyd at aljur, humirit pa ng michael jackson.
    parang mala-love ko na rin si Faye, pamatay lage ang hirit..hehe

    ReplyDelete
  6. hahaha naks dami nyo palang kahawig sir na personalities.hehehe

    ReplyDelete
  7. Parang gusto ko na din maging teacher sir! :))))

    ReplyDelete
  8. napaka old-fashioned talaga ng pagdidisiplina ni lola... sabagay, lola na nga kasi...

    pero natuwa ako kay Faye sa pagtatanggol niya kay Fredelito... pero mas masaya kung si Ken ang gumawa hahahaha

    ReplyDelete
  9. LOL. Nakakatuwa naman itong mga mag-aaral niyo, ser! Sa public po ba kayo nagtuturo?? :D

    ReplyDelete
  10. faye
    michael jackson
    jr
    faye
    at si fredelito..

    ang mga dahilan kung bakit ako tumatawa magisa ngayon.. haha

    kaso kawawa si magic pencil.. :(


    ser ok lang ba na ikaw na lng magpapalo sa lola nya?

    ReplyDelete
  11. Haaaaayy... sarap na stress relief...

    Kawawa naman yung batang nanguha ng pencils... sabagay nung Grade 1 ako, although hindi ako magnanakaw, hindi ko pa rin yata gets na mali ang pagnanakaw... Baka maging lesson yan sa kanya para hindi na umulit.

    ReplyDelete
  12. ang saya saya naman ng mga pupils niyo si mots.

    ReplyDelete
  13. hahaha... nakakatuwa naman mga estudyante mo haha :D

    ReplyDelete
  14. Hahaha. You never fail to surprise me. Para lang akong engot na nakatawa sa sarili.

    Funny yung entry. Kudos!

    ReplyDelete
  15. hahahahhahahhahaha~!!!!!!

    tawa ako ng tawa sa station ko..kakaloka naman po mga estudyante nito! hehehe..lalo si faye. I' wondering what she looks like!

    ReplyDelete
  16. dahil sa mga post mo lagi kong natatandaan nung grade skul ako,haha, noong grade 1 ako,me nagnakaw din ng gamit ko, ung usong uso noon na stamp na animal ang design. ang stamp ko noon ay palaka. biglang nawala sa pencil case ko at nakita ko sa klasmeyt ko,kaya gumanti ako at kinuha ko ang "magic pencil" niya.hahahaha

    ReplyDelete
  17. nyahahahaha michael jackson ka pala teacher eh! at natawa naman ako sa pwede po ba huminga..lol hahaha

    ReplyDelete
  18. kulet talaga ni faye.... at ngayon me kaloveteam na siya... hahahah :D

    sayang at maggegrade two na sila next school year....

    ReplyDelete
  19. wahaha. oo jr. pede kayung huminga :) wahahah!

    ReplyDelete
  20. I love your blog, laughtrip
    can I Post this on my tumblr?

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...