Saturday, January 29, 2011

mga naganap nung friday

dakma princess

mark: sir, si faye po, hinawakan ang pwet ko.
sir: (natatawa pa) paano naman hinawakan?
mark: nakayuko po ako tapos po, dinakma.
sir: faye....

(si faye, nasa kabilang column, ngumingisi)

____

balentayms
gumagawa kami ng mga puso para sa valentine's day (balentayms sabi nga nila)

jejan: di po ba pang mag-jowa lang yung heart? (at jowa talaga ang term na gamit niya)

____

very good si tatay

teray: eto na po yung project ko.
sir: sino gumawa nito?
teray: tatay ko po.
sir: sinong bibigyan ko ng grade? ikaw o yung tatay mo? di ba sabi ko magpapatulong lang. hindi ipapagawa?
tearay: hindi ko po pinagawa. si tatay po ang may gusto, sabi gagawin niya kasi pangit daw po. pero di ko po talaga pinagawa.

____
 itanong kay ser (part 1)

(may pagpupulong na nagaganap sa classroom..lumapit si aldo sakin)
aldo: sir, totoo po ba si machete?
sir: hindi
(bumalik sa aldo sa kumpulan)
aldo: hindi daw totoo si machete.
(bumalik si aldo sakin)
aldo: sir, totoo po ba si santa claus?
sir: hindi rin
(bumalik si aldo sa kumpulan)
aldo: sabi ko sa inyo, hindi totoo si santa eh
cj: totoo po!
aldo: sabi kaya ni ser!
cj: sabi sa tv eh
aldo: sa tv lang yun! tanong mo pa kay ser!

____
 itanong kay ser (part 2)
aldo: ser totoo po ba si four arms?
si four arms ng ben 10

Wednesday, January 26, 2011

parental guidance

TV Patrol

gawing pangungusap ang parirala

ang bata

joshua: ang bata ay nagahasa.


____________

Willing Willie
inabutan ko si dugong sa harap ng mga kakalase niya. pinagkakaguluhan


dugong:  oh oh ohh..oh oh ohhh. awesome!!! (mga 3 times pa)

____________

Machete

faye: sir namatay po si aljur kagabi
sir: aljur abrenica?
faye: opo. sa machete, namatay siya.

(may sumabat)

aldo: ako si machete! (sabay taas ng t-shirt)

_____________

pokemon

faye; ang bastos po ni raven.
sir: bakit?
faye: sabi po kasi niya puki-mon, puki-mon.puki nang puki eh pokemon po yun.

tomo!
_____________

follow-up story tungkol kay teray.


kahapon, nagsusumbong.
teray: sir, sabi po ni julius, hinahawakan ko yung titi ni jc eh hindi  naman po
sir: ano ba kasing ginagawa mo?
teray: kinakapa ko po yung barya niya.
---
teray: sir, paayos naman po ng salamin ko.
sir; (nagmamagaling) sige sige!...(at biglang nabali ang salamin)
teray: sir, wag kang mag-alala. di ka papagalitan ni nanay

Tuesday, January 25, 2011

ang alamat ng plastic bag..bow

noli; masakit po ang tiyan ko..
sir: baka nadududmi ka? gusto mong mag-cr?
noli: sige po..

(dahil malapit lang ang ang mga bahay sa school, pinapauwi ko sila pag najejerbs. pero isang malayong lakbayin pa ang bahay nila noli. lalabas na ang jerbs, wala pa man siya sa kanila) kaya...

sir: class, sinong pwedeng isama si noli sa bahay para maka-cr.
teray: ako po! ako po!
sir: sige noli sumama ka na kila teray..
teray: kaso sir, baka hindi sanay si noli tumae sa plastik.


--at nalungkot ako nang bonggang bonggang-bongga para sa pamilya ni teray

Sunday, January 23, 2011

sunday na sunday post

kung may theme song ang blog ko. ito yun

pwede rin yung teacher's pet ng pupil. mas nakaka-high nga lang to.

parang si snow white habang kmakanta sa balon.

hardcore. kaso walang ganito sa videokeman

Friday, January 21, 2011

dwarfina sa isla


sir: bakit ka absent?
noli: sinapian po ako ng duwende.
aldo: ano noli? nasa cr ka ng duwende?
sir: pano mo naman nalaman na sinapian ka?
faye: nagwawala po siya. binasag pa po niya yung poon
cj: parang tatay ko. sinasapian pag lasing.


*kung ganito ang usapan tuwing magchecheck ako ng attendance, maghapon ko tong gagawin :)

Thursday, January 20, 2011

hapi na bortdey pa


teray: ser, pwede ba kaming kumanta ni joshua?
sir: ng ano? tsamina mina waka waka eh eh?
teray at joshua: happy birthday po! 


happy bertday to you, 
happy bertdey to you, 
happy bertdey, 
happy bertdey,
 happy bertdey to you.

____

sir: mam, pwede po bang i-move ang bithday leave sa friday? may spag po akong dala hihi
principal: sure!!


kaya bukas! maghapon akong tutunganga sa bahay!!!! yahoooooooooooooooooo!

hulas na hulas. hanggang sa pag-greet, may favoritism

pero siyempre, walang ng mas tatamis sa phone call nila W at J. lapit na ng grad ng dalawang chikiting ko :(

Tuesday, January 18, 2011

batiin mo ko

kepay ng baboy

naghahanap ako ng picture ng insekto  na ang tawag ay  "puki ng baboy" sa google. tapos lumabas sa listahan yung blog ni p0kw4ng.astig!! (kaso maglilipat blog muna ata siya)



sir: hugasan mo nga tong baso sa poso.
mark: opo.
(20 minutes na ang lumipas)
sir: tagal mo naman.
mark: may puki po kasi sa poso. malansa.
sir: ano?
mark: puki po. puki ng baboy.
sir: huh?
mark: yung puki ng baboy po. malagkit at malansa.
sir: di ko maintindihan. may naglagay ng ano ng baboy sa poso?  yung mismong ano ng baboy?
mark: insekto po yun.
sir: ahhhhhh.

____

tanong: sinong bastos? si faye o si hannah?

faye: kiss sabay hug! kiss sabay hug! kissabayhag! kissabayhag!
hannah: sir, si faye po bastos!!!
faye: sabi ko lang naman po kissabayhug!

____

reading assessment 

"he likes the sweet smell" (from roses in the garden)

danico: he li..like the sweet s..s..seme....n se..men..semel.
sir: smell.
danico. he likes the sweet smell.

buti na lang hindi "he licked the sweet semen" ang basa.

____

it's a small world after all

nagkita kami ng dati naming kasambahay sa isla na pinagtuturuan ko. lola na siya ng tatlong estudyante ko ngayon. 

sir: alam ba ninyo, nung kasing liit niyo ko, inalagaan ako ng lola niyo!
joshua: (nanlaki ang mata, na parang nagulat at natatakot) magiging kasinlaki ko kayo ser?


____


jejemon much

nabasa ko to sa facebook account ng isang malayong kamag-anak (hurrk)


boy: ang panget moh nah!
girl: tang-inah muh! 
epal ka na naman gagooo kah!
ewan ko xau kaht kelan napaka xaxama niu!


haizt. glit na xa xkien
bxtah ng so2rrie na ckoe huh


(parang ang sweet parin anu? wahaha)


____
happy na bortdei pa


principal: pwede kang umabsent sa bday mo.


malapit na ang bortdei ko!! buti na lang pinaalala ni will.

kaya batiin mo ko. sige na!  sigeh pahhhhh ahhh. sig pa!!!!!! :)

ang gusto ko lang naman ay ang mahigpit mong yakap. joke. laptop gusto ko. tse



Saturday, January 15, 2011

crush gear

ser, si danico, naglalaro ng crush jeer


ser, si joshua, may dalang crush gay


ser, si aldo, gumagawa ng crush ger


ser, si dugong, nagka- crush giyer


-Noli (na hindi na tumama sa pagbigkas ng gear)


hindi ganyan ang crush gear nila.



ayan, ganyan


spell resourcefulness?

Friday, January 14, 2011

si dugong

ang utang kong picture ni faye at ng orange bingo :) 
si dugong. pinadrowing ko ang mga kaibigan niya
(ayokong maging kaibigan ni dugong)



malansang isda

dugong: sir, ambahu-baho!
sir: buksan mo nga yung bintana nang sumingaw yang amoy niyo. di ata kayo naliligo eh.
dugong: ako po di naligo.


____


aka shakira

sir: magwalis ka nga dugong.
dugong: opo
(at bigla siyang kakanta ng:)
♪tsamina mina eh eh
waka waka eh eh
tsamina mina
zangalewa
anawa aa


sir: ayusin mo yung silya mo dugong
dugong: yessir!
(at bigla siyang kakanta ng:)
♪ tsamina mina eh eh
waka waka eh eh
tsamina mina
zangalewa
anawa aa

sir: sino ang masipag na maglilinis?
dugong: ako po!
(at bigla siyang kakanta ng:)
♪tsamina mina eh eh
waka waka eh eh
tsamina mina
zangalewa
anawa aa

______
demanding


kanina pagkatapos ng summative test.
kumakanta na naman si dugong.


dugong: b1 b1 gusto ko ng b1! 
sir: pag nakabasa ka na, bibili kita ng b1*.
dugong: yun po ba yung may spaghetti?

(*b1: value meal sa jollibee na may yum, fries at softdrinks)

Monday, January 10, 2011

mga putaragis na balita

mabilis lang to.

naglilihi ako sa bingo orange. sorry naman alangan namang sa oreo na strawberry eh dukha lang ako. so yun nga, nung nakita kong may tindang bingo orange sa canteen, bumili agad ako ng tatlo. dali-daling bumalik sa classroom, binuksan ang lalagyan, inamoy-amoy, pumikit at nang saktong isusubo ko na, nagsisisgaw na naman ang putaragis na faye angelica at nagsusumbong..

sir! siir! siiiiiiiiiiiiir!

 hindi po papasok si aldo!
mag KIKI-mpyuter daw po!

____
salamat kay kamila sa TABA nomination. :)

nag-comment si will sakin. nominated daw ako sa putaragis na most handsome bloggers for 2011. hindi ko naman picture to eh. eto talaga ang picture ko (bagong gisheng pa ako nyayn!))

oha.noo pa lang. identical na!

kung sino man ang nag-nominate sakin, pumunta ka na sa pinakamalapit na doktor sa mata.

Friday, January 7, 2011

tigang

may 8 posts lang ako nung december at umuusad na ang january na iisa pa lang ang matinong post ko.

kinakarir ko kasi ang pagpapabasa sa grade 1. reading assessment na next week. nahihirapan talaga ko kasi andaming non readers sa klase ko. isa pa, november last year lang ako nagturo (excuse!). ang hirap pag di ako ang nagsimula ng klase. kasalanan to ng dating adviser nila! joke. shet papa shet! naiistress ang bangs ko.

pag inuna ko ang pagboblog sa mga panahon ngayon, paano na ang kinabukasa ng ating bansa? chos!

naalala ko tuloy yung patalastas ng nescafe.

nakakabasa na si kembot
marunong na ring magbilang si dagul

ikaw, para kanino ka bumabangon?



sa haba ng sinabi ko. tinatamad lang din  talaga akong mag-blog minsan. samahan mo na rin ng pagloloko ng pc.

Thursday, January 6, 2011

si Faye Angelica (na medyo hindi angelic)

yey! ang unang post ko sa 2011!

balik na naman ako sa piling ng mga hinayupak na grade 1. usapang titi, pekpek at burat na naman ang naririnig ko araw-araw. sa buong maghapon:

20% nagsasalita ako
30% dumadaldal sila
50% nagsusumbong si faye
salamat sa google

(habang kumakain ng sandwich si sir)
sabi ni faye sa katabi,
"kaya tumataba si sir eh"
________
(habang umiikot sa classroom si sir)
kinukwentuhan na naman ni faye ang katabi nya
"tignan mo si sir, may taba sa tyan"
________
faye: sir! si aldo, kinikiskis yung titi nya sa papel!
________
faye: sir, si kobe po namamahid ng kulangot na green!
kobe: hindi kaya kulangot yun
faye: kainin mo pa yang kulangot mo.
________
(unang araw ng klase)
Faye: sabi po ni daddy, dalin ko yung baril namin. barilin ko si ma'am perez (yung principal)
________
sir: lalaki ka ba at ang harot-harot mo? daig mo pa yung mga boys sa klase ah.
faye: girl ako. may pekpek po ako!
________
faye: kamuka ko po ba si trudis?
sir: hindi.
faye: susumbong kita sa mommy ko.
________
(nag-aalcohol ako pagkatapos at bago kumain)
faye: si sir, nag-aadik sa alcohol!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...