Thursday, February 3, 2011

tangled (magulo pa sa bulbol mo ang post na to)

tuwing uuwi ako ng bahay, temptation of wife ang pinapanood ng tita ko,tapos bantatay, tapos willing-willie, lilipat sa noah, tapos mara-clara. isang araw, di na ko magtataka kung sa lunchbreak ko, maghanap ako ng preysyus romance pocket books na gawa ni ate martha cecilia boom boom pow para aliwin ang aking sarili.

speaking of mara clara na napanuod ko nung isang gabi. alam na ni mara na isa siyang del valle. gayundin naman si clara. siyet. dati, nanganak na't lahat ang adviser ko, pinalitan ang principal namin, natae ako sa shorts, tinubuan ako ng pubic hair, eh di nila makita-kita ang diary ni tiyo karlo. ngayon, nagayari ang lahat sa iisang episode. kaya naman palang paikliin, pinagka haba-haba pa ng abs-cbn ang pagpapahirap ni clara kay mara. tsk. beri bad.

dahil napag-uusapan na rin naman ang mabilis, nakita ko at binutingting ang aking birth certificate. 23 lang si mudra nungpinanganak niya ko. walandyo. ka-lantod ng nanay ko. naisip ko tuloy, 24 na ko, dapat makabuntis na rin ako.(ang aangal sa edad ko uunahin kong tirahin) haaha

yun lang.

wala kasing pasok ngayon. local holiday--ople day. hindi ko na sasabihing mabuhay si ople. mahirap na.

___

gusto ko na namang baguhin ang lay-out ng blog ko. kaso blogger templalte lang ang alam ko. hehe

26 comments:

  1. noon kasi, nauuto ang pipol na tumutok sa tv kahit super drag na ang wento, ngayon, pag di nila dinalian, patay ang rating.

    ReplyDelete
  2. paborito ko 'tong mara clara haha at aliw na aliw ako dahil nga hindi inabot ng 5 years bago nila matagpuan at mabasa ang diary. hihihi... nakamatayan din pala ng lola ko 'yung nauna. hehe.

    ReplyDelete
  3. whaha ang kulit.. oi bago header... ang ganda parang adam at eve hehe :D

    ReplyDelete
  4. akala ko tuluy tuloy ang kwento tungkol sa mara clara. tsk!

    napansin ko lang... sa t'wing bibisita ako dito... iba ibang header ang nakikita ko. yon lang. :)

    ReplyDelete
  5. Hahahah.... lol.. teacher.. 23 enough na kaya yun!!! niyay naghahanap ka na ng biktima ah! hhahaha

    ReplyDelete
  6. manood po kayo ng temptaion of wife.maganda talaga yan.maski ako nanonood na rin.gnda kasi ng mga twists!!at ngayun maghihiganti na si shantal sa pamilya ni marcel.hehe

    ReplyDelete
  7. 24 ka lng ser? weh?
    ano ako 16?



    wahhahaha juk!:P

    ReplyDelete
  8. ganda ng header! :D

    24 ka lang pala ser? magka-age tayo. akala ko nung una mga 28 ka na eh. wahahahaha peace!

    ReplyDelete
  9. hahaha, noong bata pa ko, sinusubaysayan ko din ang mara clara, at favorite ko si clara kasi kontra bida kaya siguro salbahe ako.haha ngayon di ko napapanood yan. ako man hirap magbago ng layout kasi tinatamad ako mgedit ng html.igoogle mo lang kung papano gumawa ng sariling layout for blogger.haha

    ReplyDelete
  10. neneng at robbie! walangya!!!! haha

    ReplyDelete
  11. wahahaha. oo nga. bakit kelangan pahabain ng 7 years ang mara clara. nagkamens na sila sa telenovela na yun.

    ReplyDelete
  12. wahahhaha juk lang! pis!


    magkasing edad lng din pla tayo ser! :)

    ReplyDelete
  13. hahaha huwag na palitan sir ganda kasi.. wahehhee... masanay ka na sa mga pinaikling kwento sir... ganda naman kasi.. hahah di boring.. hahaha

    ReplyDelete
  14. Mabubuang ka nga dati sa mga teleserye kasi kapag sinabing buntis ang bida, talagang nine months pa bago manganak. Ngayon, magic na! Kinabukasang episode, nag-aaral na iyong anak niya na nasa sinapupunan pa lang noong isang araw. :D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  15. Sige na nga, 24 ka na! Natakot ako. Haha. Oo nga, kaya di ako makapaniwala na 5 years tinagal ng Mara Clara dati. Ganun lang pala ang storya. Panu nila napahaba yun? Pambihira!

    ReplyDelete
  16. "kaya naman palang paikiliin, pinahaba pa ng ABS" bwhahaha

    oo nga, kung ano anong palabok pa ang nilagay nila... beri bad talaga. Pero partly kasalanan narin yon ng mga manonood, dahil gusto nilang pahabain, ng pahabain... Siguro karamihan ng nanonood babae. Well sa mga babae, length matters.

    ReplyDelete
  17. lahat dito nakatutok sa TFC mara clara (pinung pino),
    Sobra nga hba nuon, kinamatayan na ng kapit bahay namin may diabetis, di parin matapos tapos,hehehe

    ReplyDelete
  18. Basta ako naniniwalang 24 ka na. hehehe

    ReplyDelete
  19. Yehey palitan na naman ng header! Buti ka pa halos weekly magpalit ako isang taon na ang nakalipas...

    Pakshet yang Mara Clara (yung original) kasi pag pinanonood ko eh nadedepress ako (affected)...

    Tiyo Kardo hindi Karlo...

    ReplyDelete
  20. KULIT MO MAGKWENTO. ANG SAYA.
    NUNG ISANG ARAW KO PA GUSTONG IPARATING ANG AKING PAGHANGA SA HEADER MO. ASTIG DUDE.

    NASA AKIN NGA YUNG ORIGINAL MICHAEL ANGELO PAINTING NA YAN EH ;)

    CHING LANG.

    ReplyDelete
  21. gustong gusto ko yung temptation of wife...heheheh

    ReplyDelete
  22. tanong lang,bakit nag dadiary si tiyo carlo? may diary ka rin ser mots? :D

    ser,diba kabebertdi mo lang? hehehe

    ReplyDelete
  23. Kaya nga diba nagulat si Hubert Webb nung lumaya siya bakit daw may Mara Clara pa rin after 15 years? lol.. sige mag-anak ka na masarap magka-anak sabi ni Mama. lol. Ako next time na, busy sa work. haha.:D

    Ang weird ng Word Verification ko: GANTI. lol

    ReplyDelete
  24. baguhin?eh ang ganda ganda na ng layout ng bahay mo eh..anyway..wala na akong time para manuod super busy kasi eh hehehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...