Wednesday, February 2, 2011

itch so nice to be happy. shalalala

work in progress
gusto kong maiyak kanina nang nabasa ni julius, joshua at jana yung:

Sulyap sa kabanata
ano ang nilalaman?

ganun pala yung pakiramdam na sayo natutong magbasa yung isang bata. sarap ng feeling. hindi naman pala nabalewala ang ilang linggong pananakit ng ulo ko sa grade 1. hay. na-excite tuloy akong pumasok  :)
___________
dual sim


sir: noli, anong gusto mo paglaki?
noli: bumbero po.
sir: akala ko pa naman gusto mong maging teacher.
noli: pwede rin po. bumberong teacher.

(bakit di ko naisip yun dati?)
__________
lubi-lubi

sir: sinong may alam ng kanatang lubi-lubi (para sa lesson na months of the year)
dugong: ako po!
sir: sige nga!
dugong: lubidoo bi doo bi doo bidoooo.
___________
sino ba namang hindi

cj: sir sabi po ni faye, gusto raw niyang manuod ng bold
___________
angas
naghahanap ako ng picture ng teacher sa google tas eto ang lumabas. pumalakpak naman ang tenga't mata ko ko :)

___________

booster
kung gusto mong bumonggang-bongga ang self-confidence mo, gow na sa grade 1!

"ambango naman ni ser!" (alcohol lang  naman, kung makapuri)

"galing nyo naman pong gumawa ng bilog!" (kahit hindi perfect, basta magtagpo ang dalawng dulo)

"galing nyo naman pong magdrowing  ng pusa!"

"astig si ser, yung relos walang number, pero alam niya yung oras!"

"siguro po matalino magiging anak niyo, matalino po kayo eh" ( pag nakakapag solve ka na ng word problem at mabilis kang magbasa feeling nila henyo ka na)

17 comments:

  1. Kapag binabasa ko blog mo sir mots, parang gusto ko na ring maging teacher. hehehe

    ReplyDelete
  2. hahaha, nakakatuwa naman ang mga estudyante mo :)

    natawa ako don sa bata na gustong manood ng bold. bwahaha

    pero mas natawa ako sa fact na may sumbungero. :)

    ReplyDelete
  3. Wow! galing galing naman ni titser mots! hehehehehhehe... Kunsabagay sino nga bang hindi... hahahahahha... high five kay faye! lol

    ReplyDelete
  4. sir! i shared your blog sa mga classmates ko nung computer period sa school. :D
    super aliw sila kay faye.
    tas na antig yung puso nung isa nung nalaman ang siste sa plastic at pag tae. :D

    yun lang. :D

    ReplyDelete
  5. SIR MOTS, YUN DIN ANG ALAM KONG LUBI-LUBI. YUNG TULAD NG KAY DUGONG. MALI BA YUN?

    YES, SA MATA NG BATA, IF YOU DO SHOW THEM AMAZING DEED, THEN, YOU'RE GREAT ;)

    ReplyDelete
  6. saludo ako kay faye ahahaha

    :D

    ReplyDelete
  7. haha namiss ko ser post mo ah!.. kulet.. natawa ko sa bawat hirit ng iyong mga esrudtyante.. at xempre di magpapatalo ang ka tokayo ko..

    nga pla ser.. parang kamuka mo yung kaklase ko.. lamang ka lang ng 1 at kalahating wisik.. hehe

    ReplyDelete
  8. congrats pla at kilalang kilala ka na ni google! naks.. matry nga rin.. ahahah inggitera!

    ReplyDelete
  9. hahaha pero sa lahat natawa ako sa header.. hahaha hindi masyadong censored ang pusa.. wahehhee.. tumirik ang lapis niya.. hahaha

    ReplyDelete
  10. Ang galing galing naman ni sir mots.

    ReplyDelete
  11. Haha hanep nagogoogle na ang picture! at teacher lang ang keyword, ikaw na!!! It's you already...

    Tingin ko magkakasundo kami ni Faye.

    ReplyDelete
  12. Your students seem cute!!!! Makes me want to like kids na tlaga! At Baka maisipan ko pang magturo! lolz.

    ReplyDelete
  13. naligayan ako sa post mo teacher mots..:))

    ReplyDelete
  14. magiging proud ka pag sa mga bata ka bibida dahil lahat ng appreciation nagagawa nila. :D

    ReplyDelete
  15. huwaw ang angas nga :) nasa google si sir. ahehe. i noticed the new header pala :) swak ang GALING talaga :) hehe.

    ReplyDelete
  16. hahah.. naalala ko tuloy ang kabataab ko dud,, heheh.. magaling din akong mang-uto nang titser. eh.. naging "most appreciative" ako noon.. heheh.. anyway, thanks for sharing.. You've got the noblest job there man.. I salute you.. you may want to check this interesting article about happiness - Happiness

    P.s. we're both half-FACED.. ahhehe

    ReplyDelete
  17. tama naman yung kinanta ni dugong ah? hehe.

    aww namiss ko si noli! hehehe.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...