Saturday, February 5, 2011

the mole

may nakasabay akong bumbay habang naglalakad. mamay-maya bigla niyang tinanong si ateng walang kamal-malay at hindi ready sa english 101 surprise recitation. sabi ni bumbay:

bumbay: is this the way to LRT station?
ate: yes!
bumbay: how can i go there?
ate: uhhm, first, you enter the mole (mall), then you go out the mole.

naintindihan ko naman ang gustong sabihin ni ate. papasok ka sa likod ng mall, tapos lalabas ka dun sa harap. ayun, malapit na dun ang LRT station. kaso kung ako yung bumbay, hindi ko alam kung magpapatiwakal na lang ako sa sagot ni ate. papasok ka sa mole, tapos lalabas agad. siyet sayang sa effort.

___
dear glen,

wala pa kong malinaw ni picture ni faye. ayaw niya kasing kinukuhanan siya. meron siyang malaking mole malapit sa ilong. ala nora aunor. kung tatanungin mo kung gaano kaganda si faye, hayaan mong ang post na to ang magbigay ng muka sa batang may pitak na sa iyong puso.

sir: totoo bang nag-i love you ka kay JR?
faye: hindi po joke lang yun! di kami bagay
sir: bakit hindi kayo bagay?
faye: maganda po kasi ako.

27 comments:

  1. sana next time may pix na ibang students mo sir, kahit cartoon version :D

    Nagulantang ata bumbay. lalabas at papasok lang sya ng mole.

    ReplyDelete
  2. natuwa naman ako sa post na ito... ganyan talaga ang mga Pinoy, medyo nadidiscriminate ng mga kano dahil sa accent at broken english natin... pero naniniwala ako na magiging maayos din ang English proficiency ng mga Pinoy nang hindi nasisira ang pagka-Pilipino :)

    ReplyDelete
  3. ang tindi ni faye!
    yan ang confidence!

    ReplyDelete
  4. hanep si faye mahangin.. hahaha

    ReplyDelete
  5. Mahusay na bata yang si faye. I can tell!! Ahihihi.. LOLOLOL. :D

    ReplyDelete
  6. hahahhaa... napatawa naman ako ng malakas sa MOLE ni ate..

    akala tuloy ng nanay ko kung ano ngyayari sa akin...

    ahahahha

    ReplyDelete
  7. Confident si Faye! Maganda nga! :)

    ReplyDelete
  8. haha. enter the mole then go out the mole. pwede. parang portal lang ang entrance ng LRT.

    ReplyDelete
  9. hindi pumalya mots...napahagikhik na naman ako! palong palo sa akin si Faye eh,hihihihi *beergin lang*

    ReplyDelete
  10. So pangit si JR kasi maganda si Faye? hahaha.

    Natawa naman ako kay Ate Mole. Dapat ready sya palagi sa English. Ano pala nangyari sa Bombay?

    ReplyDelete
  11. natawa ako kay faye.... hayy... panalo talaga ang dialogue... :D

    ReplyDelete
  12. bakit pa pogi ng pa pogi ang pic mo

    ReplyDelete
  13. ang naisip ko... nasa araneta cubao station kayo.. kung mali ako.. wala lang..e di mali.. yun lang naisip ko na may mall eh.

    ReplyDelete
  14. Hindi ko pa pinangarap na makapasok ng "mole." 'Di ko na rin siguro papangarapin. =)) Nice naman si Faye. :) I love her na!

    ReplyDelete
  15. faye made my day. lol.

    ReplyDelete
  16. orayt sa kumpyansa si faye! hahaha! di sila bagay kasi maganda talaga sya! hahaha!

    ReplyDelete
  17. even if i'm having a hard time reading in Tagalog, I love reading your blog! reading and re-reading!

    Funny without an effort. ;)

    ReplyDelete
  18. oo nga kahit cartoon version lang ng mga students mo kuya =) paborit ko rin si faye hehehe ang kulet nya eh

    ReplyDelete
  19. hahaha...tindi ng confidence level ni faye!

    ReplyDelete
  20. hahahahaha. hindi ko kinaya yung line ni faye, "maganda po kasi ako". lol

    ReplyDelete
  21. Sana ma-rub off sa akin kahit wag n lang ang kagandahan kundi ang confidence na lang, Taray!

    ReplyDelete
  22. Grabe I love Faye! ang haba ng bangs niya. Winnur!

    Meron akong friend na may distinguishable mole sa pinaka-tip ng nose niya. Everytime I see her, which is not often, I always na that her face has a focal point. Wahaha. Pero I love her to death. :D

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...