Tuesday, February 8, 2011

brusko ken

dumating si madam supervisor kanina. siyet. nakalimutan kong bilinan ang mga batang maligo. pero as usual, wala lang ang intro ko. Ang mga susunod niyong mababasa ay ang kaganapan habang kumakain ng talaba sa H.E room si madam supervisor.

mahal ko na si faye
 
class: ang init ser
ser: gusto niyong buksan ko yung electric fan?
class: sige ser! sige ser!
(sinaksak ni ser ang electric fan)
noli: na-ground po yung dating teacher namin dyan
ser: bakit ngayon niyo lang sinabi, eh kung na-ground ako?
faye: hindi maga-ground si ser kasi macho siya!

__________
ang machong machong si ken


ang reyna ng karagatan


faye: ser, si jesus po ang ang hari ng buong mundo?
ser: oo, bakit?
faye: ay sayang gusto ko pa naman si mama mary
ser: sabi mo kasi "hari" eh
ellai: oo nga. princess siya!
cj: may castle ba siya?
ellai: si mickey mouse meron
cj: sinong gusto mong princess?
ellai: si sleeping beauty
faye: ako si snow white
(sumingit si ken)
ken: ako si little mermaid
--
caronia! caronia!

ken: ser, tignan mo!
ser: ano yun?
(ipinakita ang kuko)
ken : tignan niyo po! makintab
(ang bata, may clear na cutics! taray! machong macho)
--
mowdel

inabutan ko si ken na naglalaronung lunch
my mowdel one.my mowdel mowdel one
my mowdel two.my mowdel mowdel two
my irap one, my irap irap one
my irap two, may irap irap two


--
eewness
ken kay ellai

eeeeeeeeeeeeww. may sipon ka ka sa tenga. kaderders!


*sadyang itinago ang tunay na pangalan ni ken hehehe :)

24 comments:

  1. haha ayun oh macho daw si ser bumabait na si faye..=)

    mukhang alam na ang magiging katauhan ni ken paglaki nya hehe

    ReplyDelete
  2. Naalala ko tuloy yung kaklase ko nung elemntary may uhog din pro nung nagkita kami last year ang ganda na niyaaa!!! hehehe...

    ReplyDelete
  3. LOL. Ang aga namang magpakita ng tunay na kulay iyan, ser.. :D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  4. Hahahaha! Naku subaybayan dapat yang si Ken kasi may tendency hehehe... nagsusumigaw ang cuticles nya eh...

    ReplyDelete
  5. wakokokoko. may new student ka nanamang nafefeature aside kila faye at dugong. :D

    ReplyDelete
  6. hay, ang mga bata talaga pero aliw pa rin :)

    ReplyDelete
  7. pag macho pala di na gra ground. ngayon ko lang nalaman kay faye.

    ReplyDelete
  8. hahaha... may bagong star ang classroom

    ReplyDelete
  9. Ang kulit ni Ken! At sinungaling si Faye! Wahahahaha!

    ReplyDelete
  10. naalala ko bigla ang aking kabataan... nung minsang nagnakaw ako ng balankong report card para palitan ang mga grades ko... only to realize later na hindi pala gumagamit ang mga teachers ng glittery pink gel pen sa mga report card... hayst

    ReplyDelete
  11. kakaloka mg students mo. bet ko favorite mo si Faye.

    ReplyDelete
  12. haha... ayos yong reyna ng karagatan.

    ReplyDelete
  13. hahaha panalong panalo ang hirit ni Faye ah..miss ko na tuloy ang pagtuturo ;(

    ReplyDelete
  14. ser mots! at nakabalik rin ako dito. yoohooo!

    ReplyDelete
  15. ahaha..lagi po yata masaya sa loob ng klase mo ser?

    gusto mu din bang maghing hari ng buong mundo si mama mary?:))

    ReplyDelete
  16. LoLs! enjoy ako lagi sa pagbasa ng mga kwento mo sir kahit hindi ako nagccomment. hahaha! kulit talaga ng mga bata :D

    Nakulitan ako dun sa usapang nag-umpisa kay Jesus, natapos kay little mermaid. at gusto pa yatang maging sirena ni mowdel ken. hahahaha

    ReplyDelete
  17. hindi ko nagets yung my mowdel at irap..pramis teacher.. nyahahaha.. pero super tawa naman ako.. macho ka naman pala eh!

    ReplyDelete
  18. developing badaf pala etong si ken...baka next time ser kulotin na nya si faye..hehehe

    ReplyDelete
  19. out of curiosity, sir mots, how do handle it? I mean, they're all youngsters and yet one of them suddenly does something quite contrary to the rest of them, explaining that to them has to be quite tricky.

    ReplyDelete
  20. syet naalala ko nong elementary ako..nagsasapatos lang ako pag sinabi ng tekser na magsapatos pagpasok kasi dadating ang supervisor o kung sino mang importanteng tao..ahahaha lagi kasi ako non naka spartan,hihihi

    ReplyDelete
  21. Kaderders!!!! Gagamitin ko na yun lagi! Hahaha.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...