Tuesday, January 25, 2011

ang alamat ng plastic bag..bow

noli; masakit po ang tiyan ko..
sir: baka nadududmi ka? gusto mong mag-cr?
noli: sige po..

(dahil malapit lang ang ang mga bahay sa school, pinapauwi ko sila pag najejerbs. pero isang malayong lakbayin pa ang bahay nila noli. lalabas na ang jerbs, wala pa man siya sa kanila) kaya...

sir: class, sinong pwedeng isama si noli sa bahay para maka-cr.
teray: ako po! ako po!
sir: sige noli sumama ka na kila teray..
teray: kaso sir, baka hindi sanay si noli tumae sa plastik.


--at nalungkot ako nang bonggang bonggang-bongga para sa pamilya ni teray

21 comments:

  1. aww..mabait na bata..sana time will come magkaroon na sila ng maayos na cr..

    ReplyDelete
  2. weee.. may ganyan pa pala ngayon ano... kala ko sa nung unang panahon pa yan... ako din nalungkot kay teray.. at nasisiyahan sa music... teachers pet

    ReplyDelete
  3. awts. yari. walang cr sila teray. UFO ang style nila.

    ReplyDelete
  4. ba't di nalang tumae sa bay? hahaha

    ReplyDelete
  5. shucks mejo nadepress ako sa kwento na to. Sapul talaga.

    Mabuhay ka bilang isang guro! bilib talaga ako sayo.

    ReplyDelete
  6. mejo nakakalungkot nga ito sir na meron pa rin sa kababayan natin na cant afford makapagpagawa ng disenteng kubeta :(

    ReplyDelete
  7. Nandun yung pagpapakita ng magandang-loob, pag-ooffer kahit sila mismo eh wala, at pag-amin na hindi sila luxurious... Kahanga-hangang bata...

    ReplyDelete
  8. sir mots me mga tao talaga na pinanganak na privelage,mga me gintong kutsara sa bibig.,nalungkot man ako ke teray,natuwa naman ako sa offer nya na makatulong kahit sa plastic nga lang.,choz!

    ReplyDelete
  9. Whoa! Grabe naman sila Teray. Naawa ako bigla. Tsk tsk.

    ReplyDelete
  10. shet ako rin sobrang nalungkot. napaobvious na napakabait ni teray kasi inoffer pa rin niya. haay.

    ReplyDelete
  11. awwww sad for teray din pero natutuwa ako sa kanya kasi kahit ganun yung kalagayan nila,hindi yun naging hadlang para tumulong siya sa iba. Bow ako sa'yo girl!

    ReplyDelete
  12. hahaha.. talagang isasama pa sa bahay.. natawa ko dito sir..

    ReplyDelete
  13. wah natawa ako ng bahagya tapos nalungkot ako :( tapos natuwa ako na nagvolunteer pa rin si teray kahit ganun

    ReplyDelete
  14. hay. feeling ko tuloy super blessed na ako at may palikuran kami sa bahay.

    ReplyDelete
  15. LOL.. grabe naman yun, Natawa ako. hahaha

    ReplyDelete
  16. At least, may malasakit si Teray. Pero, sabi nga sa mga surveys, tatlo sa sampung Filipino households wala pa ring matinong CR.. God bless her!! :D

    ReplyDelete
  17. whoa... as part of the family, sanitation and disposal facilities are important... but in their part, composting or latrines lang gamit nila :(

    ReplyDelete
  18. omg seryoso ba siya? baka naman joke lang.

    ReplyDelete
  19. hinde ko mawari kung punchline ba yun na dapat kong tawanan o isang remark na dapat talagang pagtuunan ng pansin... hmmm. medjo malungkot yung underlying message nito :(

    ReplyDelete
  20. To tell you frankly, natawa ako dito.

    Pero this is a sad reality sa Pinas. Marami pa ring lugar ang walang maayos na "waste disposal" facility.

    Sana maging maayos na ang cr nina Teray.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...