Saturday, January 29, 2011

mga naganap nung friday

dakma princess

mark: sir, si faye po, hinawakan ang pwet ko.
sir: (natatawa pa) paano naman hinawakan?
mark: nakayuko po ako tapos po, dinakma.
sir: faye....

(si faye, nasa kabilang column, ngumingisi)

____

balentayms
gumagawa kami ng mga puso para sa valentine's day (balentayms sabi nga nila)

jejan: di po ba pang mag-jowa lang yung heart? (at jowa talaga ang term na gamit niya)

____

very good si tatay

teray: eto na po yung project ko.
sir: sino gumawa nito?
teray: tatay ko po.
sir: sinong bibigyan ko ng grade? ikaw o yung tatay mo? di ba sabi ko magpapatulong lang. hindi ipapagawa?
tearay: hindi ko po pinagawa. si tatay po ang may gusto, sabi gagawin niya kasi pangit daw po. pero di ko po talaga pinagawa.

____
 itanong kay ser (part 1)

(may pagpupulong na nagaganap sa classroom..lumapit si aldo sakin)
aldo: sir, totoo po ba si machete?
sir: hindi
(bumalik sa aldo sa kumpulan)
aldo: hindi daw totoo si machete.
(bumalik si aldo sakin)
aldo: sir, totoo po ba si santa claus?
sir: hindi rin
(bumalik si aldo sa kumpulan)
aldo: sabi ko sa inyo, hindi totoo si santa eh
cj: totoo po!
aldo: sabi kaya ni ser!
cj: sabi sa tv eh
aldo: sa tv lang yun! tanong mo pa kay ser!

____
 itanong kay ser (part 2)
aldo: ser totoo po ba si four arms?
si four arms ng ben 10

24 comments:

  1. Bakit kapag bata ang nagsabi, hangkyut pakinggan? hehehe

    ReplyDelete
  2. sobrang very very good si tatay, hahaha!

    ReplyDelete
  3. Minsan nga try mong gaguhin yung mga bata hehehe pag nagtanong kung totoo si ganito-ganito sagutin mo ng isang malaking oo para ma-stress sya hahaha

    ReplyDelete
  4. naku wlang ktapusang tanungan hehe, sir ano sagot mo kay four arms?

    ReplyDelete
  5. hahaha ang saya lang nila.. waheheh

    ReplyDelete
  6. hay nako...

    si faye talaga humarurot na maige lol....

    panalo ang tatay ni teray... i-100 na yan lol :D

    ReplyDelete
  7. curius mind si aldo. hehe

    ReplyDelete
  8. haha natawa ako kay four arms!
    adik din jan mga pamangkin ko...

    ReplyDelete
  9. sir mots, ganda ng bagong header mo. talagang naaliw ako. :D

    at talagang jowa na ang term ng mga kabataan. hehehe.

    ReplyDelete
  10. SEEMS LIKE EVERYTHING IN YOUR CLASS IS FUN! SARAP.

    ReplyDelete
  11. ang kukulit!! ahahaha

    naku naalala ko tuloy ang anak ko na wala ng bukambibig kundi ben10..pati FB nya puro ben10=)

    ReplyDelete
  12. may point naman pala siya na hindi niya pinagawa sa tatay niya di ba?? hahahahaha

    ReplyDelete
  13. Four Arms?? Nyahahhaha!!

    Ang kulit talaga ng mga pupils mo. :D

    ReplyDelete
  14. nakakatuwa naman mga student mo. dapat pala lagi kang may baon ng pagkadami-daming patience..hehe..

    ReplyDelete
  15. hahaha cute ng mga bata..anyway..sabi nga ng isang prof ko as pinaniniwalaan talaga ng mga bata ang kanilang mga guro more than anyone else..=)

    ReplyDelete
  16. hangkukulet ng mga chikiting mo ser... katuwa much! :)

    ReplyDelete
  17. follow kita, i like your header, parang sa simbahan lang, galing.

    ReplyDelete
  18. parang feel ko ang pagiging honest ni teray at pagiging pakialmero ni tatay. may point siya. so problema na ni sir kung sino ang bibigyan niya ng grade.
    Go go go teray go

    ReplyDelete
  19. Hahaha.. tanong sa akin ng estujante ko..

    SER, totoo po ba ang calendar method? :D

    ReplyDelete
  20. Waaaaaa. Bat mo sinabi na hindi totoo si Santa? Sinira mo pangarap nila. HAHAHA!

    ReplyDelete
  21. hahahaha!!Naalala ko tuloy yung show na "kids say the darnest things"...hahahaha!cute

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...