ibang level ka faye!
may dumating na nanay sa klasrum.
(biglang tayo ang faye at nag-mano, umupo agad at nag-behave kuno)
ser: sino po sila?
nanay: nanay po ako ni fredelito!
ser :(napangiti kay faye)
___
ginto?
faye: anong ulam mo ser?
ser: itlog na pula.
faye: ang yaman mo talaga ser!
ser: itlog nga lang eh. mayaman ka diyan.
faye: may kamatis po eh
___
paos
(pagpasok ng klasrum)
ser: wag kayong maingay ha? wala akong boses ngayon eh
class opo
(nag-ingay ang grade one)
ser: anong sabi ko pagpasok ko?
Noli: good morning po.
___
deserving
ser: may crayons ako. sino kaya ang pagbibigyan ko? sabihin niyo muna kung bakit kayo dapat ang bigyan ko nito.
faye: kasi nakakabasa na po ako!
noli: kasi po mabait ako.
teray: kasi po, wala akong crayons.
___
prodigal son
ser: may nagsabi sakin na naglaro ka lang daw ng 3 araw? di ba sabi ko magsanay kang magbasa?
aldo (umiiyak)...mag-aaral na po talaga kong mabuti. hindi na ko magkikimpyuter (pauso ni faye "kiki-mpyuter)
___
acceptance
(montanga yung gupit ni fredelito)
ser: sino gumupit sayo?
JR: tatay ko po, gumamit po ng blade, saka gunting, saka suklay.
ser: ahhh. faye, gusto mo nung gupit ni fredelito?
faye (ngumiti nang napaka-tamis, sabay yuko)
Monday, February 28, 2011
ang huling lunes ng pebrero
Saturday, February 26, 2011
nakakatamood
hindi ko nasuot ang paborito kong ninoy shirt kahapon. di naman kasi ako nakaalis. latang-lata ako at nawawalan ako ng boses. ninakaw ng mga sirena malapit sa isla kung saan ako nagtuturo. sabi sa district office bata lang daw ang walang pasok, pero kaming mga guro meron. ano naman ang gagawin ko sa school? magtututorial sa mga ipis bato? tuturuang magbasa ang mga hipon, o lalandiin ko ang principal namin?
sa ibang district naman walang pasok. puta. sila lang ba anak ng diyos? kaya sa diwa ng ng EDSA at nagkakaisang pulso ng mga masisispag na guro, umabsent kami.
mas masarap paring matulog sa bahay kesa sa teacher's table maghapon.

Thursday, February 24, 2011
b is for ______
sinaid ng trangkaso ko ang boses ko kaya humanap na lang ako kagabi ng nursery rhymes para ligtas turo.eh ano naman kung wala sa lesson plan ko? happiness pa! eto nga ang nakita ko, pati humpty dumpty at hickory dickory fuck.
bedtime rhymes
noli: ang bastos po ni cj.
ser: bakit na naman?
noli: sabi po niya
"a is for apple. a..a..apple
b is for ball..bul..bulbol"
___
hongkulit
class: g is for gorilYa..g..g..gorilYa
ser: hindi gorilya, gorilla (parang ganito :<g-rl> chos!)
class: opo.
g is for gorilla..g..g..gorilya!
___
mali si humpty dumpty
noli: ser, patugog ng isa pa. nauuna samin eh
___
Oo
dugong:
n is for noli..no no noli,
o is for awesome..o o o awesome!
ser: letter a yun dugong!
___
hickory dickory
ken: ay ser! meron ganyan sa dvd namin!
ser: saan?
ken sa cinderella!
Wednesday, February 23, 2011
sasampung estudyante!
absent ako ng dalawang araw. kaya namiss ko tong makukulit na banat nila. at sasampu lang sila kanina.
halina't pitasin
faye: ser, nag-ahit ka na? magpa-bunga ka ulit ng balbas!
___
tutsang
noli: nagpagupit ka ser? bakit di niyo pinagupit yung buhok sa harap?
ser: ayoko eh
faye: gusto ni ser may bangs
___
denial queen
faye; ser, si cj may crush kay fredelito.
(...)
ayoko ko naman kay fredlito.kalbo
___
ganito ang tamang style ng panghihiram
aldo: pahiram ng red na crayon.
cj: ayoko. madiin kang gumamit.
aldo: ang madamot, pinarurusahan ni papa jesus
___
ang bagong pamantayan
faye: abango mo ser, tas makintab sapatos niyo, tas yung cellphone niyo walang pindutan.
mayaman ka siguro ser.
--
faye: sasali ka sa willing willie ser?
ser: hindi
faye: mayaman ka nga ser!
___
panalangin
noli: ang nanay ko po nagdadasal gabi-gabi na makasali sa willing willie!
___
i-connect mo nga
fredelito: ansarap naman ng luto nyo ser.
ser: binili ko lang yan.
faye: patay na nanay ni ser.
ser:huy! wala akong sinasabing ganun!

Tuesday, February 22, 2011
dugong and fair
the very apologetic sea cow
ser: mag-sorry ka kay jejan dugong
dugong: (nagpunta kay jejan) di ka naman umiiyak eh. umaarte ka lang. huling huli ka na sa camera!
___
yeng constantino
ser: o, mag shake hands na kayo.
(kumanta bigla ang dugong)
hawak kamay, di kita iiwan sa paglakbay!
___
fair
binisita ko ang dating advisory class sa school fair. nakakamiss.

ang napaka-lapad na si ser mots at ang pulang-pulang si j :) |
ang sunug na sunog na si ser mots kasama si j at w _______ parang kailan lang kasi, ganito lang sila kaliliit.hong kukyutt!!!!! |
Monday, February 21, 2011
mudra strikes back
kape
ser: mag grocery tayo
mudra: may gamit pa naman tayo.
ser: sure ka?
mudra: sige pala
(sa grocery)
mudra: wag na tayong mag-push cart, kape at creamer lang naman ang wala natin eh
ser: ok
mudra: ay, basket na lang pala.
(habang namimili)
mudra: (kumuha ng kape, creamer, asukal) ay asan na ba yung sabon at shampoo?
mudra: sandali lang kukuha lang ako ng napkin
mudra:: wala na pala tayong joy! samahan ko na ng sponge
mudra: kuha ka nga ng mga de lata dyan.
mudra: noodles gusto mo?
mudra: parang gusto kong mag-spaghetti
mudra: makabili ng pan. may palaman pa naman tayo anu? cheese na lang bibili ko.
mudra: mas mura pag bumili ako ng malaking eskinol
mudra: tignan mo oh, mas matipid pag dito ko bibili ng sabong panlaba
mudra: ikaw, baka may gusto ka pang bilin?
in short. kape at creamer lang ang wala kami.
___
bagets
mudra: ano yung twitter? laging sinasabi sa tv, "follow me on twitter". meron ka ba nun?
bunso: wala.
mudra: yung facebook, ganun lang pala. gawa mo nga ako ng twitter ko
--
mudra: ang ganda ng contact lens niya oh. kulay green. mag contact lens na kaya ako?
--
mudra: ayoko ng touch touch na yan. di ko matutunan. gusto ko pa yung qwerty.

Saturday, February 19, 2011
nita huwat?
dahil hardcore fan ng Eat Bulaga si mudra, maaga niyang binuksan ang tv kanina. kasi pag sabado nga naman, may special opening number ang mga Dabarkads. kaya ayun, natuklasan namin na may replay pala ng 1st week episodes ng bonggang-bonnga sa make-up na pukinanginang Nita Negrita.
si Nita pala at ang nanay niya ay nagkahiwalay nung magkaroon ng bagyo sa kanila. hindi ko yun nahulaan na mangyayari! tas etong napakandang si Nita eh napunta sa ampunan at yung nanay niyang naka-wig eh yumaman.
pero ang pinaka-nakapagpatutok sakin dito ay ang pantay na pantay na kulay na balat ni nita. hindi naman siya negrita eh. tignan niyo man.
kulay blue na ma-violet na ewan kaya siya. ito na kaya ang kasagutan sa tanong na ano ang kulay ng indigo? parang kulay a nabubulok a talong o kaya kulay na hindi makahingang bata. hindi kaya sa huli nitong teleserye eh malalaman nating si nita pala ay kasama sa cast ng avatar o ng avatar XXX? eto pa. may batang kontrabida na missy o mitzy ata pangalan. si ate kontrabida ay insecure na insecure sa beauty nitong si nita. ba namang! hello? inggitera much. pati itong si nita eh kinaiinggitan.
yun lang. gusto ko lang magtanggal ng stress. hahaha
___
ngayon ko lang napag-tanto. napaka-high end talaga ng mga pinaanuod ko. wahahah pak!!!

Friday, February 18, 2011
anong isasagot mo sa kanila?
half day lang kami ngayon. kaya imbis na mag-open ako ng new lesson, nag-story telling na lang ako sa grade one. ang kwentong:
"ang bahaghari"
kontodo emote si ser sa pagbigkas ng lines at pagbabagu-bago ng boses, kaso pagkatapos ng ma-effort na pagkukwento ,eto ang mga tanong ng mga hinayupak na bagets.
"ang bahaghari"
kontodo emote si ser sa pagbigkas ng lines at pagbabagu-bago ng boses, kaso pagkatapos ng ma-effort na pagkukwento ,eto ang mga tanong ng mga hinayupak na bagets.
"ser, bakit po bahaghari ang tawag sa bahaghari?"
"anong kulay po ang indigo?"
"saan po sa crayons ko yung indigo?"
"ser, bakit walang brown sa rainbow?"
"pwede po bang maglagay ng black sa rainbow"
"hindi naman po 7 yung kulay ng rainbow sa langit eh. seven po ba taalaga yun?"
sa sususnod talaga. tambuhay na lang ni gabriela silang ang ikukwento ko. napagod ako! daig pa ang board exam!
ikaw nga, anong sagot sa mga tanong na yan?
Monday, February 14, 2011
balentayms
"crush mo ba ako fredelito?"-faye
Saturday, February 12, 2011
all we need is love
faye and fredelito jr.
faye: pwede ba kong pumunta sa inyo?
jr: ....
faye: sige na..pwede ba? ha?
jr...
noli: jr, laro tayo!
jr: sige!
faye: (basag)
__________
Pag-ibig
ser: may PAG-IBIG ba tayo noon?
kausap: meron, kinkaltasan tayo.
ser: ah sige, pinag-aaply kasi ako ng bagong PAG-IBIG
noli: ayee si ser, may pag-ibig
______
ano ang susunod na larawan?
heto ang napaka-mapayapang sagot ng ilang grade one sa isang lesson namin.

happy balentayms day sa inyo! panahon na naman ng paggawa ng balentayms card at paggupit ng puso at kupido sa pulang kartolina. tatanga na naman ako maghapon sa napakamakabuluhang art activity :)
lablab,
ser mots
Thursday, February 10, 2011
call center agent si papa jesus
patawad sa replay na drawing |
sa sobrang init, nagtanggal ako ng salamin sa klase.
teray: wow ser, muka kang artista!
ser: weh? sino naman?
noli: si john lloyd po
ser: plus 10 ka sakin noli. hahaha
teray: hindi eh...teka..si aljur?
ser: gusto mo rin ng plus teray?
faye: alam ko na! kamuka niyo si michael jackson!
ser: minus 20!
____
medyo medyo
ser: napaka-tsitsismoso niyo boys.
mark: bading po siguro.
ser: siguro nga.
dugong: medyo medyo lang ser! medyo oo, medyo hindi!
____
nung dumating si supervisor
ser: grade one, kahit ngayong araw lang, parang awa niyo na, magpakabait naman kayo. may bisita tayo
class: opo!
ser: wala munang lalabas ng classroom
class: opo
ser: wala munang mag-iingay
class: opo
ser: walang magkakalat
class: opo
jr: pwede po ba kaming huminga? (parang hindi na hirit ng grade one anu?)
____
true love
(nagsagot si JR sa blackboard--kaso mali, tumawa ang buong klase)
Faye: (galit) bakit niyo "pinagtitirpan" si fredelito(JR)? naiinggit lang kayo sa kanya!
____
hindi magandang balita
*hindi pumasok si <kumuha ng magic pencil>, binugbog daw ng lola
ser: binugbog o pinalo?
aldo: binugbog po.
joshua: may pamatpat po.
aldo: sabi po ni <kumuha ng magic pencil>, "tama na po, lola, tama na po" :'(
____
call center agent si papa jesus
faye: kamuka niyo po si papa jesus. pareho kayong may balbas. siguro ikaw talaga si papa jesus. nag-eenglish po kasi kayo.
Wednesday, February 9, 2011
mahal ko na si teray
naalala nyo si teray? ang batang walang palikuran? mas mamahalin niyo siya! parang si mara! pramis!
nawalan si ken ng mga magic pencils. anong kulay kanyo? rainbow siyempre. kaya etong si machong teacher, to the rescue naman agad. nahuli ko naman kung sino ang kumuha (siyet pwede na ko sa senate). kinausap at binigyan ng parusa ang batang malikot ang kamay!
kinausap ko na rin ang grade one sa nangyari. dapat ipaliwanag na hindi tama ang pagkuha ng gamit ng may gamit. lalo na pag singkulay ng mga magic pencil ni ken. mahirap itago, kumikinang!
ser: hindi tama ang kumuha ng gamit na hindi naman sa inyo.
teray: hindi po tayo dapat naiinggit.
ser: tama teray!
teray: magkakaroon din po tayo niyan
ser: beri gud!
noli : kaya dapat pong mag-aral ng mabuti!
cj: kinokontrol po siguro si <kumuha ng magic pencil> ng demonyo!
faye: mas malakas si papa jesus sa mga demonyo!
---
teray: naiiyak po ako para kay <kumuha ng magic pencil>
ser: bakit naman?
teray: eh baka po mangyari sakin yun eh.
ser: na maparusahan?
teray: eh baka makakuha rin po ako ng gamit ng iba eh
ser: naiinggit ka ba sa mga kaklase mo?
teray: hindi po. hindi po talaga ako naiinggit

Tuesday, February 8, 2011
brusko ken
dumating si madam supervisor kanina. siyet. nakalimutan kong bilinan ang mga batang maligo. pero as usual, wala lang ang intro ko. Ang mga susunod niyong mababasa ay ang kaganapan habang kumakain ng talaba sa H.E room si madam supervisor.
mahal ko na si faye
class: ang init ser
ser: gusto niyong buksan ko yung electric fan?
class: sige ser! sige ser!
(sinaksak ni ser ang electric fan)
noli: na-ground po yung dating teacher namin dyan
ser: bakit ngayon niyo lang sinabi, eh kung na-ground ako?
faye: hindi maga-ground si ser kasi macho siya!
__________
ang machong machong si ken
ang reyna ng karagatan
faye: ser, si jesus po ang ang hari ng buong mundo?
ser: oo, bakit?
faye: ay sayang gusto ko pa naman si mama mary
ser: sabi mo kasi "hari" eh
ellai: oo nga. princess siya!
cj: may castle ba siya?
ellai: si mickey mouse meron
cj: sinong gusto mong princess?
ellai: si sleeping beauty
faye: ako si snow white
(sumingit si ken)
ken: ako si little mermaid
--
caronia! caronia!
ken: ser, tignan mo!
ser: ano yun?
(ipinakita ang kuko)
ken : tignan niyo po! makintab
(ang bata, may clear na cutics! taray! machong macho)
--
mowdel
inabutan ko si ken na naglalaronung lunch
my mowdel one.my mowdel mowdel one
my mowdel two.my mowdel mowdel two
my irap one, my irap irap one
my irap two, may irap irap two
--
eewness
ken kay ellai
eeeeeeeeeeeeww. may sipon ka ka sa tenga. kaderders!
*sadyang itinago ang tunay na pangalan ni ken hehehe :)

Saturday, February 5, 2011
the mole
may nakasabay akong bumbay habang naglalakad. mamay-maya bigla niyang tinanong si ateng walang kamal-malay at hindi ready sa english 101 surprise recitation. sabi ni bumbay:
bumbay: is this the way to LRT station?
ate: yes!
bumbay: how can i go there?
ate: uhhm, first, you enter the mole (mall), then you go out the mole.
naintindihan ko naman ang gustong sabihin ni ate. papasok ka sa likod ng mall, tapos lalabas ka dun sa harap. ayun, malapit na dun ang LRT station. kaso kung ako yung bumbay, hindi ko alam kung magpapatiwakal na lang ako sa sagot ni ate. papasok ka sa mole, tapos lalabas agad. siyet sayang sa effort.
___
dear glen,
wala pa kong malinaw ni picture ni faye. ayaw niya kasing kinukuhanan siya. meron siyang malaking mole malapit sa ilong. ala nora aunor. kung tatanungin mo kung gaano kaganda si faye, hayaan mong ang post na to ang magbigay ng muka sa batang may pitak na sa iyong puso.
sir: totoo bang nag-i love you ka kay JR?
faye: hindi po joke lang yun! di kami bagay
sir: bakit hindi kayo bagay?
faye: maganda po kasi ako.

Friday, February 4, 2011
runner-up kay papa jesus
runner-up kay papa jesus
dugong: sir, kayo ang pinakamagaling mag-drowing sa buo at sa lahat ng daigdig!
sir: wow naman!
dugong; ay! si papa jesus po pala. pero kayo po ang kasunod na pinamagaling sa lahat ng daigdig!
kung makikilala kaya nila si robbie ng creative dork, saang parte ng "buo at lahat ng daigdig" kaya ako pupulutin?yes. libre naman dyan papa robbie.
_____
ang pogi ay sa aso
(mula sa polo barong, nagpalit ako ng tshirt sa classroom dahil friday naman)
faye: sir, sigurado, pag-uwi niyo magugulat ang nanay niyo kasi ang pogi pogi nyo na!
-parang gusto atang sabihin ni faye na nung umalis ako sa bahay eh muka akong tukmol
_____
machete diet
kanina pag-angkas ko ng tricycle, tinignan ni manong yung gulong niya. putaragis. na-flat ko ata.pagsakay ko naman ng matagtag na jeep, nararamdaman ko yung boobs kong nagshe-shake. shake it baby shake it baby siyet! gusto kong kumanta ng i feel the earth move.

the art teacher is fat, not pregnant |
Thursday, February 3, 2011
tangled (magulo pa sa bulbol mo ang post na to)
tuwing uuwi ako ng bahay, temptation of wife ang pinapanood ng tita ko,tapos bantatay, tapos willing-willie, lilipat sa noah, tapos mara-clara. isang araw, di na ko magtataka kung sa lunchbreak ko, maghanap ako ng preysyus romance pocket books na gawa ni ate martha cecilia boom boom pow para aliwin ang aking sarili.
speaking of mara clara na napanuod ko nung isang gabi. alam na ni mara na isa siyang del valle. gayundin naman si clara. siyet. dati, nanganak na't lahat ang adviser ko, pinalitan ang principal namin, natae ako sa shorts, tinubuan ako ng pubic hair, eh di nila makita-kita ang diary ni tiyo karlo. ngayon, nagayari ang lahat sa iisang episode. kaya naman palang paikliin, pinagka haba-haba pa ng abs-cbn ang pagpapahirap ni clara kay mara. tsk. beri bad.
dahil napag-uusapan na rin naman ang mabilis, nakita ko at binutingting ang aking birth certificate. 23 lang si mudra nungpinanganak niya ko. walandyo. ka-lantod ng nanay ko. naisip ko tuloy, 24 na ko, dapat makabuntis na rin ako.(ang aangal sa edad ko uunahin kong tirahin) haaha
yun lang.
wala kasing pasok ngayon. local holiday--ople day. hindi ko na sasabihing mabuhay si ople. mahirap na.
___
gusto ko na namang baguhin ang lay-out ng blog ko. kaso blogger templalte lang ang alam ko. hehe

Wednesday, February 2, 2011
itch so nice to be happy. shalalala
work in progress
gusto kong maiyak kanina nang nabasa ni julius, joshua at jana yung:
ganun pala yung pakiramdam na sayo natutong magbasa yung isang bata. sarap ng feeling. hindi naman pala nabalewala ang ilang linggong pananakit ng ulo ko sa grade 1. hay. na-excite tuloy akong pumasok :)
___________
dual sim
sir: noli, anong gusto mo paglaki?
noli: bumbero po.
sir: akala ko pa naman gusto mong maging teacher.
noli: pwede rin po. bumberong teacher.
(bakit di ko naisip yun dati?)
__________
lubi-lubi
sir: sinong may alam ng kanatang lubi-lubi (para sa lesson na months of the year)
dugong: ako po!
sir: sige nga!
dugong: lubidoo bi doo bi doo bidoooo.
___________
sino ba namang hindi
cj: sir sabi po ni faye, gusto raw niyang manuod ng bold
___________
angas
naghahanap ako ng picture ng teacher sa google tas eto ang lumabas. pumalakpak naman ang tenga't mata ko ko :)
gusto kong maiyak kanina nang nabasa ni julius, joshua at jana yung:
Sulyap sa kabanata
ano ang nilalaman?
ganun pala yung pakiramdam na sayo natutong magbasa yung isang bata. sarap ng feeling. hindi naman pala nabalewala ang ilang linggong pananakit ng ulo ko sa grade 1. hay. na-excite tuloy akong pumasok :)
___________
dual sim
sir: noli, anong gusto mo paglaki?
noli: bumbero po.
sir: akala ko pa naman gusto mong maging teacher.
noli: pwede rin po. bumberong teacher.
(bakit di ko naisip yun dati?)
__________
lubi-lubi
sir: sinong may alam ng kanatang lubi-lubi (para sa lesson na months of the year)
dugong: ako po!
sir: sige nga!
dugong: lubidoo bi doo bi doo bidoooo.
___________
sino ba namang hindi
cj: sir sabi po ni faye, gusto raw niyang manuod ng bold
___________
angas
naghahanap ako ng picture ng teacher sa google tas eto ang lumabas. pumalakpak naman ang tenga't mata ko ko :)
___________
booster
kung gusto mong bumonggang-bongga ang self-confidence mo, gow na sa grade 1!
"ambango naman ni ser!" (alcohol lang naman, kung makapuri)
"galing nyo naman pong gumawa ng bilog!" (kahit hindi perfect, basta magtagpo ang dalawng dulo)
"galing nyo naman pong magdrowing ng pusa!"
"astig si ser, yung relos walang number, pero alam niya yung oras!"
"siguro po matalino magiging anak niyo, matalino po kayo eh" ( pag nakakapag solve ka na ng word problem at mabilis kang magbasa feeling nila henyo ka na)
Subscribe to:
Posts (Atom)