Monday, April 30, 2012

test test testes

old header- mouse


ayan! nasubukan ko ang bagong pen tablet. mas matagal gumawa pero mas pulido naman yung kalalabasan. pag nasanay pa ko siguro bibilis na ko nang kaunti. mas madaling gumawa ng shading, magblend blend pag may pen tablet kumpara sa dati na mouse lang ang gamit ko. aguy! ang saya-saya ko :))


new header- pen tablet


sa original size din, mas malinaw tignan. mas crisp ang kulay. oha kung maka crisp! kung ayaw mo ng crisp edi vivid. o sharp. shutanginamels basta ibang level ng gondo! nagkaka-orgasm na naman ako hahah :))

 at eto naman yung isa ko pang lumang header. haha nope, hindi ko ite-trace lahat ng lumang artworks ko. tama na tong dalawa heheh ansarap maglagay ng kaliit-liitang details kasi kayang-kaya ng pen tablet.

kaya para s mga nagsisimulang artist gaya ko, magandang mag-invest ng isang pen tablet. ansaya lang!!!! woot!


medyo nagagmay ko na. hihi :)))

Saturday, April 28, 2012

manny!


woot! may graphics tablet na ko. *kilig kilig* may kapatid na si neo :)

madaming practice pa!


Thursday, April 26, 2012

enough


Take It All, Adele

Didn't I give it all,
Tried my best,
Gave you everything I had,
Everything and no less?
Didn't I do it right?
Did I let you down

isa to sa mga gustung-gusto kong adele song. halos lahat naman kasi gusto ko kaso iba ang Take It All. ito yung ginawa mo na lahat. nagtumbling, nagbalat ng buko gamit ang ngipin, sumayaw sa apoy, tumapak sa bubog, kumain ng blade pero hindi parin sapat. 

at sinong hindi madadala sa bridge?

I will change if I must.
Slow it down and bring it home, I will adjust.
Oh if only, if only you knew,
Everything I do is for you.

o di ba? san ka pa. todo todo na. wala nang tinira. boldstar na ang peg witit parin enough. hihi

---

ikaw, anong peyborit adele song mo?

Wednesday, April 25, 2012

mudrax's summer look



mudrax: "never find, never find someone like you"
mots: san mo hinugot yang lyrics na yan at anong ginawa mo sa buhok mo?
mudrax: summer look ko! dali picturan mo ko, popost ko sa fb!
mots: (kaloka)

--- 
in fairness mas gusto ko tong lyrics ni mudrax kaysa kay adele. bakit ka nga hahanap ng katulad ng dati? oha, may point si mudrax dun. +10 points! pero di ko kinaya ang bagong buhok niya na nagmumurang rihanna meets basha. summer look niya raw. shet ang asim!

---

eto si mudrax, ilang araw bago maging si rihanna. gondo no? parang walang utang sa tindahan. sabi nga ng co-teacher ko, parang mayamang kontrabidang nagsusunog ng alipin :) iba talaga ang nagagawa ng shades at pearls. charut!

pudrax (without the mustache) and mudrax

p.s.

ayokong ipost ang new look niya. nahihiya ako. lol

Tuesday, April 24, 2012

Monday, April 23, 2012

big book: si isda at si alimasag at si zac gorman

wala na namang watermark. kamote!

gumawa kami ng big book para sa grade 1 bago magtapos yung nakaraang school year. ang nakakatuwa, hindi man kami yung nanalo nakasama kami sa list ng big books sa nature category (parang new seven wonders of nature lang ang peg). yeeehee.  sana mapublish yung gawa namin :) libre mangarap!

----

check niyo to:magical game time ni zac gorman ang hero ko sa animated  gif. nung una ko tong nakita, muntik na kong maihi sa kilig, kumati ang daliri ko, at maghapong inulit-ulit tignan ang blog niya. hihi fanboy mode! 


Sunday, April 22, 2012

corazon


out of sheer boredom


----

ang comedy movie ng taon

naalala ko nung pinanood namin to. andami ko lang tawa. pati yung mga kasabay naming nanunood tawa nang tawa. kahit sa puntong natatakot na dapat ako, natatawa ko kay corazon.kahit yung love scene  na dapat akong tigasan, natatawa ko sa kanilang mag-asawa. ewan. may mali talaga sa pelikula na to. 

kaya kung nalulungkot ka ngayong bakasyon, humanap ka na ng dvd ng corazon: ang unang aswang at tiyak, mapapawi ang iyong lumbay.


p.s. for iya

totoy guro


ang mas wholesome, mas matalino, mas matinong version ng teacher's pwet. ang blog ni totoy guro (sir JM)

nanang narda

ganito ang bunga ng bakasyon sa gurong walang magawa...

Saturday, April 21, 2012

indestructible

ito yug naiimagine ko pag pinapakinggan ko yun indestructible na kanta ni robyn :)))


"And I never was smart with love
I let the bad ones in and the good ones go
But I'm gonna love you like I've never been hurt before
I'm gonna love you like I'm indestructible
Your love is ultra magnetic and
it's taking over
This is hardcore
And I'm indestructible"
---

2 kaibigan ko na ang nagsasabi na nakita nila ang artworks ko sa ibang accounts sa fb at twitter. pwede hong magpaalam. hindi nakamamatay.arghh. maglalagay na ko ng watermark




Wednesday, April 18, 2012

teaser


adik lang sa gif. 

(project red and blue)

-----

naalala ko, hindi pala ito ang unang nagsama ang blogpost namin ni citybuoy. check nyo to kung sawa na kayo sa gif. hahaha 



Monday, April 16, 2012

project red and blue

wala pang title. project red and blue na lang muna :)
hola! may project kami ng napakahusay na si citybuoy ngayong May. naheheksayt na ko wala pa man din akong nagagawa hihi.

kaya kung pasulput-sulpot man ako, yun ay dahil kinakarir ko tong project na to :)

---

hintayin nyo ah! :) may libreng kape at biskwit ang maghihintay . ito ang babago sa buhay niyo, ang magwawakas sa kahirapan, ang magtatama ng lahat ng mali at ang magpapaligaya sa inyong malamig at nanunuyot na gabi. charot. :))

vaztah pheoz w8 nyo pheow kame ni citybuoy jejeje

Tuesday, April 10, 2012

keso

Naalala ko pa nung sinabi ko na tinago ko ang kalahati ng puki ko sa ref. dito

kalahati na lang yan.sinigang ko na yung bahagi niyan sa sampalok at ampalaya di ba? Pero kung ano man ang natira, sayo na lang :) sayung-sayo sa halagang 500 Php




balak kong gumawa ng tumblr account para sa malanding sina chesnut at zic pero tinatamad pa ko sa ngayon. kung di ako dadalawin ng sipag, baka dito na lang silang dlawa sa blog ko :)

bigla ko lang naisip yung chesnut at zic na pangalan. yung daga sa penelope. lol. wala lungs.

Sunday, April 8, 2012

never let me go


“Memories, even your most precious ones, fade surprisingly quickly. But I don’t go along with that. The memories I value most, I don’t ever see them fading.” 

----

“I keep thinking about this river somewhere, with the water moving really fast. And these two people in the water, trying to hold onto each other, holding on as hard as they can, but in the end it's just too much. The current's too strong. They've got to let go, drift apart. That's how it is with us. It's a shame, Kath, because we've loved each other all our lives. But in the end, we can't stay together forever.” 


― Kazuo Ishiguro, Never Let Me Go



----

natapos ko na :) pati movie at soundtrack hhihi

Saturday, April 7, 2012

blackout poetry

Unang Ulan ng Mayo
Ellen Sicat
(nagkamit ng Palanca grand prize sa nobela, 2005)


alimuom

tanging
ulan ang naulinigan
patuloy na bumuhos
sa simula,
sa hagupit ng walang katapusang
tag-araw

dali-dali
ang labis na kirot
ang luha'y pinatutuyo

sa maruming ulan ng mayo,
umano ay

mapapawi



---

ang unang pagtatangka ko sa blackout poetry na nagaya ko kay LJ at citybuoy

Thursday, April 5, 2012

hello summer!


summer goals

1. tapusin nang maluwalhati ang never let me go
2. maka-ipon ng isang malmal
3. makipag-sex sa galaxy note.
4. paliitin ang nag-iisang ab ko
5. magpa-breast reduction
6. at makipag sex ulit sa galaxy note
7. maglinis ng mga kalat ng nakaraang school year.
8. wala pang travel destination sa ngayon. (mukang wala naman)
9. maghanda sa school opening
10. lumandi sa pokemon sa pagitan ng 1-9 :))

Wednesday, April 4, 2012

note to self 3(summer version)

beachbody, hinding-hindi na ba talaga tayo magtatagpo?

kuya kim


ang mga bata, paniwalang-paniwala sa mga sinasabi ng mga teachers nila. pag sinabi ni ser at mam na pag hindi ka nagpasa ng project bago lumubog ang araw, babagsak ka-tiyak, magkakandarapa ang mga yun para makahabol sa oras. pag tinuro mo ang formula ng circumference pero area pala yun, mahirap nang baguhin yun. pag sinabi mong totoo si santa, totoo si santa. pag sinabi mong may pasok bukas kahit bumabagyo, makikiapag-away yan sa nanay niya. 

kaya naman  iniiwasan ko sa abot ng aking makakaya na sagutin ang mga tanong nila na may kinalaman sa sex dahil wala akong kaalam-alam doon at birhen pa ako sa ganyang usapan. baka mali pa ang maituro ko. 


#charot


ang pinakamatinding tanong palang na narinig ko ay kung beergin pa ba si nana kwala dahil siya ay may isang anak palang. lol

Sunday, April 1, 2012

ADELE

sino bang hindi ang kinalinga ni adele sa mga sawing-sawi, wasak na wasak moment? 

------

bakasyon na!! yehes. sisimulan ko na sana ang pagsasave ng sang malmal na salapi sa bangko (char) pero tinatakam ako ng galaxy note na bilin ko siya bago mag-june (hello mid year bonus?) arghhh! psyduck, pigilan mo ko! pigilan mo ko!!!!!! sisirain mo samsung ang budget ko nang bonggang-bongga!!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...