mula nung sinabi mong "huli na ang lahat para diyan", naimpid na ang dila kong sabihin ang mga gusto kong sabihin. natakot. nawala sa diwa. nagpakasubsob sa trabaho. uminom ng isang baldeng kape. nagpatubo ng bangs, naglagay ng eye liner, nagkulay ng itim sa kuko. nagluksa, nanalo sa gawad urian.
pinilit muling sumulat ng tula pero walang dugong dumadaloy sa utak papunta sa kamay. na-coma. ipinalapa ang aorta sa aso ng kapitbahay. nakinig sa the script. lumamon ng bande-bandehadong kanin. umorder ng ispageting malamig. nag miscol. tumawag, hindi sumagot. umurong ang dila, naimpid ang boses. nawala ang comfort sa comfort food, sa comfort room, sa comfort zone.naglaho ang sarap sa masturbation. sinigang ang bahagi ng puso sa sampalok, nilagyan ng amapalaya. ang kalahati'y itinago sa ref.
kung kayang ipansiga ang memorya, ikalat sa hangin ang gunita, i-flush ang ala-ala.
naging mas malulungkutin.
___
sa mga nanalo, tatlong linggo pa ang hintayin.
seryosong nakakatawa sir motz! lurv it!
ReplyDeleteThat for me alone is a poem...
ReplyDeleteHave a great weekend Sir Mots!..
JJRod'z
the post in itself was sad but the illustration had such a strong impact on me. medyo naloka lang ako.
ReplyDeleteIt's hard to say goodbye to an idea of a better life whether it be with someone or something. And in my head, I can hear Camille Velasco singing Goodbye Yellow Brick Road one last time. :S
Ang ganda naman nito Sir Mots!!! =)
ReplyDeleteSobrang lalim naman, wala tuloy ako na-gets. Nangangamote mode tuloy ako ser....
ReplyDeletelalim. ang lalim. *.*
ReplyDeleteocean deep ...but i love this...nice post ser mots
ReplyDelete