Monday, October 4, 2010

pulis pangkalawakan

at talagang may fixation ako sa super sentai (hindi hentai) series anu? pero nasa kategoryang metal hero ata si shaider eh. ano magagawa ko, lumaki ako sa panahon na to. alangan namang si ben 10 ang kilala ko. may kaklase pa nga ako nung elem, renato pangalan, gusto raw niya si pink mask. mabuhay!


sa lahat ng super sentai, shaider ang nag-iwan ng malaking tatak sa noo ko. bakit kanyo? sabi kasi ng magaling kong kuya, ako daw si shaider at kaya ko raw tumalon sa mataas na lugar. (wow) kaya mula sa sofa namin, tumalon ako nang bonggang-bongga at blag! bumagok ako sa semento. (di naman pala sinabi ni kuya na kaya kong mag-landing). ayun, sinugod ako ng lola ko (na kasalukuyang naglalaba ng brief) sa clinic. ayun, nagkaron ako ng malaking peklat sa noo na habang tumatagal ay lalong nakikita dahil sa pagtaas ng hairline ko katuturo.

balak siguro talaga kong patayin ng kapatid ko. biruin mo, sabi nya dati may makikita raw ang laruan sa loob ng energizer na battery. lason yun men!


nakakatuwa rin si annie (yung sidekick). tuwing may fight scenes talaga eh nakikita ang puting-puti at laba sa tide nyang panty. bakit si katy perry na-ban dahil sa cleavage, si annie-kita-panty hindi? boldstar na si annie sa japan at dedbol naman na si alexis tsk tsk. kasalanan to lahat ni puma ley-ar (na mukang tyanak)

_______________

ininvite nga pala ako ng kewl na kewl naming assistant principal sa isang comic convention. kaso, ano naman ggawin ko dun. funny komiks nga lang ang alam ko.

4 comments:

  1. crush ko to si annie na laging kita ang panty XD

    ReplyDelete
  2. Whaha.. ngayon ko lang narealize na boldstar talaga si annie.. whaha.. ganda po ng illustrations mo... galing galing!

    ReplyDelete
  3. buti nga si annie nagsusuot ng panty eh... eh si marie araw gabu walang panty.. ah...

    padaan lang mots...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...