Monday, October 11, 2010

tough ten

para may pakinabang ang 10 10 10 sakin, gagawa na lang ako ng listahan ng sampung bagay na gustung-gusto ko

1.spaghetti
sabi ng kuya ko, para raw akong bata. laging naghahanap ng spaghetti. kahit yung tig-dose lang sa kanto na nilagyan lang ng ketchup ayus na ayus na. :) di ako nagsasawa pramis. mabisyo
2. mashed potato
ewan ko ba. gusto ko lang. baby pa kasi.pero hindi sa lahat. may resto na balahura lasa ng mashed. gusto ko yung smooth and buttery! yay landi.
3. kape
hindi kami mayaman, kaya hindi ibig sabihin eh galing yang starbucks. nescafe lang ok na. basta may creamer. kung walang creamer, dapat may toasted bread. haha takaw! (pag biskwit, ibang usapan na yon)
4. bintana
anak kasi ako ni rosanna rocess. lalo na sa sasakyan. sabi ng tatay ko dati papagawa raw siya ng sasakyan na puro bintana kasi ayaw naming umupo sa gitna. sino bang may gusto? kahit sa bus gusto ko sa tabi ng bintana.
5. panyo
may hyperhydrosis ako kaya kailangan may panyo lagi, kundi, maglalawa ang Pilipinas. minsan nga, nahihiya ako makipag shake hands. dyahe ring makipag-holding hands. mas gusto ko na to kesa sa kili kili akong basang-basa.
6. journals
nakaka-12 na ako kaso lately hindi na, kasi nga kinakarir ko 'tong pagba-blog. nagsusulat na lang ako dun pag may 'di ako pwedeng ibulgar sa web. 'pag naputulan kami ng net siguro babalik ako sa pagsusulat dun. kasam na rin dito yung pagdo-drawing :)
7. sandals
yung trekking sandals yung style.sarap sa paa. hindi mainit, hindi rin nakabuyangyang masyado. sakto lang. kung pwede nga lang mag sandals sa school why not. hindi rin nakamamatay pag hinubad. haha
8. sabado
maganda palabas sa tv, pahinga, masarap ang ulam, pasyal, porn galore, at walang alarm clock. kung ginawa ang lunes para itorture ang sangkatauhan, ginawa naman ang sabado para mag relax! yown
9. eyeglasses
sinubukan ko ng mag contact lens, kaso nakakatulugan ko. minsan naman nakaka-dry. in short, high maintenance. eh yung salamin sasalpak mo lang ok na. malabo kasi mata ko.200 at 175. sabi nila mas bagay daw sakin nakasalamin. muka daw kasi akong bumbay pag hindi.
10. books
hindi dahil pa-intelehente at pa-deep ako, pero masarap lang talgang magbasa. minsan mas masarap pa sa panunuod ng tv. parang rated x vs. hardcore, may iiwan sayo para mag-imagine.

marami pa kong gusto. yan lang yung unang sampu na pumasok sa utak ko. may pagkakpareho ba tayo? compatible!

9 comments:

  1. uy halos pareho po tayo.. hehe... mas malabo lang mata ko 400-350 ung akin eh

    ReplyDelete
  2. haha mas matanda ka na raw kasi saken :)

    ReplyDelete
  3. sana maaga aga ko din toh nabasa... para gumawa din ako.. kase inggitera ako...

    malabo din mata ko.. 475 at 500 na yata.. pero nagcocontacts ako... sa bahay lang nagsasalamin...



    at gusto ko din ng spaghetti..pero paminsan minsan lang...

    at akala ko ako lang nagjojournal.. pang walo na yung inaayos ko ngayon.. dame na nung sayo..sabagay.. mas matanda ka...

    ReplyDelete
  4. pareho kayo ni arjee. laging iniinsist na matanda na ko hahah :D

    salamat.gayunpaman. sige gawa ka :)

    ReplyDelete
  5. 4 out of 10..mashed potato, kape, bintana at book ;)

    best mashed potatoes yung sa flaming wings dito sa may bf paraƱaque..hehe,

    yung kape..ayoko ng instant haha :P hindi dahil sa mayaman pero dahil nagniniarte :P

    nakakahilo nga naman pag hindi ka malapit sa bintana nakaupo

    books...wag lang textbook.. dan brown forever :P

    ReplyDelete
  6. heheh hindi, mayaman ka talaga! hehe ako pang instant lang :D

    ReplyDelete
  7. yes i am backtracking... nakaka aliw kasi lahat ng post mo... naisip ko bakit d nalang ako nag teacher since ito ang gusto ng Lola ko.. kaso baka nasa kulungan na ako if ever natuloy ko ang teaching career, wala akong mahabang pasensya sa pagtuturo at malamang d ako makapag asawa dahil nasa lahi namin to at madalas halos lahat ay teacher ang profession ng mga tyahin kung d nakapag asawa...
    well magkapareho tayo ng hilig sa spag, kape, ilove sabado rin at minsan books depend kung trip ko.

    Dark Angel

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...