hijo, bumili ka ng kapote, yung mga teachers dun,pag-umulan, pati panty basa.
-sabi ng matandang teacher na hindi ko kakilala
(hindi yan bastos)
kaninang umaga, nakita ko na ang appointment ko. hulaan mo kung saan ako na-assign magturo ngayong november. siret?
sa bay school. ibig sabihin, kailangan kong magbangka papunta sa school. ala nominee sa bayaning filipino award. award na award talaga pag bumuhos ang ulan o tumaob ang bangka. balita ko pa, pinaplastik nung ibang teachers yung bag nila para di mabasa sa biyahe. siyet naman. pati ba brief ko kailangan kong balutin ng plastik bago makapagturo. pwede naman na siguro ang basang undies sa harap ng klase. para may ginaw factor.
ang totoo, kinkabahan ako.naalala ko tuloy yung sinabi ng educ student sa prof nya nung college..
sir, i'm having sikandtot.
nagsisikandtot din ako. dati pa sinabi sakin na baka nga sa bay school ako ma-assign (bilang bago sa public) pero kanina lang nag-sink in to sakin.
what if hindi ako kayanin ng bangka?
ilang ziplock ang kailangan kong bilin?
kaya ba ng trash bag ang brief ko?
mananalo ba ako ng cnn hero of the year?
masarap ba ang naka-kapote? (hindi yung iniisip mo)
homaygad. sabi ko gusto kong magturo, hindi ang sumunod sa yapak ni michael phelps.
wow! ang galing! ingat palagi sir mots!
ReplyDeletesyempre binasa ko ulit yung "sikandtot" mo :) nice naman...pag ikaw na nominate sa cnn iboboto kita :) mas maganda sigurong ikulob mo yung sarili mo sa isang malaking clear plastic para iwas basa :) hahaha :)
ReplyDeleteSir mots wag ka na mag sikandtot go lang ng go.
ReplyDeletemasarap naman ang nakakapote sir basta yung manipis lang tsaka yung mabango para flavored. (O wag masama ang isip)
Ang cool nung avatar sa lower left, kaw ba gumawa nun?! Asteeeg! pwede pagawa? Okay, feeling close masyado. Napadaan lang po ako dito mahilig kasi ako mag hanap ng blog na papapangiti ako and I found your blog. Wupi!
@adelic salamat!
ReplyDelete@mei: patay na ko pagdating s a skul. haha. na suffocate na
@jepoy: thanks jepoy. galing ng blog. ako'y susunod!
sir mots, sa mga problemang nilahad mo mukhang malaking probleman nga yan.
ReplyDeletebakit kasi kailangan lumipat pa ng assingment. pkiexplain.
pag nangyari yan. i will vote for you sa next CNN hero award.
Uwian ka magbabangka? katakot naman. :)
ReplyDeletegood luck na lang po.
my first visit. :)
huwag ka na malungkot sir.. magkiklick vote kami kung magkaganoon mang manominate ka sa CNN... para sa mga teachers na wet papuntang skul.. nyahehehe...
ReplyDelete@dimaond: ngayon palang ako maaasign sa public. galing akong private school.
ReplyDelete@marcosalamat!
@kiko: hahaha wet na wet
Par hirap ng sakripisyo mo ah, ika nga ni John Lloyd... cge ingat!
ReplyDeleteHero of the Year for 2010 na to... sana madiskubre ka ng cnn...
solusyon para di mabasa ang brip? edi wag na lang magbrip. lol!
ReplyDeletebiro lang sir. pwede ka naman magdecline dba?
mokong: boto o ko. ahha
ReplyDeletequest: pag nag decline ako, maghihintay ako ng mahabang panahon bago makapasok ulit sa public. (kailangnag may mag-retire na guro)
ironic di ba? kulang ng teacher sa public, pero napaka hirap namang makapasok.
Aba'y isang kang dakila, Titser Mots! Pangarap ko rin dating magturo sa public pero parang nagsikandtot din ako dahil baka hindi ko kaya. Haha.
ReplyDeleteDon't worry, suportahan ka naman sa Cnn hero of the year.
will: normal lang magsikandtot!
ReplyDeletehaha, sorry natatawa talaga ko sa sikandtot na word. tanggalan mo lang ng isang letra, wapak na. hahaha
ReplyDeleteaw, tamah wag mu kami gayahin ni will. nagsikandtot kami sa pagtuturo. haha
ReplyDeletemay mas hihigit pa ba sa cnn hero? Noble prize kaya?
sikandtot ng sikandtot puro na lng sikandtot.. haha
ReplyDeletekaya yan ser mots!
may isang boto ka na skn para sa CNN hero of the year! hehe
tayu nang magsikandtot!
ReplyDeletemga segundo rin bago nag sink in sa kin ang sekandtot..
ReplyDeletehahaha... hala ka!!!
wow! Sana talaga masubukan ko ito? :D
ReplyDelete