Friday, October 22, 2010

kwentong barbero

mots: manong, barbers
manong: gupit binata!
(na parang kasalukuyann palang akong naglalanggas sa pagkakatuli)

nakapag-pagupit na rin sa wakas (sa gitna ng malakas na ulan). dahil wala ako sa bulacan ngayon, kailangan kong humagilap ng bagong barbero-at nakita ko nga ang barberong kamuka ni sean kingston sa kanto.

ang cons
  • nagtitinda ng gasul sila manong sean kingston, kaya nakaka-morbid. baka sa isang iglap eh hindi lang tenga ang mawala sakin. 
  • wala ring libreng masahe. puro pulbos. fetish siguro ni manong ang pulbusan ang mga kliyente.
  • hindi makuwento si sean. magrely ka sa nababasa sa dyaryo niyang bulgar na huminto na ata ng subscription last week pa. 
ang pros
  • swabe si manong. may hagod. may romansa. may uumph!
  • magaling sumunod sa instructions. ayma islave for you ang dating
  • at bumili pa si manong ng bagong gillette blade para lang sakin. apaka-sweet talaga ni sean kingston. sa probinsya dinadaan sa safeguard para mabilis ang ahitan.
  • muka namang wala lang sa kanya ang balakubak na nalalaglag sakin. siyet na rejoice.
  • mura lang. may pang egg-pie pa pagkatapos.
ayan! hindi ka na mukang bumbay.
-sean kingston


28 comments:

  1. poging pogi na papi! dapat nireveal mo na beauty mo LOL

    ReplyDelete
  2. dadami followers. ay! hahaha (jk)

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. tama ba ung tingin ko? medyo tumaas ata ung hairline... *peace*

    ReplyDelete
  5. haha hulaan ko mots, P35 un gupit?

    ReplyDelete
  6. aw, magkanu ba ung egg pie sa inyo? in-assume ko kasi na P50 pambyad mu at sukli ay P15 - sakto for eggpie!

    ReplyDelete
  7. bumbay nga. jk! heheh


    natawa ko dito "ayma islave for you"

    kaw sir ha. gawin kita ng paper mache na ahas e. lol

    ReplyDelete
  8. @eurekka! kulang. may 5 pison pishbol pa!
    @quest: may dibidi ako dito. alam ko gusto mo. xxx hahha

    ReplyDelete
  9. Mabuti ka pa nakapagpagwapo na... ako hindi makaalis sa lakas ng ulan...

    P50 yan par no? ganyan ang binabayad ko sa mga barbero rin pati na rin sa Index salon 50 lang... may libre hairwash at shampoo pa. Tapos babae ang nagpapaligo sa ulo mo, hay sarap!

    ReplyDelete
  10. uy.. bagong gupit si kua.. sa wakas! wahaha

    ReplyDelete
  11. Dahil sa post mo na ito, naalala ko ang paboritong barbero ng tatay ko sa probinsya. Madalas, ganyan din ang eksena kapag nagpapagupit siya.

    ReplyDelete
  12. Aba'y kagwapo na ni Titser Mots! So what kung malaki ang noo natin? Ibig sabihin lang nyan ay matatalino tayo! Nyahahaha..

    At ang sweet nga ni Sean Kingston. Ninong ako sa kasal ha. :)

    ReplyDelete
  13. nyahahaha... sir balik pari po ba o balik high school ang mukha? wahehehe... sa tingin ko 30 lang gupit nito...

    ReplyDelete
  14. kulit ng entry na to hehe :D

    ReplyDelete
  15. @mokong: 30 lang hahah
    @arjee: magpapakulay ako ng kamuka ng sayo. pula .ahaah
    @will: kaw ring bearer.
    @kiko. balik rapist
    @axl: sa;amuch

    ReplyDelete
  16. gupit nagbibinata. Papi mots. pa kiss.

    ReplyDelete
  17. Wow naman, sir mots. nagbago ka ng header.
    drawing mo naman ako! hehehe

    ReplyDelete
  18. Wahahaha parang tinaas lang ni manong ang buhok mo ah.

    Salamat sa pagbisita sa blog ko! =)

    ReplyDelete
  19. panalo. panalo ang haircut pati na din ang bagong layout/template. :)

    ReplyDelete
  20. parang trim lang tapos nilagyan mo ng gel :p haha wait...may lahi ka bang indian? as in yung tao hindi yung mangga ah...yun din una kong impression sayo eh..may lahing bumbay...oh well mas lalo kitang naging crush dahil sa epic mong gupit kay manong sean kingston :)

    ReplyDelete
  21. kagwapo.... lol.. tawa ako ng tawa kay sean kingston este kay manong barbero pala... sana pinakanta mo ng beautiful girls... lol....

    ReplyDelete
  22. haha maganda ung huling sinabi ni manong sin este sean hehe :)

    ReplyDelete
  23. Dito sa Singapore mahal ang magpagupit. 320 pesos, eh every two weeks pa mandin ako magpagupit. Ampf.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...