Thursday, September 30, 2010

combatron



dahil di naman ako nakaka-intindi ng english noon at lalong di kami mayaman, lumaki ako kasama ni combatron (parang kontra bulate ano?), niknok, tomas en kulas at planet opdi eyps sa funny komiks. malay ko ba kay spiderman at iron man. mas kilala ko pa nga si rainbow bright kasi sa hallmark nagtatrabhao si mudra.

sabi ng katulong namin dati, (wow) susumbong daw niya ko kay mudra kasi bili ako nang bili ng walang kawawaang komiks. dapat daw encyclopedia binabasa ko. siyet ka yaya!  may trivia kaya yung funny komiks sa likod. dun ko nalaman na ang buwaya pala ay....teka amphibian nga ba o reptile. tama nga ata si yaya.

drawing pa nga ako nang drawing ng kung sinu-sinong karakters dati, ni isa namang gawa ko di napublished. etong si mudra ba naman, di pinapadala.

sinong paboritong funny komiks character mo? ako si gospy. ay mali, sa gospel comics pala yun haha :D

13 comments:

  1. bumibili rin kami nyan kasi di pa ko masyadong magaling magbasa nun kakaaliw

    ReplyDelete
  2. magkakasundo tayo sa funny komiks hahahaha salamat sa pagdrop by sa aking blog :)

    ReplyDelete
  3. like ko si Gospy nun, panu naman kasi yung mga madre sa school namin pinipilit kaming mag subscribe sa Gospel Mag...haiizzz...
    kakaaliw naman blogs mo!
    Ayan, dagdag mo na ako sa mga nagkamaling mag follow sayo... :-D

    ReplyDelete
  4. paborito ko yan!!! si axel si dobernaut. tas iniyakan ko nung namatay yung unang aso niya.

    syempre backread talaga ako ngayon. hehehe

    ReplyDelete
  5. Laking Funny Komiks din ako. Wala pa nga si Combatron nung una akong nagbasa niyan. Ampf! Napaghahalata ang edad.

    ReplyDelete
  6. paborito ko sina tomas at kulas ahahaha!

    bongga ha.

    sayang wala nang komiks.


    hmmmp.

    ReplyDelete
  7. wow. naaalala ko ang aking childhood. hehhee. Bumibili din kami noon ng funny komiks. Favorite ko ang combatron at sinubaybayan ko talaga ang laban nya kay death metal at mega death. hehhe.

    ReplyDelete
  8. favorite ko si super pinay! hehhehe she's so kikay in pink. :D

    ReplyDelete
  9. waaahh!! Namimiss ko na funny komiks.
    Isa din ako sa mga batang lumaki sa komiks na yun.
    Naabutan ko yang combatron mula umpisa.
    Agawan pa kami ng kuya ko kung sino unang magbabasa. Haha.
    Hanggang AXL na lang yung pinakabagong series na hindi ko natapos.

    Sayang. Super nakakaaliw pagbabasa nyan, kahit ulit ulitin ko.

    ReplyDelete
  10. Waa! OO isa din ako sa mga batang lumaki sa funny komiks. ^_^
    Naging inspiration ko yan para mapractice ako magdrawing ng mga comic characters at anime.
    Nasimulan ko Combatron hanggang ending kay Mega Death. LOL. Favorite ko din dun yung si Tinay Pinay, Tomas en Kulas, Planet op di eyps, Petit, Eklok. Hanggang sa AX ni Dexter Roxas (idol!)
    NAgaagawan pa kami ng kuya ko sino unang magbabasa. LOL
    Sayang. Nakakaaliw magbasa nito, kahit paulit ulit ko na binabasa. Bago ako matulog binabasa ko pa din kahit naulit ko na ng isang gabi. Haha.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...