Monday, October 18, 2010

ang gondo gondo!

nag-iisip ako ng ipopost ng makita ko sa tv  ang nagbabalik na sina mara at clara.

sabi ko nga sa kakalase ko nung elem, lahat na ata ng bagay na nakilala namin bumabalik. kelan lang ang batibot, tas ngayon si mara at clara.

naalala ko pa ang lola ko habang nakikipag-chikahan sa kumare n'ya tuwing hapon habang sinusubaybayan ang walang katapusang basagan ng muka nila mara at clara (kailangan i mention both, parang ernie at bert, ning-ning at ging-ging) at ang paghahanap sa nawawalang diary ni tiyo kardo. siguro dapat blogger na si tiyo ngayon.

dito ata nauso ang paglublob ng muka sa labahin, ang walang humpay na sampalan, sabunutan,at bangasan (daig pa ang WWF) at ang pagpapalit ng anak ng may anak.

hindi ako magtataka isang araw, paggising ko, naka polo jacket ulit ako, navy blue shorts ,long socks at mighty kid shoes.

o kaya, tatapatan to ng GMA ng remake ng villa quintana. o di ba ayus?

___________

at oo nga pala, kung si marian gasgas na muka sa gma. sa abs, si gina pareño naman!

14 comments:

  1. Ibabalik ang Mara Clara? This has already been a part of our pop culture. I'm not sure kung magiging parehas ang impact nito sa new generation of viewers. But who knows? Hehe.

    New reader here. Natutuwa ako sa blog mo. Very simple, yet it tickles my senses. Keep it up!

    ReplyDelete
  2. salamat salamat! :) natuwa naman dun

    ReplyDelete
  3. Ows? Ibabalik ang Mara Clara? Naalala ko pa to nung bata pa ko, pinapanood namin to bago kami pinapatulog ng mama namin.

    ReplyDelete
  4. At ngaun lang din na-gets kung bakit ganyan ang picture ng post mo. Haha

    ReplyDelete
  5. will,yun din naaalala ko, siesta

    ReplyDelete
  6. sir moks, natuwa naman ako ng makita ko ang ang bago mong icon ang galing! at sa comment mo. about mara clara nako madaming matutuwa niyan. tagal ng telenovelang yan at ngayon na remake pa. tindi nito. happy blogging monday. musta ang kura parokya.

    ReplyDelete
  7. ayus naman ang parokya natin kaptid na diamond :)

    umiwas sa 2nd hand smoke ah :)

    ReplyDelete
  8. hahaha... papaliitin lang siguro nila ang story ng MARA CLARA kasi 5 years din yun umere hahaha akala ko nga si judy ann lang ang artesta sa mundo noon... hahahaa

    ReplyDelete
  9. lumalabas ang tunay na age ni sir. :P biro lang! hehehe

    ReplyDelete
  10. Mara Clara remake? napamura ako bigla... I was reminded of hot afternoons, Coke Litro and Hansel "sandwiches"...

    Ngayon maghahanap sila ng "nawawalang blog ni Tiyo Kardo" ahahahaha

    ReplyDelete
  11. @kiko: sama mo naman si susam africa sa mga kakilalaa mong artista :) hehe
    @quest: bata pa ko. teenager na teenager hahha
    @glentot: oo nga eh, ako man napamura. wahaha

    ReplyDelete
  12. natuwa ako sa last statement niyo po, oo nga naman no? si gina pareño medyo gasgas na? e ang galing niya eh! hehe

    ReplyDelete
  13. isa lang ibig sabihin niyan mots.. matanda ka na! hahaha chos lang

    ReplyDelete
  14. na predict mo sir ang pagbabalik ng villa quintana lols :p

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...