para may pakinabang ang 10 10 10 sakin, gagawa na lang ako ng listahan ng sampung bagay na gustung-gusto ko
1.spaghetti
sabi ng kuya ko, para raw akong bata. laging naghahanap ng spaghetti. kahit yung tig-dose lang sa kanto na nilagyan lang ng ketchup ayus na ayus na. :) di ako nagsasawa pramis. mabisyo
2. mashed potato
ewan ko ba.
gusto ko lang. baby pa kasi.pero hindi sa lahat. may resto na balahura lasa ng mashed. gusto ko yung smooth and buttery! yay landi.
3. kape
hindi kami mayaman, kaya hindi ibig sabihin eh galing yang starbucks. nescafe lang ok na. basta may creamer. kung walang creamer, dapat may toasted bread. haha takaw! (pag biskwit, ibang usapan na yon)
4. bintana
anak kasi ako ni rosanna rocess. lalo na sa sasakyan. sabi ng tatay ko dati papagawa raw siya ng sasakyan na puro bintana kasi ayaw naming umupo sa gitna. sino bang may gusto? kahit sa bus gusto ko sa tabi ng bintana.
5. panyo
may hyperhydrosis ako kaya kailangan may panyo lagi, kundi, maglalawa ang Pilipinas. minsan nga, nahihiya ako makipag shake hands. dyahe ring makipag-holding hands. mas gusto ko na to kesa sa kili kili akong basang-basa.
6. journals
nakaka-12 na ako kaso lately hindi na, kasi nga kinakarir ko 'tong pagba-blog. nagsusulat na lang ako dun pag may 'di ako pwedeng ibulgar sa web. 'pag naputulan kami ng net siguro babalik ako sa pagsusulat dun. kasam na rin dito yung pagdo-drawing :)
7. sandals
yung trekking sandals yung style.sarap sa paa. hindi mainit, hindi rin nakabuyangyang masyado. sakto lang. kung pwede nga lang mag sandals sa school why not. hindi rin nakamamatay pag hinubad. haha
8. sabado
maganda palabas sa tv, pahinga, masarap ang ulam, pasyal, porn galore, at walang alarm clock. kung ginawa ang lunes para itorture ang sangkatauhan, ginawa naman ang sabado para mag relax! yown
9. eyeglasses
sinubukan ko ng mag contact lens, kaso nakakatulugan ko. minsan naman nakaka-dry. in short, high maintenance. eh yung salamin sasalpak mo lang ok na. malabo kasi mata ko.200 at 175. sabi nila mas bagay daw sakin nakasalamin. muka daw kasi akong bumbay pag hindi.
10. books
hindi dahil pa-intelehente at pa-deep ako, pero masarap lang talgang magbasa. minsan mas masarap pa sa panunuod ng tv. parang rated x vs. hardcore, may iiwan sayo para mag-imagine.
marami pa kong gusto. yan lang yung unang sampu na pumasok sa utak ko. may pagkakpareho ba tayo? compatible!