Wednesday, September 15, 2010

Grade one


kung bakit ako napunta sa grade one ay isang misteryo. ang alam ko lang, mas gugustuhin ko pang magturo ng 17 uri ng pang-abay kaysa magturo ng pagbabasa at paglilinis ng tae. gayunpaman, marami akong natutunan sa 2 buwan kong career bilang isang care-giver sa kanila :)

tulad ng mga leksyon sa:

Science
sir: anong hayop ang nakatira sa puno?
pupil 1: giraffe
pupil 2: elephant!

 

Pag-absent
sir, aabsent po ako, maglalaba po ako ng bag, madumi na eh
(hanep sa palusot)

 

Filipino/English
sir: magbigay ng mga salitang nagsisimula sa titik E.
pupil 1: erplane
pupil2 : ercon
pupil 3: elicopter


Math
sir: spell six
pupil: s-e-x

Pangalan
mga pamatay na pngalan ng estudyant ko:

1. John Lloyd
2. Piolo S. Pascual
3. Tom Cruz
4. Pearl Corral na isang lalaki. (very under the sea)

Human Growth
"sir pag nagka-bigote po kayo, magkaka-anak na kayo"

11 comments:

  1. hahaha... inosenteng mga bata... hanggang ngayon teacher ka pa ba?

    haha.. salamat pala sa pagdalaw mo sa aking blog!!

    ReplyDelete
  2. hi ;) ang nice ng post mo :) nakaka aliw ;0 parang mukha mo ;) ang cute mo lang eh....weshoooooo ;)discovered your blog through kodakerodude :)

    ReplyDelete
  3. salamat! nakakalaki naman ng ulo hahah

    ReplyDelete
  4. haha edi palakihin pa natin...pag hindi na kaya ako puputok parang tigyawat lang :P

    ReplyDelete
  5. wag naman. sayang ang kyut peys. ay sus. nagtaas ng sariling bangko!

    ReplyDelete
  6. sir mas masarap turuan yung kinder.. try nyo di ba mas malupet pa sa mga unggoy kung makakapit... may nap time pa... wahehehe

    ReplyDelete
  7. Nag turo din ako dati sa vacation bible school nang ganyang edad napaos me at na highblood ng slight lol

    ReplyDelete
  8. HAHAHA! Tambling ako sa post na 'to! Ang kulet lang.

    ReplyDelete
  9. makes my day sir! learned about your blog through WICKEDMOUTH! nice visuals.Sir!

    by the way.. I've already read more than 7 of your blog posts..nakakawala ng stress! thanks! tawa ako ng tawa! kala na ng mga colleagues ko nasisiraan ako ng bait! It made my day!

    salamat po!

    ~Jill

    ReplyDelete
  10. wow naman parang gusto ko na magturo sa grade one nyan ahahaha!

    bongga!

    ReplyDelete
  11. Ngayon lang ako naligaw sa blog na ito at ako'y nag-back read. Ako ay isa ring teacher at eto naman ang sagot ng mga estudyanteng Kindergarten:

    Give me a word that starts with A.
    Answer: alfafa
    How about an R?
    Answer: responsibility

    Ang lupet noh!, lol!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...