isang araw, magigigsing akong wala nang nararamdaman. hindi na galit. hindi lungkot. hindi ang pakiramdam na pulang-pula ang paligid, kulay rosas ang langit, amoy tsokolate ang hangin. hindi na. kung maganda man yun para sa'yo o hindi, hindi ko alam. gaya ng madalas kong sabihin noon, tuwing tatanungin mo ako ng mga nauna sa 'yo. sasagot ako ng "ayokong pag-usapan" dahil wala na. wala nang dahilan para muling ungkatin pa ang sugat na matagal ko nang dinilaan mag-isa.
nasabi ko na lahat. nakain ko na ang isinuka ko. tinanggalan ko na ng yabang ang sarili ko. paulit-ulit. isang araw, magigising akong parang nagising sa matagal na pagkakalulong sa solvent.
pero sa ngayon, hayaan mong dumaan muna ako sa natural na proseso nang paglalagay ng itim na manicure. eyeliner, bangs, pakikinig sa The Script, pagpopokpok, paggawa ng tula, pagpasok sa trabaho ng naka tsinelas.sobrang distracted, nakalimutan ko nang magsapatos.ang natural na proseso ng panunuod ng one more chance at pagpapatugtog ng the man who can't be moved. leche. hayaan mo ring mabawasan ang ganda ko ng 10%. hanggang dun lang. sige, isama mo na ang maya't mayang pagkakatulala. "para kang zombie" sabi ng co-teacher kong walang boobs.
hayaan mong lumipad ang isip ko.
sabi nga ng isang kaibigan "alam mo dapat kung kailan ka hihinto". putangina naman oh. hindi ko alam. alam mo namang magulo pa ako sa pubic hair. wala pang panahon. hindi pa ako nakaka-alis sa lugar na pinag-wanan mo. feel na feel ko paring sabihing "ako na lang, ako na lang ulit" shet na malagket.
at pag dumating ang panahon na yun, sasabihin ko sa sarili ko ang madalas kong sabihin sa mga estudyante kong bumabagsak sa test, "bawi ka na lang sa susunod"
at itaga mo sa bato, babalik ako nang makisig na makisig.mas maganda ng 100%. maglalaway ka. charot.
----
walang halong ampalaya, salamat sa mga alaala
sa wagas na wagas mong pagtawa nang unang beses kong tinanong sayo kung may bedroom voice ba ako; pag sisimulan ko ang kwento ng "alam mo ba?" sasagot ka na parang bata "hindi pa po"; pag pinipilit mo kong patulugin kapag alas onse na- maaga pa ang pasok bukas. ngayon ko lang sasabihin to- alas nwebe ang natural na tulog ko. mas gusto ko lang talagang nagpupuyat kasama ka. sabi mo, "huwag mo kong sisishin kung zombie ka sa klase."
pag tinatawagan kita ng umaga at pupungas-pungas ka pa.alam ko pinipilit mo lang sumagot. salamat sa pagtityaga. sa pagsagot mo sa tawag ko 'pag lunch,lagi kitang pinapapagalitan. hindi ka na naman nagdala ng pagkain kila lola. at kapag alas singko na, alam mong nasa bahay na dapat ako- nag-alala ka nang maghapon akong hindi nagparamdam "tumutula po ako nun." kapag madalas kitang biruin na sagot mo ang macaroni salad pag natalo ka sa pustahan. alam na alam mo pag pagod ako, malungkot, masungit.pag kailangan ko ng spaghetti. "hindi ako sanay pag masungit ka", sinabi mo noon.
pag pinapabangon mo ko sa kama
"bumbay, tuturuan mo pang mag-english si monmon"
"ang flashdrive ni dora, baka kalimutan mo"
"ang payong, ang kapote, mag lotion ka para di ka umitim."
pag tinatawag mo ko sa apelido mo. ang landi landi ko.
sa matataba mong pata, sa ngiti mong metallic na metallic, sa malaki mong ilong, sa nalalaglag mong dandruff. pati na rin sa hindi na natuloy na pagluluto natin ng ginisang sardinas. pag nakanguso ka. tuwing pinagyayabang mo kung gaano nakakasilaw ang kaputian mo. pag nilulukot mo ang muka mo. ang ngiti mo sa pagitan ng mga halik.
pag niyayakap mo ko nang sooobrang higpit. para tayong bata minsan.salamat sa pagkanta mo ng twinkle twinkle little star pag naglalambing akong kumanta ka.
patawad sa mga tanong mong hindi ko nabigyan ng malinaw na sagot. kung naramdaman mo mang tinutulak kita papalayo.
at kung binago man tayo ng mga nararamdaman natin, maging maluwag sanang tanggapin mo na hindi ako kailanman nagsisisi. hinayaan ko tong mangyari dahil gusto ko. mas marami tayong magagandang gunita kesa sa hindi. wag mong kakalimutan yun.
kung napagod ka na at sakaling mapagod na rin ako. hayaan na lang natin na maging bahagi ang mga ito ng ating pagkakatuto.
walang halong ampalaya. walang halong poot. walang bahid ng pag-asa.salamat sa mga alaala.
Aw, Mots. Sana makalagpas ka na sa prosesong ito.
ReplyDeletetama yan sir mots.. ang pinagdadaanan.. dinadaanan lang hindi tinatambayan..
ReplyDeletetama yan sir mots.. ang pinagdadaanan dinadaanan lang hindi tinatambayan...
ReplyDeletetama yan sir mots.. ang pinagdadaanan dinadaanan lang hindi tinatambayan...
ReplyDeleteKuya: God, bakit ang sakit sakit magmahal?
ReplyDeleteGod: Kasi anak, minahal mo ng sobra yung nilaan ko para sa iba.
Sir, makakausad ka rin po. :)
dalawang buwan na ang nakakaraan simula maranasan ko ang nararanasan mo ngayon.. okay lang yan ser.. magiging maayos din ang lahat.. namnamin mo lang.. darating ang araw, ikaw naman ang magsasabi "she had me at my best, you had me at my worst..still you chose to break my hart.." charot!
ReplyDeletepare! MOVE ON! ROCK ON! ROLL ON! Kamown!
ReplyDeletebasta s pasko ah balik 100% n ganda mo wah kundi alam mo n...
-pareng she
pare! MOVE ON! ROCK ON! ROLL ON! Kamown!
ReplyDeletebasta s pasko ah balik 100% n ganda mo wah kundi alam mo n...
-pareng she
Mots, super nakakarelate ako haha!
ReplyDeleteHangang hanga ako sa pagpapakatotoo mo.
Dapat ako rin yata magpakatotoo sa mga nararamdaman ko sa pagmumove on haha!
Inspirasyon kita Mots.
Hantaray mo!
In pain there is always healing. :)
ReplyDeletehahahahahahahahaha!nice work,i enjoy reading it,bravo!
ReplyDeletepare...heheh un lng!
ReplyDelete-pareng sheri
First, there is denial. Then anger. Bargaining, depression and then finally, acceptance. I hope you move past these stages quickly, leaving nothing to memory or chance. :)
ReplyDeleteGo Sir Mots!
ang sarap ng pasasalamat mo sir. :) kung nababasa niya 'to, malamang mapapabalik siya sa'yo dahil mamimiss niya 'yang mga masasayang ala-ala na nabanggit.
ReplyDelete@citybuoy: nakakatuwa lang. pero siya ang nagturo sakin ng DABDA
ReplyDeleteI think it makes a lot of sense, despite what they say na it's not that scientific. But then again, is there anything scientific about dealing with loss?
ReplyDeletenaiyak ako at hindi kita chinacharot... parang ganito rin yung mga gusto kong sabihin kaso di ko kaya. hanga ako sa katapangan mo :)
ReplyDelete...im getting to know you more...really love to tambay in your blog...
ReplyDeletenagbabasa lang ako, nakakaiyak. Nakakarelate ako, mahirap kalimutan yung mga alaala na iniwan ng isang tao. Pero forgetting the person is the solution.
ReplyDeletehow are you doing now po? :)
ReplyDeleteim doing great. dumating na siguro ang walang panahon na sinasabi ko rito hehe
Deletegood for you sir. wish me the same please. :)
Delete