Monday, October 31, 2011

tugon sa paglisan (ang sayaw ng dalawang kaliwang paa)


ipinabasa sakin ni pareng fred ang isang tula galing sa pelikulang ang sayaw ng dalawang kaliwang paa na iniyakan niya ng mag-isa sa sinehan. napaka-ganda. sabi ko sa kanya, parang gusto kong sumulat ulit.pero bago ang lahat, pinagkatuwaan niya kong sabihin ang

urban,rural, fervor, juror, water, aries

wala raw akong letter "r" pag nagsasalita. nagiging "w" shet na malagkit. sa 24 na taon kong nabubuhay, ngayon ko lang napatunayan na wala nga yata akong letter "awr"

so pagkatapos ng mahabang kwento, eto na yung sinulat kong tula na ispired ng Paglisan ni joi barrios (sa pelikulang:ang sayaw ng dalawang kaliwang paa.

awwr.


------
tugon sa paglisan
para kina j at n

"nais kong malaman,
kung buong-buo parin ako
sa iyong paglisan"
-joi barrios

hindi lang tadyang
ang hinugot mo 
sa
akin noong araw na iyon.
hindi lang bahagi ng pisikal
na katawan ang nawala
hindi lng puso
hindi lang kamay,
sikmura, mata
mga bisig na ayaw kumawala.
mga kukong kumalawit na
sa matinding pagkakakapit


dahil

kasama ng iyong pag-eempake
ang aking diwa,
isinilid mo sa iyong maleta
ang bawat impid
kong pag-hinga.

isinama mo
pati
sa iyong bagahe
pati ang aking kaluluwa. 
masusi mo pa itong ibinilot
pinaikot sa iyong mga palad.

nabatid ko, hindi lamang tadyang ang nawala.

ang hinugot mo
sa iyong pagkawala.

bagkus kasama ang malaking bahagi ng
aking kabuuan ang iyong tangay-tangay
karay-karay
papalayo

sa
mga paa kong nanantiling nakatapak
sa lugar na iyong 

pinag-iwanan.


14 comments:

  1. wag kalimutan ang tuwtles. ;p

    --

    A bottle of bottled water
    Held thirty little turtles.

    It didn’t matter
    That each turtle
    Had to rattle a metal ladle
    In order to get
    A bit of noodles –
    A total turtle delicacy.

    The problem was
    That there were many turtle battles
    For the less than oodles of noodles.

    The littlest turtle always lost,
    Because every time
    They thought about
    Grappling with the haggler turtles,
    Their little turtle minds boggled

    And they only caught a little bit of

    Noodles.

    ReplyDelete
  2. napanood mo na ba?

    ReplyDelete
  3. hahaha... ayus parang GF ko lang wala ding R hehhee... napanood mo na sir?

    ReplyDelete
  4. kiko, will: isang malaking HINDI PA!

    ReplyDelete
  5. super ganda nung movie sir Mots!!! Panuorin mo!!!

    ReplyDelete
  6. Haven't seen the film yet but I really want to. ANyway, love the poem you wrote here. Galing ng imageries. Buti na lang wala masyadong 'R' ang tula mo. Hehe.

    ReplyDelete
  7. wow :) ganito pala umibig ang guWo hohoho
    ang ganda po ng tula :D

    ReplyDelete
  8. Liked and +1'd! panalo ang tula mo ser :)

    ReplyDelete
  9. Hi mots! Ako ay iyong bagong follower. :)

    ReplyDelete
  10. Hi mots! ako ay iyong bagong follower. :)

    ReplyDelete
  11. Maganda. At maganda ang dalawang lalaking sumayaw. hahahaha

    ReplyDelete
  12. hello po ser mots! nalaman ko po e2ng blog ninyo thru my elder sister, tawa nga po ako ng tawa, inabot na ng madaling araw kababasa (kaya lalong nasumpit ng hangin ang aking tyan na malalim ang hukay pag gutom)..:P

    ganyan-ganyan din po ako mag-emote noong unang panahon... isinasabay ko pa ng kain ng boy bawang na nakalublob sa isang malaking mangkok na puno ng suka't bawang at sili...ninanamnam ang bawat asim at anghang, kasabay ang pait na hatid ng hindi pa malamig na sumisipang si pareng red horse habang inaalala ang mga senaryo ng pakikibaka ko sa buhay fog-eveg....eniwei, saradong paksa na po iyon, basta natutuwa po ako sa mga kwentong ibinabahagi ninyo sa amin, which is nakakarelate kmi sa madaming aspeto.

    sana po eh higit nyo pang maipagpatuloy ang pagsusulat, pagkukwento, pagdradrawing ng mga nakakatuwang imahe ninyo, ng mga tao sa paligid ninyo at kung ano pang maisip ninyong i-drawing...saludo po ako sa talent ninyo...binigyan ninyo ako ng dahilan para ipagpatuloy ko ang aking pagiging makulit na anak at tyahin sa mga pamangkin ko hehehe...

    Godbless you and your family:)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...