isang araw, magigigsing akong wala nang nararamdaman. hindi na galit. hindi lungkot. hindi ang pakiramdam na pulang-pula ang paligid, kulay rosas ang langit, amoy tsokolate ang hangin. hindi na. kung maganda man yun para sa'yo o hindi, hindi ko alam. gaya ng madalas kong sabihin noon, tuwing tatanungin mo ako ng mga nauna sa 'yo. sasagot ako ng "ayokong pag-usapan" dahil wala na. wala nang dahilan para muling ungkatin pa ang sugat na matagal ko nang dinilaan mag-isa.
nasabi ko na lahat. nakain ko na ang isinuka ko. tinanggalan ko na ng yabang ang sarili ko. paulit-ulit. isang araw, magigising akong parang nagising sa matagal na pagkakalulong sa solvent.
pero sa ngayon, hayaan mong dumaan muna ako sa natural na proseso nang paglalagay ng itim na manicure. eyeliner, bangs, pakikinig sa
The Script, pagpopokpok, paggawa ng tula, pagpasok sa trabaho ng naka tsinelas.sobrang distracted, nakalimutan ko nang magsapatos.ang natural na proseso ng panunuod ng
one more chance at pagpapatugtog ng
the man who can't be moved. leche. hayaan mo ring mabawasan ang ganda ko ng 10%. hanggang dun lang. sige, isama mo na ang maya't mayang pagkakatulala. "para kang zombie" sabi ng co-teacher kong walang boobs.
hayaan mong lumipad ang isip ko.
sabi nga ng isang kaibigan "alam mo dapat kung kailan ka hihinto". putangina naman oh. hindi ko alam. alam mo namang magulo pa ako sa pubic hair. wala pang panahon. hindi pa ako nakaka-alis sa lugar na pinag-wanan mo. feel na feel ko paring sabihing "ako na lang, ako na lang ulit" shet na malagket.
at pag dumating ang panahon na yun, sasabihin ko sa sarili ko ang madalas kong sabihin sa mga estudyante kong bumabagsak sa test, "bawi ka na lang sa susunod"
at itaga mo sa bato, babalik ako nang makisig na makisig.mas maganda ng 100%. maglalaway ka. charot.
----
walang halong ampalaya, salamat sa mga alaala
sa wagas na wagas mong pagtawa nang unang beses kong tinanong sayo kung may bedroom voice ba ako; pag sisimulan ko ang kwento ng "alam mo ba?" sasagot ka na parang bata "hindi pa po"; pag pinipilit mo kong patulugin kapag alas onse na- maaga pa ang pasok bukas. ngayon ko lang sasabihin to- alas nwebe ang natural na tulog ko. mas gusto ko lang talagang nagpupuyat kasama ka. sabi mo, "huwag mo kong sisishin kung zombie ka sa klase."
pag tinatawagan kita ng umaga at pupungas-pungas ka pa.alam ko pinipilit mo lang sumagot. salamat sa pagtityaga. sa pagsagot mo sa tawag ko 'pag lunch,lagi kitang pinapapagalitan. hindi ka na naman nagdala ng pagkain kila lola. at kapag alas singko na, alam mong nasa bahay na dapat ako- nag-alala ka nang maghapon akong hindi nagparamdam "tumutula po ako nun." kapag madalas kitang biruin na sagot mo ang macaroni salad pag natalo ka sa pustahan. alam na alam mo pag pagod ako, malungkot, masungit.pag kailangan ko ng spaghetti. "hindi ako sanay pag masungit ka", sinabi mo noon.
pag pinapabangon mo ko sa kama
"bumbay, tuturuan mo pang mag-english si monmon"
"ang flashdrive ni dora, baka kalimutan mo"
"ang payong, ang kapote, mag lotion ka para di ka umitim."
pag tinatawag mo ko sa apelido mo. ang landi landi ko.
sa matataba mong pata, sa ngiti mong metallic na metallic, sa malaki mong ilong, sa nalalaglag mong dandruff. pati na rin sa hindi na natuloy na pagluluto natin ng ginisang sardinas. pag nakanguso ka. tuwing pinagyayabang mo kung gaano nakakasilaw ang kaputian mo. pag nilulukot mo ang muka mo. ang ngiti mo sa pagitan ng mga halik.
pag niyayakap mo ko nang sooobrang higpit. para tayong bata minsan.salamat sa pagkanta mo ng twinkle twinkle little star pag naglalambing akong kumanta ka.
patawad sa mga tanong mong hindi ko nabigyan ng malinaw na sagot. kung naramdaman mo mang tinutulak kita papalayo.
at kung binago man tayo ng mga nararamdaman natin, maging maluwag sanang tanggapin mo na hindi ako kailanman nagsisisi. hinayaan ko tong mangyari dahil gusto ko. mas marami tayong magagandang gunita kesa sa hindi. wag mong kakalimutan yun.
kung napagod ka na at sakaling mapagod na rin ako. hayaan na lang natin na maging bahagi ang mga ito ng ating pagkakatuto.
walang halong ampalaya. walang halong poot. walang bahid ng pag-asa.salamat sa mga alaala.