Sunday, October 10, 2010

ten

nanginip ako kagabi, sinisigawan ako ng nanay ko: "may bago na tayong walis! magwalis ka na!"
tapos nagising ako nang bad trip na badtrip.

 

hindi ako si zenaida seva para ibigay ang implications ng 3 ten sa buhay mo.

wala lang. wala akong maisulat. wala namang significant event na mangyayari except masakit ang paa ko dahil nagbuhat ako ng pinamili ng kasamang buntis sa divi  at hindi ako makaka-uwing bulacan dahil:

a. wala na akong pera
b. tinatamad ako
c. baka mainsecure pa ang boyfriend ng kaklase ko pag pumunta ako (lakas)

gusto ko mang kumain nang kumain sa fiesta, kumanta ng "you found me" sa videoke, at makuha na ang libro ni ellen sicat, wala talaga akong ganang umuwi. mas gusto ko pang matulog na lang maghapon.

__________

paglabas ko ng bahay, may bago na nga kaming walis. hindi siguro ako nananaginip.

5 comments:

  1. ano may nangyre na ba syung kakaiba ngyung 10.10.10? hihi

    ReplyDelete
  2. wala nga eh. tama lang ang pagtulog ko maghapon

    ReplyDelete
  3. hey!salamat sa pagbisita ng blog ko,at nagcomment ka pa.nakakatawa mga post mo! hahaha. :]

    ReplyDelete
  4. ang letter C ang tinatawag kong self esteem! hahahaha :)

    ReplyDelete
  5. wag lang titingin sa salamin madalas. heheh

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...