Tuesday, October 5, 2010

si mam, juskopo!

patabain mo pa, ganyang-ganyan si mam! hahah
dahil world teachers' day ngayon, may kwento ako tungkol sa peyborit kong teacher

nung elem, pag filipino, gusto kong mawala sa classroom. tuwing papasok yun, parang laging horror movie.panu ba naman, yung teacher kong sinlaki ng balyena, at sing kapal ng kalyo ang kolerete sa muka eh nambabalibag ng libro pag walang assignment. di naman nagtuturo. laging naka-upo at bigat na bigat sa mga ginto sa katawan.

nung minsan, nagpagawa si terror ma'am ng assignment. mga 20 pages siguro. sa sobrang haba, nakatulugan ko nung gabi. may rule pa naman nun sa school namin dati na bawal gumawa ng homework sa classroom (homework nga naman daw kase), kaya di talaga ko makapuslit sa pagsagot. pagdating ng filipino, nahuli niya kung kaklase kong gumawa ng asignment sa classroom. pinalo niya ng pagka kapal-kapal naming libro (mas makapal sa kolorete at fats niya). tsk tsk. sabay sabing "utak lamok ka pu@#*!+".

buti na lang, yung 1st 5 pages nasagutan ko naman saka yung cute kong classmate di ako sinumbong. kundi, naku, nagkalasaglasag ang buto ko nung araw na yun. baka tuluyan narin akong naging out of school youth.

___________

makalipas ang 10 taon, isa narin akong guro. unang taon ko, sa filipino department pa ko napunta. kamote. siguro, pag ginawa ko to ngayon, malamang, nasa imbestigador na ko, sinasapo ang laway ni mike enriquez. excuse me po!

5 comments:

  1. dahil nakaligtas ako? ahah :)

    ReplyDelete
  2. para kang artista sa picture mo. hehehe..

    minsan magkukwento rin ako ng ganyan, mga teacher kong pala mura. eheheh

    ReplyDelete
  3. ako hindi ako mabasta basta ng mga guro namin kasi one false move nila ikakalat ko sa school ang mga 6-digit na utang nila.. CI kaya mama ko.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...