Wednesday, October 27, 2010

kaka-kilabot

habang hinihintay si mudra sa  labas ng national bookstore, may lumapit na dalawang babae. may sinabi sila kaso di ko na-gets. una, wala akong balak makipagkwentuhan, pangalawa inip-na inip na ko sa nanay kong ubod nang tagal.

lumapit ulit yung medyo matanda.naka mini skirt at saghetti. wow. kasuka. sabi nya

ser, gosto mo ba ng babai?

shet. sa katanghalian? sumakit ang bangs ko kaya,dali-dali akong umalis agad. paglakad ko, may lumapit na naman. mas bata. pero tulad nung nauna. sing hinayupak ang muka. sabi niya

hi, ser, saan gimek mu? gimek tayu?


putek. walang pinipiling oras ang mga prosti na to. init na init na siguro kasi tanghali. tapos, bumalik na si mudra. bumili pala ng bagong lumang selepono. tuwang-tuwa. kaya naman pala nagtagal. kinuwento ko yung dalawang prosti na nag-aalok ng aliw sa gitna ng tirik na tirik na araw. at ang sabi niya:


kaya ayokong maghintay dun eh. tignan mo nga tong nabili ko, di ba ganito yung sayo dati, sabi ko pag may problema babalik ko sa kanila. hiningi ko nga yung number para tetetxt ko pag nagkasira.

walandyo. 


nakakakilabot palang mapag-alukan ng 2 pokpok na sing aasim  ng sukang paombong ang muka sabayan pa ng nanay na walang sing excited sa 2nd hand cellphone niya. 


____________________________________


salamay kay jamumai  sa matatamis na salita :D yeee. sarap sa mata.
at sa mga dagdag ng kakulto (58 na!!!!)

  • ahmer
  • jonniembus
  • jamumai
  • keatondrunk
  • vin
  • claire
  • earl matito
  • bieberlake
  • itsyaboykorki
  • meldrick gualta
  • jepoy
  • flo
  • moks
sana wala akong nalimutan :) ako'y tumatanda na at nagiging malilimutin

25 comments:

  1. kaw na gwapo...ayun eh lapitin ng mga kaka-kilabot? hahaha atleast pare mga babae... hahaha

    ReplyDelete
  2. pero Ser, kung may itsura yung dalawang yun, papatulan nyo? lol.

    at sa National Bookstore pa nila naisip maghanap ha. Gusto ata nila makatikim ng mga bookworms.

    ReplyDelete
  3. @mokong: hahah maasim na babae
    @will: hindi no! bait kong to

    ReplyDelete
  4. Yehey. Special mention. :D

    Iba ka Sir. Hindi kaya kamag-anak yan ng estudyante mo? Scary. Hahaha! :D

    ReplyDelete
  5. @mots hala... hehe... naks me tribute na sya.. ang cute pa nung nagbigay.. ayeeee....

    ReplyDelete
  6. @janunai: salamat ulit!
    @arjee: ayun sa tas mo yung sinsabi mong cute oh .yeee

    ReplyDelete
  7. lapitin ang pokpok? hehehe


    iniimagine ko ang pagmumukha... nasuka ako. siguro di ka malilibugan...lol

    ReplyDelete
  8. haha.. mabenta ka ser ah.. partida di pa gabi yun.. hehe

    ReplyDelete
  9. Ngayon lang nakabisita. Add na kita ha, please add mo na rin ako:

    http://uaequest.blogspot.com

    Thanks!

    ReplyDelete
  10. bakit ang cute naman niya kaya ah..

    ReplyDelete
  11. @mp: muka lang ang magagalit!
    @neneng: kala nila may pera ko
    @ayie. done. pa-follow na lang din
    @arjee: invite mo na

    ReplyDelete
  12. mukha ka daw kasing pimp din. baka gusto mo daw kasing extra income at ilapit sa iba ang putahe nila.

    ReplyDelete
  13. sir... sabi mo nga nung bago ka pang gupit eh nagmumukha kang rapist... yun yun eh... nahalata siguro nila... hahaha

    ReplyDelete
  14. bakit lumalago ang kulto team mo? palakpakan..

    haha grabe san ba banda yung national bookstore na yan at ang daming prosti..? hula ko sa recto yan. haha joke.

    ReplyDelete
  15. @phil guild: wag naman haahha
    @kiko: gusto ba nila marape?
    @kamila: salamat! sa caloocan

    ReplyDelete
  16. nyahahaha... marape na may bayad pwede... hehehehe

    ReplyDelete
  17. Ser..(nakikiser)
    kegandang lahi ka daw kasi..ahaha

    ReplyDelete
  18. in fairness, hobby kaya nila magbasa kaya dun ang pwesto nila? lol. :D

    ReplyDelete
  19. parang naexperience ko rin yan dati nung mga panahong akoy medyo musmos pa, mukhang lola na ang minsa'y lumapit ...

    ReplyDelete
  20. Hahaha it's business as usual kina ate! Masyado lang silang business minded...

    ReplyDelete
  21. @kiko: pwede!
    @glad: kiki ka!
    @miles: bookworm sila
    @keatondrunk: lapitan ka ng lola ayeee
    @glentot: salamat sa pagfollow yee

    ReplyDelete
  22. Ay. Hahaha. Sir Mots pauso! =)

    Kuya: salamat po. :)

    ReplyDelete
  23. yun oh,, salamat sa pag mention. hehe

    ReplyDelete
  24. baka naman akala eh porenjer ka.
    di kaya??

    san ba yan sa recto?? avenida ???

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...