Wednesday, September 14, 2011

isang taon


isang taon na kong blogger! wahey! nung simulan ko to, wala pa kong trabaho. virgin pa ko at hindi pa lumalaki ng ganito ang man boobs ko. nung lunes ng umaga sabi ko sa sarili ko, titigil na ko sa pagba-blog. saktong isang taon kako. wala lang drama lang. emote emote-an, arti-artihan, landi-landian, nagpapapa-pampam. pero naisip ko rin, naeenjoy ko naman tong ginagawa ko. inuuna ko pa nga to sa paggawa ng lecheng lesson plan eh haha. 

so dahil bortdei nga ng blog ko, magpapa-canton ako ng contest. ang pang 600th follower ko ay mananalo ng aking hawt na hawt na katawan. charut. wala talaga kong contest. sawang sawa na ko sa contest sa school, putanginanaman! hindi ko na yun dadalin pa sa blog.

kaya nais kong magpasalamat sa'yo na bumabasa nito. kung wala ang views mo, ang komento, ang paglilink. baka mas maaga pa eh tinamad na kong mag-blog. pero dahil nandyan ka parin at ever suffortive, umabot ako ng isang bonggang bonggang taon!

---
charaught! may contest talaga ko. ang unang tatlong makapagbigay ng 1st blog title ko ay gagawan ko ng hartwork :))

clue:

     _ _ e _ /  _ a _ _ / _ a _ _ _ e

goodluck! :) mwatsups



45 comments:

  1. first blog nio , sir? as in so very 2010? ahaha.. "siyet" naman title ng first blog nio nun? waah. wala naman sa clue. alangan namang SHET.. o kaya DAMN. haha! lol.

    BTW, congrats sa 1st blog anniversary nio, sir. more powers para makapag-blog pa XD XD

    ReplyDelete
  2. deep dark kamote ang unang pangalan ng iyong blog. :)

    maligayang kaarawan sa blog mo sir mots! :) isa 'to sa blog na excited akong basahin 'pag nakikita kong may bagong post. hehehe. madalang nga lang talaga ako magrecite dito, tahimik na estudyante kasi ako. :D

    -dhang (kathaniakap.blogspot.com)

    ayaw ng google account ko eh.. huhu.. baka di na ko mauna.

    ReplyDelete
  3. deep dark kamote.

    from red. go, go, go sr mots.

    ReplyDelete
  4. Happy Anniversary sa blog mo Ser! Hindi ko tanda ang 1st blog title mo dahil mahina ang memory span ko dahil hindi ako nakapag-Promil nung bata. Pero good luck sa mga makakaalala dahil mga adik sila. Hehehe! :)

    Pero kung gusto mo akong gawaan ng artwork kahit hindi ako sumali sa pa-contest mo eh tatanggapin ko ng malugod sa kaibuturan ng aking puso.

    ReplyDelete
  5. huwaw!!!... maligayang anibersayo kuya!.. madami ka ng napasaya sa iyong tahanan.... ang galing galing mo.. Two thumbs up:D

    ReplyDelete
  6. Deep Dark Kamote

    Oh yah! Kaya lang, Sir, isa lang ako sa mga silent reader mo e. Na-excite lang ako sa pa-"hartwork" mo! Hehe. Oops! Baka di counted dahil di ako registered follower. Hehe... okay lang. At least, nakahula. Haha!

    ReplyDelete
  7. Happy 1st anniversary ng blog mo! Grabe, parang kailan lang, mga baguhan pa tayo. Next week yung blog ko naman ang mag-1 year old.

    Deep Dark Kamote yung sagot sa pacontest. Pero wag mo na ako isali kasi nagawan mo na ako eh. Salamat sa header, Mots!

    ReplyDelete
  8. Parang alam ko to eh... DEEP DARK KAMOTE bah? hehehehe..

    Happy anniversary, sir Mots!!! :)

    ReplyDelete
  9. wow congrats!! hanubersary sayong blog!!! pakontest?! ang hirap ng clue mo! waaaaahh!

    ReplyDelete
  10. Congrats mots!! saka clue pa..

    ReplyDelete
  11. WH e T / H a RD / _a_ _ _e ... yung dulo na lang ang kulang lolz

    ReplyDelete
  12. mahirap hulaan... wala bang clue?

    ReplyDelete
  13. Happy blog anniversary, sir Mots! Hurrayyy!!!!

    ReplyDelete
  14. Hindi mo lang alam kung gaano ako napapasaya ng blog mo. Hehe... Nirecommend ko nga ito sa mga officemates ko kapag bored na kaming lahat mabuhay, este magtrabaho.

    Keep up the good work!

    ReplyDelete
  15. deep dark kamote. hehe :-)

    Happy Anniversary sa blog mo sir mots!!! May you give more aliw to everyone!!! :-)

    God bless you more. :-)

    ReplyDelete
  16. wala akong kaide-idea sa pacontest mo hehe.. pero gusto ko lang bumati ng happy blogsery! :)

    ReplyDelete
  17. Sayang di ko alam... I love your art works pa naman lalo na ang hawt na hawt mong katawan... Bwahahaha!

    Happy blogsarry Sir Mots!

    JJRod'z

    ReplyDelete
  18. lecheng lesson plan talaga. haha. nakow. hindi ko lam ang first title ng iyong blog.

    hmmm. try ko lang. baka tsumamba :)









    *kuliglig*








    homaygahd. ala akong maisip. consonant naman jan oh. feeling ko nasa wheel of fortune ako. ahihi~

    ReplyDelete
  19. Or baka gawan mo na lang ako ng artwork kasi mag-oone year na rin ako next week. Hahaha, kapal mukha eh.

    ReplyDelete
  20. Or baka gawan mo na lang ako ng artwork kasi mag-oone year na rin ako next week. Hahaha, kapal mukha eh.

    ReplyDelete
  21. syet! gusto ko talaga ng hartwork nyu kaya si-nearch ko talaga..

    "siyet" ang anser di bah? di bah?
    >^_^<

    ReplyDelete
  22. Asar!! Unang tatlo lang ba sir Mots?? Ika number5 ako eh! Naman eh.. yung blog mo, di nag-update sa blogroll ko eh. Lols..

    Hartwork ulit, ser mots.. plissss? :)

    Happy anniversary ulet!

    ReplyDelete
  23. Congrats ser! Di ko na naabutan ang first title ng blog mo. Anyway, happy anniversary sa blog mo!

    ReplyDelete
  24. kahit alam kong deep dark kamote,di ko na minention,wait sinabi ko ba na deep dark kamote?!?hehehehe....

    ReplyDelete
  25. Happy 1st anniversary! LOL kung nabasa basa ko lang sana ng maaga, baka nakasama pa ako sa top5! Kakatapos ko pa lang den basahin lang posts sa blog na to from the very start. Deym!

    ReplyDelete
  26. happy birthday po sa blog niyo sir! sana mas marami pang strips. :) God bless you po.

    ReplyDelete
  27. Happy Blog Birthday! You're one of the most talented bloggers I read. Sana'y wag kang mag-sawa. :)

    ReplyDelete
  28. congratumalation sir mots. :D

    di ko alam ang unang title ng blog mo.

    ReplyDelete
  29. deep dark kamote - patay tatlo lang? sayang nahuli me pero greet na nga lang kita..

    happy 1st blogsary sayo ser mots!!! :D

    isa po kayo sa mga blog na naginspire sa akin na magsimmula ng blog (teary eyed)..weeee!

    ReplyDelete
  30. CONGGGRRRAAATS!
    HAPPY BIRTHDAY "teacher's pwet"!
    MORE ARTWORKS!
    MORE LAUGHTRIPS!

    ReplyDelete
  31. maki greet nadin ako, dahil ako'y isang fan ng motsmots! ^^ salamat sa mga nakakaaliw na mga posts! at sa sobrang kaadikan ko dun sa mga dating estudyante mo namimiss ko sila na parang gusto ko silang makita ng personal sa inyong paaralan haha.

    sila teray, cj.. aldo.. dugong at lalong lalo na si faye.. haha

    ReplyDelete
  32. Sayang naman di ako umabot. alam kong deep dark kamote ang title nito kasi yun ang nakalagay sa google reader ko e. hehe.

    anyway, happy first anniversary, ser. nawa'y mas matagal pa ang pagbibigay mo ng saya sa lahat ng mga mambabasa mo.

    ReplyDelete
  33. di ko alam kung anu yung title na yun hehehe... congrats sir mots hehehe... keep blog... madami kang napapasaya na tao... :D

    ReplyDelete
  34. COngratz sir motz! super enjoy ako talag dito sa blog mo kaya araw araw kong binabalikan!

    ReplyDelete
  35. Congrats Ser Mots! Happy anniversary! :D

    ReplyDelete
  36. belated happy birthday sa blog mo sir mots! sobrang late greetings na yata to. hehehe...

    ReplyDelete
  37. Pahabol Sir Mots. Happy Anniversary. :-)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...