Sunday, September 11, 2011

empake


"maliban sa sariling
hindi maiempa-empake"
Empake

Joselito D. Delos Reyes


ganito yata talaga.
gusto mo nang umalis
pero waring ayaw daluyan
ng dugo ang paa.
nasasamid tuwing magpapaalam,
baligtad ang sinasabi sa umiiral.
iisa ang ngiti sa ngiwi,
ang ngiwi sa ngiti.
gusto mong sinsilin
sa tingin,
baunin sa memorya ang lahat
ng kayang bitbitin ng pandama.
ganito nga yata
waring handa na ang lahat
maliban sa sariling
hindi maiempa-empake.

---

makesong-makeso


naalala ko nung pinabasa to sakin ng isang kaibigan sa publikasyon. nakita raw niya sa sunday inquirer magazine noong January 2005. sinulat pa nga niya sa journal ko para magkaroon ako ng sariling kopya. nung isang linggo, habang naghahalungkat ng kung anu-anong papel, nabasa ko ulit 'to. hinahanap sa fb si sir Joselito at humingi ng permiso para ilagay sa blog ko ang tula niya.

sabi nga niya ito na siguro ang pinakamalapit sa pinakamakeso niyang tulang nagdedeliryo noong sinulat.

salamat sir!

*may blog si sir joey: ang s u p e r k a b a d o

5 comments:

  1. di ko maarok sir mots... kidding aside, nice post...

    JJRod'z

    ReplyDelete
  2. sana makasulat din ako ng ganito kasimple pero ganito n=kalakas ang dating. thumbs up kay sir joselito!

    ReplyDelete
  3. Hindi maabot ng aking agam-agam ang mga pangyayari, ser mots! Its yu olreydi ... LOL! :D

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng tula...pwede ko din ba to irepost?

    ReplyDelete
  5. waw kilala nyo po si tito joey?

    haha. kapatid sya ng lolo ko. astig naman hahahaha. ganda pa ng interpretation nyo sa poem nya...nice nice :D

    salamat sa pagpost. napangiti ako nito

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...