Tuesday, September 6, 2011

bumbay, gising

boses mo
ang gumigising sakin
araw-araw

hanggang kaninang umagang
pinipilit ko ang sariling
bumangon sa pagkakalibing sa
kama. isang gabi matapos
mong sabihing
itnulak kita papalayo.

boses mo ang naririnig ko sa pagpatak ng kada
segundong
iniisip kong ayokong
pumasok ngayon.
ayoko na

narinig kita sa boses ng
drayber pagpasok sa trabaho.
boses mo
ang nagsabing
"san tayo ser?"

hanggang sa pagpasok sa paaralan,
ikaw
ang tinig ng bawat batang
hagalpak sa pagtawa
ang boses ng nakikikipag-ugnay
nakikipag-usap

nananhan ang
tinig mo
sa king magkabilang
tenga
ikaw ang boses na nagtatanong na:
"nasa bahay ka na ba? ingat sa biyahe"

hangang kaninang umaga
hanggang kaninang tanghali
hanggang ngayong gabi

kasabay ng tinig mo sa bawat galaw ng
orasan. hinihintay kita

ikaw ang tunog ng pag-ikot
ng bentilador
ang kutsarang umiikot sa baso ng kape


ang
katahimikan


at sa tuwing uusal ako,
wala akong ibang naririnig kundi ang boses mong
hindi sumsablay sa pagpapa-alalang

"bumbay, gising na...hala, tayo na!"

4 comments:

  1. Oh my i can clearly relate to this. Sa akin di lang boses. Pati bawat ,ukhang nakikita ko parang sya na lan lagi, sya na lang lahat.

    Praying na sana matapos na to. Medyo ok na din pero may mga oras na malungkot at naghahanap at nagtatanong pa din...

    JJRod'z

    ReplyDelete
  2. weee ang galing ni ser.. pero sino kaya yan?

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...