Thursday, September 30, 2010

combatron



dahil di naman ako nakaka-intindi ng english noon at lalong di kami mayaman, lumaki ako kasama ni combatron (parang kontra bulate ano?), niknok, tomas en kulas at planet opdi eyps sa funny komiks. malay ko ba kay spiderman at iron man. mas kilala ko pa nga si rainbow bright kasi sa hallmark nagtatrabhao si mudra.

sabi ng katulong namin dati, (wow) susumbong daw niya ko kay mudra kasi bili ako nang bili ng walang kawawaang komiks. dapat daw encyclopedia binabasa ko. siyet ka yaya!  may trivia kaya yung funny komiks sa likod. dun ko nalaman na ang buwaya pala ay....teka amphibian nga ba o reptile. tama nga ata si yaya.

drawing pa nga ako nang drawing ng kung sinu-sinong karakters dati, ni isa namang gawa ko di napublished. etong si mudra ba naman, di pinapadala.

sinong paboritong funny komiks character mo? ako si gospy. ay mali, sa gospel comics pala yun haha :D

face your bioman.

face your manga at photoshop :)
gusto ko yung yellow, kaso nahiya naman ako kay gladys.


naalala ko tuloy bigla yung bio jet namin ni kuya na regalo ni mudra. akin yung bio jet 2 (yung nagiging lower body) sa kanya yung 1 (siyempre upper body,alangan namang pareho). di ko alam pano kami naglalaro nun pag pinag-dikit yung dalawa.

mas fan talaga  ako ng bioman saka maskman, kesa sa power rangers. gusto mo kantahan pa kita ng theme song neto? hahaha :D

huweyk mi ap, huwen shittember ends


Time is a monster that cannot be reasoned with.

right after my substitution, i only wanted september to end.  now, i don't even know what i want anymore.

suddenly. everything's a blur. 

Wednesday, September 29, 2010

Bakit di pagmamahal ang ialay mo, Pang-unawang tunay ang siyang nais ko. Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan sa palad mo ♪

umuupa ng pwesto, nagbabayad ng tao at kuryente and dan eric's ice cream samin. in short parang may franchise kami pero hindi naman. ang siste, dahill bantay ako ngayong baksyon, marami akong nakilalang mga costumer na sarap lang sapakin.


tagpo 1
ako: ano po yun?
ale: magkano yung tig-sisiete?
ako: -----
____________________________________________________
tagpo 2
ale: may manggo flavor kayo?
ako: ubos na po.
ale: wala na kayo?
ako:----
____________________________________________________
tagpo 3
bata: PAGBILAN! PAGBILAN! PAGBILAN!
ako: ano?
bata: may papalit po kayo?
____________________________________________________
tagpo 4
ale: ano masarap na flavor nyo?
ako: yung chocofi po.(chocolate and coffee)
ale: sige, yung choco- vanilla nga.
____________________________________________________
tagpo 5
mama: magkano yung isang galon
ako: 320 po
mama: sige sa sweldo ko.
____________________________________________________
tagpo 6
lola: magkano 1 pint?
ako: 50 po
lola: sige tanong ko sa apo ko
ako: sige po
(bumalik si lola)
lola: ano flavor ng pint nyo?
ako: chocolate at choco marble po
lola: sige tanong ko ulit sa apo ko
(bumalik si lola)
lola: meron kayo nung may peanut?
ako; wala na po
lola: yun kasi binibili ko eh, sige tanong ko sa apo ko
ako: ----
(bumalik si lola, bumili ng tig-eeleven pesos)
____________________________________________________
tagpo 7
mama: pagbilan ng cornetto
____________________________________________________
tagpo 8
ako: ano po yun?
ale; ice cream.
____________________________________________________
tagpo 9
miss: magkano ice cream nyo?
ako: ayun po sa list (tinuro ang nakadikit sa pader)
miss: magkano to?, eh eto? yun?
____________________________________________________
(san ka pa?)

* yung iba neks time na. nakalimutan ko na eh.

Award

yey! unang follower galing outside world :)

dahil jan, nanalo ka ng malamig na bangkay ni coco!

kapantay ay langit


gaano ko kamahal ang ninoy shirt ko?

naalala ko pa kung paano pinasukat ng sales lady ang t-shirt na 'to saken. dun lang mismo sa 3rd floor hallway ng SM. wala kasi silang boutique. ni hindi pa nga uso ang i am ninoy ng panahon na yun. malusog pa si tita cory at wala pang balak pagkakitaan ng bench at penshoppe ang muka ni ninoy. sa branded ko to nabili-di hamak na mas mura sa mga ninoy shirts ngayon at lalong di hamak na mas maganda (promotion itu?)


ayoko nung sa bench. kulay post it. kulang na lang ilagay ka sa daan para maging reflector.yung sa penshoppe, alanganin ang sukat. kung hindi hip hop, pwit na pwit naman.bumabakat lang nipples ko dun. eto kasi, kahit anung laki at payat ko ata swak lang.

at sa lahat naman ng "di-sinasadyang" pagkakak-chlorox ni mudra sa mga tshirts ko, eto lang ang naka-survive.

at dahil malapit na ang pasko, joseph at yeddah, okay lang sakin ang isang pang ninoy shirt galing branded. :)) hehehe
pakupas nang pakupas

Monday, September 27, 2010

mondays are always gloomy.

i miss these pink desks
everyone knows it. mondays suck big time.whoever invented monday only wanted to torture humanity. i couldn't help but wonder what things i should be doing right now without the election ban. i could still be whining but for a different reason-most likely it's LP making. seriously, i'd rather make lesson plans than this.

supposedly, today's a week shy from my first public school teaching. i hate being at home doing the motherly routine when i should be somewhere else earning my salary.

should i blame this to the election ban, to the department who promised me my appointment by october, or to myself who expected too much? who's not playing by the rules?

i think, both parties spoke too soon.

Saturday, September 25, 2010

There is always a first time

pwede na ang c(a)m ko
1. ganun pala ang lasa ng totoong mooncake. lasang hopia na may 2 itlog na maalat sa loob. mas masarap  pa ata yung binibili sa bangketang mooncake. walang umay pero wala ring magarbong box at Chinese characters.

2. di ko alam kung ganito rin ang pakiramdam ni coco sa dog food na binili ni ava. baka mas masarap parin sa kanya ang tae ng ibang aso sa labas.

3. nagsimba ako.

Friday, September 24, 2010

graveyard of the baby butiki

hindi kaya magalit ang CPCP dahil maraming namamatay na baby butiki sa bahay. meron sa banyo, sa kusina, sa sala. tsk tsk tsk. mga biktima ng maagang pag-niniig at di handang pagbubuntis. mga kabataan nga naman.

isulong ang sex education sa mga butiki

Wednesday, September 22, 2010

spell frustration

this has nothing to do with my post! i found a rubber
duckie while having my therapy session (house cleaning)

there is nothing more frustrating than a delayed menstruation and an election ban right when your're about to start a new job.

 fuck.

i hate this election ban . no matter how many times i curse it, i won't bring back the job that is supposedly mine by october.

Tuesday, September 21, 2010

taeng election ban

sa sobrang tae ng election ban, nagpaka-lango ako sa bear brand at sky flakes, nagtanggal ng wall sa facebook at nag- general cleaning. sana pala nagpakalbo na lang ako kung alam ko lang na isang buwan pa pala ang itatakbo ng paghihintay kong nabubulok na sa pansitan.
-------

andami ko palang nakuhang regalo nung isang taon. perks of teaching at mind you, from marks and spencers to victoria's secret (mali ka, hindi ito bra). ngayon, malamang ni mug wala ako. nababadtrip na ko sa pagpapa-public ko. 

Monday, September 20, 2010

1st monday blog

happiness is an inside job

kaya makikinig ako ng spice girls kesa kaysa kay sarah mclachlan, hindi manunuod sa cinema one at  tatae nang bongang-bongga!

________________________

10 days na lang pala bago mag-october. kailangang maka-isip ng 10 bagay na pwedeng gawin bago sumabak sa pagsasagwan papuntang eskwelahan.

Sunday, September 19, 2010

i am sorry this is your son

this sunday resonates gloom. i drafted my blog entry last night but decided not to post it when i woke up. i realized there are things better left unsaid (in this case, posted).

Saturday, September 18, 2010

so it seems

everyone wants to be with coco :)

kuya and ava with coco

clairvoyance

salamat


sa seksing sales lady (batay sa skirt at stocking nya) dahil pinasukob niya ko sa pink na pink nyang payong sa kalagitnaan ng bagyo kagabi.  tawa nang tawa si ate hangang sa jeep na prang kinikiliti ng ulan ang singit niya.

sa pedicab driver na takot na takot  na lumusong sa baha. sana di na lang siya namasada.

at sa bonnet kong sinagip ang bumbunan ko sa bagsik ng acid rain.

sabi na nga ba't tinatawag ako ng payong ko bago ko umalis ng bahay. makikinig na ako sa susunod.

Friday, September 17, 2010

ang lugaw na naging chicken inasal




si jown lng ang tanging tao na nakilala ko na kayang mag-organize ng get-together, pero dadating ng uwian. ganun siya kagaling. malamang na-acquire nya ang skill na yun sa ilang taon ng pagiging EIC. salamat na lamang sa highly commendable skill na 'to ni jown at naging maayos naman ang lahat.

si marie, hindi man naka-shorts-rubing-rubi naman ang kulay ng ...ehem lipstick. nakaubos din siya ng tindang sampaguita para makapag-enroll sa gym. si julie at si ruth, wala paring boobs, pero si ruth may lovelife. si rubi, nagnanasa parin sa katawan ko. si joel, lasing na, lasing pa. si jervie, ay kinupkop na ni piolo galing sa isla ng noah. nandun din si jackie chan-may dalang pitong piraso ng 'di pa lutong mais. si jown may dalang siomai. si john lloyd at shaina ang topic hanggang uwian. 

sa susunod, maniniwala na ko na ko pag sinabi ni jown na lugaw lang ang kakainin namin pero hindi na ko maniniwlang darating siya on time. :D

Thursday, September 16, 2010

ang aparador

dahil sumasakit ang ulo ni mudra, nagduduwal, naghahanap ng maasim (siyet! hindi kaya buntis si mudra?), ako na lang ang nag-ayos ng everybody's aparador.

marami akong nalaman.

1. mas marami pa akong bacon na brief kesa sa bago
2. ang dating maluwag na t-shirt ay body fit na
3. naka-bili na ng unit doon si mabait.
4. masipag akong anak ; )
5. wala parin akong follower dito.

coco

si coco lang ang pangalawang asong nagtagal samin. kung hindi kasi namamatay eh nililigaw namin kasi tatanga-tanga. ibig sabihin lang nito, pasado si coco sa IQ requirement namin para sa isang alaga. mukang hotdog si coco. mahaba ang katawan, maliit ang paa. minsan, muka naman siyang paniki, minsan daga. mas mahaba pa ang tenga nya kesa sa mga binti nya. di naman sya imported. napaka-ambisyoso naman nya kung ganun.

hindi sya umiihi at jumejerbs sa loob ng bahay, kaya galit ang mga kapitbahay sa kanya. mahilig din syang kumandong, GRO siguro sya sa past life. pansamantagal siyang nagkaroon ng identity crisis. buong akala kasi namin, yung flower nya eh bird. malabo nga talaga siguro ang mga mata ng tao samin.

madalas pa siyang tulog kesa gising. napaka-lakas pang kumain. hindi naman siguro siya nagdadalang-aso. ano yun immaculate concepcion?

muntik na s'yang mamatay. sayang, bibigay na sana samin ng kapitbahay namin yung cute nilang tuta.

Wednesday, September 15, 2010

more like empoy

akala ko, pag nagpatubo ang bangs, magiging kamuka ko si colin farrel sa phonebooth, kaya eto, pagkatapos ng dalawang buwang paghihintay at pagpaparami ng balakubak, nauwi lang ako sa pagpapagupit ulit :)

Grade one


kung bakit ako napunta sa grade one ay isang misteryo. ang alam ko lang, mas gugustuhin ko pang magturo ng 17 uri ng pang-abay kaysa magturo ng pagbabasa at paglilinis ng tae. gayunpaman, marami akong natutunan sa 2 buwan kong career bilang isang care-giver sa kanila :)

tulad ng mga leksyon sa:

Science
sir: anong hayop ang nakatira sa puno?
pupil 1: giraffe
pupil 2: elephant!

 

Pag-absent
sir, aabsent po ako, maglalaba po ako ng bag, madumi na eh
(hanep sa palusot)

 

Filipino/English
sir: magbigay ng mga salitang nagsisimula sa titik E.
pupil 1: erplane
pupil2 : ercon
pupil 3: elicopter


Math
sir: spell six
pupil: s-e-x

Pangalan
mga pamatay na pngalan ng estudyant ko:

1. John Lloyd
2. Piolo S. Pascual
3. Tom Cruz
4. Pearl Corral na isang lalaki. (very under the sea)

Human Growth
"sir pag nagka-bigote po kayo, magkaka-anak na kayo"

Tuesday, September 14, 2010

bagot



nakaka-miss ang mga batang amoy halimaw, ang chalk sa kamay, ang libreng mirienda at ang pakiramdam na may ginawa akong tama pagkatapos ng isang araw na pakikipag-buno sa lesson plan, hinayupak na mga bata at sandamukal na test papers.

gusto ko nang mag-oktubre, pero malamang pagdating nun, gusto ko na namang magbakasyon. ang gulo.

gusto ko na rin kasing sumahod, marami pa kasi akong bibilin sa pasko :)



siyet


ang hirap palang gumawa ng blog. matapos ang 12 journals at sandamukal na status updates, walang nagpaskit ng ulo ko kundi ang pagsisimula ng isang blog. andaming dapat gawin. ni hindi ko nga alam kung anong lengguahe ba ang dapat kong gamitin. sabi ko hindi ako gagawa ng blog. bakit pa? sayang ang 12 nasimulan nang journals. pero dahil kailangan kong magbakasyon ng 2 buwan, habang hinihintay ang application sa public school, kailangang may gawin ako. mauubos na ang pagkain sa ref at unti-unti nang nagiging boring ang mga social networking sites (lalo na kung ako lang naman ang nagbabaksayon sa buwan nato).

may magbabasa kaya nito? hahah ewan.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...