kung naging masaklap at masakit man sa bangs ang 2011 ni mots, nakabawi naman ako ng 2012.
1. manhattan graphics tablet (promote!)
first time kong gumamit ng tablet. at sobrang laki ng iginanda ng mga artworks ko ngayong taon. kung nagsisimula kang magdrawing gamit ang photoshop ngayong taon, naku, pag-ipunan mo 'tong graphics tablet. sulit-na sulit!
2. comics
last year pa ko nagsimulang seryosohin 'tong pag ko-comics pero dahil nga nagka-tablet ako, mas ginanahan na kong magdrawing ngayon. dati kasi, pencil+scan+photoshop and peg ko. ngayon, deretcho photoshop na. hong soyo soyo!
3. gif
ngayon ko lang natuklasan ang pag gi-gif sa photoshop. dati kasi gumagamit pa ko ng ibang program para gumawa. meron naman pala dito :) at utang ko 'to kay ..
4. citybuoy/project red and blue
dahil sa na-unsyami naming collaboration kaya kung anu-anong natutunan ko sa photoshop. tamang pagkulay, paggawa ng gif at pag-transfer ng photo mula picasaweb (kaya hindi na masyadong "pixelated") kaya mas maganda na yung quality. sana ngayong taon, matuloy na tong collab namin. pero kung hindi man, atleast marami akong natutunan :) salamat sitti este city! mwatsup!
5. poetry ek!
kung last year eh puro kapekpekan ang mga ginagawa ko sa poetry tag, mas puro kapekpekan na ngayon haha tamang umiibig lang! parang si popoy na naka-move on. ansabe ng one more chance? boom! ehem,
imbis na lapis, graphics tablet yung ginamit ko dito.sabi ni raffy (kasama ko sa unang project), mas gusto raw niya yung lapis. sakin, ok 'to. baka ngayong taon. gumawa kami ng bagong batch ng project manila paper :))
7. books
nahuhumaling akong magbasa ngayong taon. nasimulan ni Kazuo Ishiguro nung January at matatapos kay George R.R. Martin ngayong december. kaya kung medyo nagtatagal akong magpost. hindi dahil nahhumaling ako sa porn kundi nababaliw na ako sa game of thrones. bumili pa ko ng mga vinyl figures. hondondo-dondo nila!
8. shotogrpahy
kung pagdodrawing ang first love ko. kabit ko naman ang pagkuha ng pictures.pero dahil mahirap lang ako, point and shoot and pixlr lang ang gamit ko. sana ngayong taon, magka DSLR na ako. #asa
9. tumblr /deviantart
pamparami ng views. lol. nakakatamad palang mag-upload sa deviantart at wala akong career masyado sa tumblr. hahah kaya nagdecide akong mag TTH na lang araw-araw. charot
10. bagong building
last year, nasira yung mga rooms ng schoool, ngayon, balik ganda na ang mga klasrum namin! pak! buti na lang at mag-eeleksyon lol
11. independence
kung alam ko lang na ganito kahirap magsarili (hindi yung bastos), magdadalawang-isip na akong umalis kila mudrax. haha pero kahit na madalas akong gutom, butas ang bulsa at nagbebeta ng laman, masya paring maging independent. unlimited porn time, unlimited coffee at unlimited gastos. buti na lang at mabait si landlord na kamuka pala ni ely buendia.
oha! at utang ko to sa inyong walang sawang bumalik sa blog ko kahit tamad akong mag blog-hop. patawad! busy ang guro (tamad ang guro). pero sobrang natutuwa ako sa mga comments na iniiwan niyo. salamat nang marami! :)) kita-kita sa susunod na taon! halavya
*parang napreysyur naman ako na 13 na ang kailangan kong ma-achieve next year! haha :D
Gara! Daming achievements ni ser! :D
ReplyDeleteTeka, bago ang lahat, at bago magtapos ang taon, nais kong magpasalamat sayo ser. Sa pagturo mo sakin ng paglalagay ng tamang blending ng blush cheber sa mga drawings. (Sana naalala mo pa ako, hehe!)
Aktwali, isa ka sa mga naging inspirasyon ko kung bakit ako gumuguhit. (Kahit alam kong pangit yung mga drawing ko.) Minsan iniisip ko nalang na maganda sa mata ng iba ang pangit, pampalakas kuno ng loob. Naks! Lagi nga akong bumibisita sa blogsite mo para lang magbasa ng i-popost mong comics. Parang nakagawian ko na rin kasi e. :D
At bago ko tapusin itong 'maikli' kong comment, gusto ko lang sana itanong yung tungkol dun sa graphics tablet. Magkano mo nabili yung sayo ser? Interesado ho ako e. :D
Muli, nagpapasalamat ako sa lahat. Tenkyu! Tenkyu! :))
maraming salamat mai! kung alam mo lang kung ganu karumal-dumal yung mga artworks ko dati :) wala namang di nakukuha sa practice.
Deletemaemessage ko sayo yung amount :)
hala! ayaw pabigay ng nagbigay kung magkano eh hihih
DeleteGanun na nga ginagawa ko ser. Practice lang ng practice, hehe! :D
DeleteOks lang ser. Ako nalang siguro titingin ng price nun. O kaya kahit ibang tablet nalang. Ang importante makabili ako ng magagamit ko. Tenkyu ho! :))
more blogyears sa teachers pwet!!! :D
ReplyDeletesayo rin! at sa kwatro khanto! :D
Deleteuy kasali ako dito! hehe being part of this list was really my pleasure. here's to an equally creative 2013!
ReplyDeleteonaman! di pwedeng di ka kasali. ayun naman eh! sana matuloy tayo this year, naalala mo yung nagco conceptualize tayo sa starbucks? feel na feel natin yun lol
Deletewhat a year para sa inyo sir! kaw na productive at may mga bagong innovation sa pagguhit! pak na pak!
ReplyDeletesalamat! sa yo rin kulapitot!
DeleteHappy 2nd Blogsary Ser Mots!!! =^______________^=
ReplyDeleteMore cartoons at drowing pa!!!
hindi ako mahilig sa exclamation point!!! patawad!!! Lelz!!!
salamat tabian :) happy new year!
Deletegaling mo talaga sir. sana may talent rin ako na kagaya sau para maisip ko rin bumili ng tablet. chos! hahaha
ReplyDeletehaha malay mo naman meron pala! salamat
DeleteHi sir! Nasubaybayan ko halos lahat ng mga artworks mo, ang mga posts mo. I enjoyed your characters- simply, unique, peculiar, but lovable persons.
ReplyDeleteThey say reality has always been boring and bland, but through your eyes, kahit nakita namin ang kakulitan ng mga bata at nakakainis na mga bagay-bagay sa buhay, eh we enjoyed looking at them with a light heart, thanks to you.
That's because you've always seen through all these things and through life with a positive mind and creative spirit, and we are very thankful for sharing all of these things with us.
Thanks for everything sir! You're one of the best bloggers around, and as we have seen it here, you're one of the most lovable teachers in the country. Kudos to you sir! Happy New Year!
salamat mr. tipster! wow. nasspeechless ata ako sa comment mo. maraming salamat ulit! natapos mo na ba ang a-z book challenge? ang effort!
Deletehappy new year sa tripster guy!
Happy new year Sir Mots :) and susubaybayan ko ang marami mo pang entry next year... nyahaha
ReplyDeletesalamat rix! ang sipag mong bumalik dito, dahil jan, top 10 ka na sa klase ko. maramiiing salllaaaammaaat!
Deletehorayt!!! hihihi..
Deletemagandang taon sa iyo, sana maisipan ko narin na mag turo sa 2013.
ReplyDeletego! malay mo ito pala ang calling mo! :D
Deleteastig naman!
ReplyDeleteisa po ako sa hindi magsasawang bumalik-balik dito, ser!
happy new year! ^_^
onga eh at maraming salamat dahil jan!
DeleteWow. Napakakulay naman pala ng 2012 nyo! Sana sir mas maging makulay pa yan ngayong darating na 2013! HAPPY NEW YEAR! :D
ReplyDeletehala, next year 13 of 2013 na pala ahahha :D kapagod!
Deletehappy new year!
Oha! Galing-galing ninyo talaga teach! I'm looking forward to another project manila paper, at sa lahat ng bago niyong drawing next year! Cheers!
ReplyDeletesalamat! wag sanang ma-unsyami ang mga blog plans ko next year! hihih karir na to! wooohoo
DeleteSir ano pangalan ng graphic tablet nio at magkano?
ReplyDeletemanhattan! :) kaso di ko alam price. bigay lang eh. ang alam ko lang mas mura siya sa bamboo ng wacom
DeleteAng kulay ng 2012 niyo Sir Mot gaya ng mga gawa niyo. :) Ang peg ko ngayon ay pencil-scan-photoshop din kasi wala pa akong pambili ng tablet :(( Ang hirap siguro Sir na mag-adjust mula sa papel tapos sa tableta ka na guguhit, yung pakiramdam na virtual pencil ang gamit. Para akong bata ng una kong natutunang mag-gif sa photoshop, pag duplicate lang pala ng layer 'yun. :D
ReplyDeleteHappy New Year Sir, mula sa tagasubaybay ng inyong mga gawa. -Anthony
sa dami ng proseso natin sa drawing-pen-scan, magugulat ka na ambilis lang sa tablet. at ang linis. promise di ka mahihirapang mag adjust! mga 20 try lol
Deletewow 2 years na pala ang blog na ito ;) 2 years ko na ring pina-follow. you never fail to amaze me sir mots! ang galing! God bless sa 2013 :)
ReplyDeletesana umabot ng 3! lol :)salamat blaine (wrabler?)
Deletehappy new year ser! 2 years of blogging! more years to come pa yan :)
ReplyDeletesalamat! sa damuhan din! :)
Deletegames of throne rules...
ReplyDeleteyebah! sinong favorite character mo?
DeleteCongrats sir mots! Anyway, magkano si Manny? Gusto ko sana ibili yung kapatid ko (sayang, may talent sa pagddrawing). Plano ko din bumili ng DLSR this year. Sana makabili tayo pareho. At baket di mo namention ang lablayp?hahaha. Happy new year! :)
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com
di ko alam eh. pero sa yaman mong yan, kayang-kaya! heheh :D sana magkaron nga tayo.
Deletegaling...daming works of art... cguro lagi kang winner sa poster making contest dati...hehehe...
ReplyDeletecongrats sa 2 years...
ashwali, laging talo. mahina ako sa craypass. :/ schoolmate ko si CJ de silva (promil kid) kaya wala, lagi kaming olats!
DeleteGusto ko din magkatablet! Hihi Congratulations sa isang magandang taon Sir Mots (nakiki-Sir)! More power to you for the next years to come :) Happy New Year po!
ReplyDeletehappy new year "ma'am"! hhehe
Deletewow mukang naging napaka meaningful year mo sir mots ha
ReplyDeleteanyways trivia lang
nung last blog ko before pa tong mecoy,
supporter mo na ko
kaso baka di mo na ko tanada
poorprince pa ata gamit kong pen name nuon
onga! ikaw si poor prince nun hihih :D
DeleteBongga pala ang 2012 mo Ser Mots! Looking forward ako sa new batch ng project manila papaer! fave ko yan!
ReplyDeleteMas ibongga pa sa 2013! Yahoo! Happy New Year! :)
preysyur! :) kunwaring bongga lang yan. wala paring mas bobongga sa mga ganap mo zai hehe
Deletegoal ko nga pala sa 2013 yung nakawin si luna mo :D haha
Pri-nint screen ko to para pag nawala si Luna..alam na :) Happy New Year! :P
Deletemagaling ka sir...ang daming magagandang comics na inilagay mo...na inggit tuloy ako...hindi ako marunong kahit mag edit lang sa adobe..haist...a lot to learn...:) Happy 2nd year nga pala sa blog mo...:)
ReplyDeletexx!
practice lang yan. wala namang nagsimula sa adobe nang sanay na eh. :)
DeleteLagi po akong present pero hindi masyadong nag-rerecite. Two years na nga ako sa klase mo. For those two years, there was a noticeable evolution of your drawings, more refined and always creative. You deserve all the accolades from fellow bloggers. (Nagbebenta ka pala ng laman, puwede bang bumili ng kidney?)
ReplyDeletehaha ubos na sir! meron akong mga taba dito, gusto mo? (nang mabawasan naman) heheh
Deletecongrats sir mots! buti na lang at natagpuan ko ang blog mo, lagi ko inaabangan mga comics mo :) nakaka-inspired kasi syempre 'effort' din talaga ang pagguhit, more power sa teacher's pwet! heypi new year!!!
ReplyDeleteat sa blog mo rin sir jep! :) mabuhay ang mga guro sa 2013 hihi
DeleteIkaw na talaga ser Mots. Di talaga ako gifted sa pagdodrawing. Hangan ako sa mga may ganyang talent.
ReplyDeleteHappy 12 of 2012 sayo.
Happy New year!
More post!
salamat! effort na next year 13 of 2013 na lol
DeleteCongrats Sir Mots and many more work of arts to come. maligayang pasko po at manigong bagong taon.
ReplyDeletesalamat cyron! :) sayo rin. happy new year!
Deletegaling mo sir! the best ka. hehehe!
ReplyDeleteSir mots! pwede ko bang gawing banner sa facebook yung project manila paper??? hihih!
ReplyDeletesure :)
Deletehappy new year sir mots. can't wait to see more of the art works and kids stuff (hehehe) in the new year.
ReplyDeletesalamat! may ihahabol akong kwentong klasrum mamaya :)
DeleteMots! Happy New Year! Pampalipas oras talaga yung blog and drawing mo! Hope to see more this 2013! :)
ReplyDeletesalamat! sayo rin
DeleteMore shits to come this 2013 ser! haha
ReplyDeletehehe wag na. wala na ko sa grade one!
DeleteAng galing. Ang dami mong improvement last year ah. Ang isa pang da-best d'yan ay nakakatawa ay iyong comics care of your funny students. Ah, pati rin yung teacher funny rin. ;-)
ReplyDeleteKeep it up!
Makulay ang 2012! :D Sana nga at makabili ka na sir ng dslr, gawin mo ng full time kasi ang pagbebenta ng laman! Malaki ata kita dun, hahaha..
ReplyDeleteFavorite ko kaya ang blog mo, sir mots! Oh nambola pa pero seryoso yun, hehe.. Kaya babalik at babalik ako dito.. :)