Saturday, December 31, 2011

eleven of 2011




1. Project Manila Paper (with Raffy Parcon)


eto na siguro ang pinaka succesful post ko so far (so far daw oh). ang project manila hemp kasama ang mga dating kasama sa dyaryo at mga bagong kaibigan. ito ay ang kakaibang pagtingin sa maynila inspired ng pen vs. camera ni ben heine. umabot ng sang malmal ang pageviews ko galing sa iba't ibang referring sites. bongga lang diba?

2. Teacher's Twet 3D



kasalukuyang akong nagpapakapekpek ng mga panahong ito kaya para maiwasan ang pagkitil sa sariling buhay, naisip kong gumawa ng teacher's pwet sa clay. sabi ko nga, bongga sana kung Polymer para mas mapreserve ang beauty ko sa clay kaso wala pa kong resources. next time!

3. Pedring



kasgsagan ng pagkabigo ko sa buhay pag-ibig nang nasalanta ng bagyong pedring ang bulacan. oha. spell timing? nasira ang forms, ang classrooms, ang books, ang bangs ko. buti na lang at mabilis ang tulong. tinatayo na ngayon ang mga bagong building ng aming iskul. yey!!!!! bagong taon, bagong classroom.

4. emo emo emo (pinag-isipan ko yang title na yan ah)



kailangan pa bang i-explain? lol.  kahapon, habang nagbaback-read, napansin kong sa phase (kung maka-phase naman oh) na to ng pagba-blog ko pinaka maganda ang mga drawings ko. pinaka-favorite ko parin yung mga artworks ko sa puntong 'to. love love love

5. Water Corol


inspired by may ann licudine, binuksan ko ulit ang natutuyong mga water color sa bahay at nagpaint nang nagpaint! at nagustuhan ni mall! yeeee :)

6. bloggers/ friends/ blogger friends (huwat?)


nagsimula ang lahat sa pang-uuto (charot lang), sa pagpapasalamat hanggang sa nauwi sa pa-contest at kung anik-anik pa. marami-rami na rin akong bloggers na nagawan ng drawings. yung iba friends ko na (assuming ako) haha. next next year, malay mo ikaw naman!

7. Isang taon


isang taon na kong barrio teacher na sumasakay sa bangka para pumasok at isang taon na rin akong pakalat-kalat sa blogsphere. enjoy naman ako sa pagsakay ng bangka habang kumakanta ng just around the riverbend ni pocahontas at pagkulimbat samu't saring seafood. kung wala naman ako sa bay school, wala tayong kwentong faye, aldo, monmon at dugong divah? 

nag-isang taon na rin ang aking  blog! naalala ko kung paano nagsimula ang blog na to hanggang sa nagkaroon ng mga followers at dumamii ang pageviews at na-nominate sa mga award award. salamat! maraming salamuch! tengkyow!

8. komiks


at ang maglulunsad sakin sa stardom- ang aking mga comics! charuuut. andami kwentong dapat i-comics pero nauunahan ako ng katamaran. minsan ng LP, minsan ng grades. pero minsan naman, nakakalimutan kong guro pala ako at inuuna ko pa ang pagba-blog. haha ngayong 20112, balak kong ilipat sa comics ang mga kentong grade 1 ko dati :)) sana sana, sipagin ako.

9. header galore


ito na siguro ang katunayan na mas inuna ko talaga ang pagiging blogger kesa sa pagiging guro. ang maya't mayang pagpapalit ng header. sa kasalukuyan, wala akong header. salamat sa dynamic views ng blogger.

10. if it is a poem at all

wala lang. di mahalaga. mga tula pagkatapos ng sex.

11. old artworks


bakit ako nagpopost ng old artworks?
1. wala akong comics sa araw na yun
2. gusto kong magyabang. bwahahahah
3. gusto ko lang may 3. bitin pag even.
----

ps. huwag mag-expect ng kakaiba sa 2012. malamang ganito lang din yun haha :) heypi new year!!!!!

15 comments:

  1. Next project: FB page. ayihee. :) Happy new year! :)

    ReplyDelete
  2. amazing ka sir, sobrang inspiring, sobrang noble, at sobrang tagahanga mo ko, cheers sa darating na taon & am sure mas matindi pa ang mga pasabog mo sa 2012, happy new year!

    ReplyDelete
  3. clap clap :3

    more for 2012!!!!!!
    wee :)
    happy new year sir!

    ReplyDelete
  4. stardom talaga ser,.,hahaha!,.,comics,comics,comics,.,

    ReplyDelete
  5. parang gusto ko dun sa number 6 hehehe (at siyempre pa sa number 4 :D pero sabi nga, lumilipas din ang lahat... at sa iba pang numbers, cheers!)
    Happy New Year, ser mots!!!!! May good vibes pour forth through your blog :D
    -same old anonymous ;-)

    ReplyDelete
  6. Congratz sir sa iyong mga naging project! More Power! :)

    ReplyDelete
  7. Thanks for making the blogosphere full of color and life, sermots! Haffy new year!

    ReplyDelete
  8. HAPPY NEW YEAR! MORE "PROJECTS" TO COME! -- DEMIGOD WINZTON

    ReplyDelete
  9. happy new year sa iyo sir mots.

    more comics to come

    ReplyDelete
  10. Happy new year! thanks for a wonderful and colorful 2011! hehehehe

    ReplyDelete
  11. Happy New Year Sir Mots! I'm a fan! :) More Komiks to come!!

    ReplyDelete
  12. Happy New year Sir Mots. I'm so happy at natagpuan namin ang blog mo. Pampaluwag ng kalooban kapag nai-stress.

    Sana tlaga wag kang tamarin para matuloy yung mga gusto mong mangyari for 2012 (e.g #8). Sana din maging kasing kulay ng watercolor ang buhay mo sa 2012 :). More inspirations to come Sir Mots!

    ReplyDelete
  13. Ay ganoon? Magpayabang? Weh? Joke! Ang porma ng #1 mo.. galing!


    - Need help to make 1,000 pageviews in this blog and comment! (if you want)

    http://jessepareja.blogspot.com/

    This is a Personal Blog..

    Patulong po.

    ReplyDelete
  14. Happy New Year na rin mo. SIR MOTS!

    ReplyDelete
  15. naks! sana masama din ako sa magawa mo ng drawing, feelingera lang! hahaha... happy new year sir mots!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...