Sunday, December 30, 2012

christmas cards


pahabol na Christmas post hehe :) tutal sa three kings pa naman ang tapos ng Christmas season sa Pinas. may 4 bagay lang na madalas akong makuha sa mga estudyante ko pag pasko: mug, panyo/towel ,bonggang production number sa christmas party, at sandamakmak na Christmas cards. 


"sir ang masasabi ko lang sayo inuuna po inyo ang pagtatrabaho inyo kesa sa pag-aasawa napakabait po inyo anak siguro tuwang tuwa ang inyo magulang sa iyo."

una, napakahilig ng batang 'to sa "inyo" at wala naman siyang hilig sa punctuaion mark. hahah pangalawa, hindi ko inuuna ang pagtatarabaho kesa sa pag-aasawa. panagatlo, hindi ako mabait na anak at hindi natutuwa ang mga magulang ko sakin. lol

Saturday, December 29, 2012

twelve of 2012

kung naging masaklap at masakit man sa bangs ang 2011 ni mots, nakabawi naman ako ng 2012.



first time kong gumamit ng tablet. at sobrang laki ng iginanda ng mga artworks ko ngayong taon. kung nagsisimula kang magdrawing gamit ang photoshop ngayong taon, naku, pag-ipunan mo 'tong graphics tablet. sulit-na sulit!

p.s. mas mura 'to sa bamboo pen tablet pero nagfu-function siya nang halos katulad. kunti lang sa tablet ang may "tilt"

2. comics

last year pa ko nagsimulang seryosohin 'tong pag ko-comics pero dahil nga nagka-tablet ako, mas ginanahan na kong magdrawing ngayon. dati kasi, pencil+scan+photoshop and peg ko. ngayon, deretcho photoshop na. hong soyo soyo!


3. gif

ngayon ko lang natuklasan ang pag gi-gif sa photoshop. dati kasi gumagamit pa ko ng ibang program para gumawa. meron naman pala dito :) at utang ko 'to kay ..




4. citybuoy/project red and blue

dahil sa na-unsyami naming collaboration kaya kung anu-anong natutunan ko sa photoshop. tamang pagkulay, paggawa ng gif at pag-transfer ng photo mula picasaweb (kaya hindi na masyadong "pixelated") kaya mas maganda na yung quality. sana ngayong taon, matuloy na tong collab namin. pero kung hindi man, atleast marami akong natutunan :) salamat sitti este city! mwatsup!


5. poetry ek!

kung last year eh puro kapekpekan ang mga ginagawa ko sa poetry tag, mas puro kapekpekan na ngayon haha tamang umiibig lang! parang si popoy na naka-move on. ansabe ng one more chance? boom! ehem, 



imbis na lapis, graphics tablet yung ginamit ko dito.sabi ni raffy (kasama ko sa unang project), mas gusto raw niya yung lapis. sakin, ok 'to. baka ngayong  taon. gumawa kami ng bagong batch ng project manila paper :))


7. books

nahuhumaling akong magbasa ngayong taon. nasimulan ni Kazuo Ishiguro nung January at matatapos kay George R.R. Martin ngayong december. kaya kung medyo nagtatagal akong magpost. hindi dahil nahhumaling ako sa porn kundi nababaliw na ako sa game of thrones. bumili pa ko ng mga vinyl figures. hondondo-dondo nila!


8. shotogrpahy

kung pagdodrawing ang first love ko. kabit ko naman ang pagkuha ng pictures.pero dahil mahirap lang ako, point and shoot and pixlr lang ang gamit ko. sana ngayong taon, magka DSLR na ako. #asa



9. tumblr /deviantart

pamparami ng views. lol. nakakatamad palang mag-upload sa deviantart at wala akong career masyado sa tumblr. hahah kaya nagdecide akong mag TTH na lang araw-araw. charot


10. bagong building

last year, nasira yung mga rooms ng schoool, ngayon, balik ganda na ang mga klasrum namin! pak! buti na lang at mag-eeleksyon lol


11. independence

kung alam ko lang na ganito kahirap magsarili (hindi yung bastos), magdadalawang-isip na akong umalis kila mudrax. haha pero kahit na madalas akong gutom, butas ang bulsa at nagbebeta ng laman, masya paring maging independent. unlimited porn time, unlimited coffee at unlimited gastos. buti na lang at mabait si landlord na kamuka pala ni ely buendia.




oha! at utang ko to sa inyong walang sawang bumalik sa blog ko kahit tamad akong mag blog-hop. patawad! busy ang guro (tamad ang guro). pero sobrang natutuwa ako sa mga comments na iniiwan niyo. salamat nang marami! :)) kita-kita sa susunod na taon! halavya



*parang napreysyur naman ako na 13 na ang kailangan kong ma-achieve next year! haha :D

Saturday, December 22, 2012

merry christmas :)


ito ang tinatawag nating mas mataas na level ng personalized greeting card. 

Saturday, December 15, 2012

asa


isang linggo na lang bakasyon na! woohoo, kaso walang pera ang mga guro ng public schools ngayon pati na mga government employees dahil tinanggal yung bonus namin ng december at pinalitan ng performance based bonus. blech! 

kaya maghahagilap pa ako ng maraming bulsa sa labahan para makakuha ng salapi hihihi :)

-----

anyway highway,salamat kina Eleigh Llaneras ng http://eleighllaneras.blogspot.com/ at Mcoy ng http://mcoy.blogspot.com/ para sa matatamis na salita :)) mwah!

Monday, December 3, 2012

happiness



“Success is getting what you want, happiness is wanting what you get”
― W.P. Kinsella

----

gusto ko lang may quote. lol

Wednesday, November 28, 2012

surprise observation


hindi naman ako naa-observed ngayong araw. na-inspire lang ako ng news hardcore ni Manix Abrera sa Inquirer. yung comics strip niya na naka-focus lang sa workplace. 

medyo matagal-tagal na nga rin akong di na-oobserve ng boss ko at hindi ko pinapangarap. pero kahit na limang taon na kong guro, hindi parin nawawala ang daga ko pag may papasok sa classroom at titignan kung pano ba ko mag-trabaho. wala pa naman akong nakikilalang hindi kinabahan kahit very very light sa isang surprise observation.

akala lang ng mga estudyante ko, sila lang ang binibigyan ng grade--.kami rin huhuhu

Monday, November 26, 2012

teacher bear 2


hindi na natuloy yung project namin ni citybuoy! hahah anong petsa na? tinamad na kami. pero may bago kaming naisip. Wag naman sanang mapanis ult hihih.

 anyway, highway, ito yung teacher bear 1

Saturday, November 24, 2012

ang tournament official 2


buti nalipat ako sa throwing event. ibang impyerno sa jumps last year. sana, dito na lang ako taun-taon hihi

Friday, November 23, 2012

dear darla


na try niyo na ba yung dear darla pizza ng yellow cab? aynaku, gow gow gow na! :)) oha, promote!

Saturday, November 3, 2012

ang landlord kong astig 2


hindi ko alam kung bakit dok ang tawag niya sakin. dahil kaya doktor ako ng grades? hahaha


 view sa likod ng apartment. ganda noh? lakas maka-alta! :)

Friday, November 2, 2012

pag ako yumaman #2


#2

at ibibili ko na rin ang mga co-teachers kong nangbabangka hihihi. with matching robe at fur ala game of thrones yan haha

Wednesday, October 31, 2012

Saturday, October 27, 2012

pag ako yumaman #1


pag ako yumaman #1

papalitan ko ng floss ang pandesal ko tuwing umaga. 

Sunday, October 7, 2012

pandiwa


sabi ni wiki

"Ang pandiwa, pangwatas, berbo, o berb ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na Verb sa wikang Ingles."


"Ang panlapi o morpemang di-malaya ay isang morpema na ikinakabit sa isang salitang-ugat upang makabuo ng isang salita."


---

oha instant lesson!

Saturday, October 6, 2012

ang landlord kong astig




kanina lang, inulit na naman nyang kailangan ko ng ref. (sabi ng co-teacher ko baka may ibebentang ref daw kaya ganun)  tinanong din niya kung sa sala raw ba ko natutulog. baka daw magka rayuma ko sa lamig. hahaha

inalok din niya kong kabitan ng cable kaso syempre hindi libre. kaya sabi ko nek nek niya.

Friday, October 5, 2012

happy independence / world teachers' day


sa bonus, promise, bibili ako ng mga kulang na gamit gaya ng ref, dvd player, sofa, aircon, kalan, kama, flat screen tv, speaker. haha lahat in short.

ang sakit sa bangs ng independence.


------


happy world teachers' day sa pambansang hayop ng Pilipinas! sana may kasamang bonus 'tong celebration 'to para damang-dama haha :)

Sunday, September 23, 2012

2nd


nakalimutan kong birthday na pala ng blog ko nung 15. haha andami kasing ganap! buti ngpost si will, kaya naalala ko. magkasunod ipinanganak ang blog namin.

happy 2nd bortdey din me likes art :)))

-----

walang give-away, walang libreng avatar, wala akong pera. LOL isang tagos sa pwet na pasasalamat lang sa hindi nagsasawang bumalik, magbasa at magcomment sa blog ko! mwah mwah tsup tsup! :*
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...