Friday, January 7, 2011

tigang

may 8 posts lang ako nung december at umuusad na ang january na iisa pa lang ang matinong post ko.

kinakarir ko kasi ang pagpapabasa sa grade 1. reading assessment na next week. nahihirapan talaga ko kasi andaming non readers sa klase ko. isa pa, november last year lang ako nagturo (excuse!). ang hirap pag di ako ang nagsimula ng klase. kasalanan to ng dating adviser nila! joke. shet papa shet! naiistress ang bangs ko.

pag inuna ko ang pagboblog sa mga panahon ngayon, paano na ang kinabukasa ng ating bansa? chos!

naalala ko tuloy yung patalastas ng nescafe.

nakakabasa na si kembot
marunong na ring magbilang si dagul

ikaw, para kanino ka bumabangon?



sa haba ng sinabi ko. tinatamad lang din  talaga akong mag-blog minsan. samahan mo na rin ng pagloloko ng pc.

26 comments:

  1. i love that ad. it's a great campaign!

    waaah, buti may patience ka sa mga bata. haha. ako, wala. :P

    ReplyDelete
  2. Ows? Meganun ba talagang line yung commercial na yun?
    hahahaha.

    Miss ka na namin Ser Mots. Nominated ka pala dito:

    http://barangayblogosphere.com/?p=615

    ReplyDelete
  3. ser hindi pa din ako maka move on kay faye angelica. haha.
    kmusta na pala ang pagbabangka ser hehe.

    ReplyDelete
  4. Tama, paano na ang bansa natin?! Ahihihihi.. :D

    ReplyDelete
  5. naku, kailangan mo pala asikasuhin ang kinabukasan ng bansa... Kailangang matuto silang magbasa...

    Ihanda na ang tubig para mabasa na sila (joke lang)
    :D

    ReplyDelete
  6. naiintindihan naman po namin sir. pinaprioritize nyo lang nman po yung kailngan nyong gawin. :)

    chill lang sir. :)

    ReplyDelete
  7. bumabangon ako para sa.. uhm..hmmm.. tulog na lang ako ulit.. haha


    kaya mo yan ser! :)

    ReplyDelete
  8. kasalanan to nung dating adviser, asan nba un..

    ReplyDelete
  9. ok lang yon, baka wala pa talagang event. OR siguro masaya ka now. Ganun yon eh, tining ko may correlation ang pag pagiging malungkot, or pagiging stressed sa volume na blog output ng isang tao. Pero walang basis yon, Hwag paniwalaan. hehe

    ReplyDelete
  10. sigi concentrate sa pagtuturo at wag kalilimutan si faye.ang bibo mong pupil.

    ReplyDelete
  11. palitan mo na kasi yang si nora ser... wahehhee

    ReplyDelete
  12. kembot at dagul po ba talaga yung sabi dun sa commercial? XD hahahahahhaha. XD

    ReplyDelete
  13. hahaha, sa lahat na mahirap ay tapusin ang sinimulan ng iba.. ang hirap dumiskarte hahaha... musta parekoy

    ReplyDelete
  14. paborito ko ang commercial na 'yan. napapaisip kasi ako lagi... at natotouch sa bawat "dahilan" ng pagbangon ng mga nasa patalastas.

    alam mo sir, dyan ako bilib na bilib sa mga guro, tunay ngang kaparte sila sa paghubog ng isang mamamayan ng bansa. :) kaya nga pinangarap ko dating maging teacher. hehe.

    ReplyDelete
  15. natawa ako sa nescafe!!! lol

    bumabangonsi sir mots para sa kanyang mga alagang chikiting... naks!!!

    ----------

    gud lak sa READING ASSESSMENT sana em mataas ang gradong ibigay eheheh ;D

    ReplyDelete
  16. ahaha. ayus lang Teacher Mots :) isa kang ngang tunay na guro. hawak mo ang kinabukasan ng bansa! chos!

    ReplyDelete
  17. Huyy okay lang di ka magpost ng madalas teacher.. turuan mo muna ang mga bata.. kawawa naman sila... paano sila magbabasa ng comics..

    sana maging teacher din ako..

    ReplyDelete
  18. siguro ung dati nilang adviser hindi na kinayang "bumangon" haha...

    Goodluck sir mots!

    ReplyDelete
  19. ser, dahil inuna mo ang kapakanan ng bansa, ikaw na ang bayani haha!

    ReplyDelete
  20. ayus lang yun sir mots, minsan talaga nakakaligtaan naten mga hobbies naten sa dame ng ginagwa, :)

    ReplyDelete
  21. pareho lang pala tayong tigang pareng mots.. buti nga naka 8 na post ka nung dec samantalang ako eh naka 2 lang...hayyy...magrereformat na nga ako ng blog ko eh...hehe

    ReplyDelete
  22. Ang hirap pag madaming non-readers ano? Yan din ang predicament ng kabarkada ko e. Ang mas mahirap, grade 2 sya. Pero may mga nag grade 2 na non readers. Baka mamaya umabot pa sa akin yun. Kakalurks!

    Sabagay, kahit 4th year high school marami hindi marunong magbasa ng ingles. kahit filipino ang binabasa pautal utal din. Anyway, mabuhay ka, isa kang bayani! hehehe.. :D

    ReplyDelete
  23. hahaha ako bumabangon ako para sa sarili at sa amilya ko hehehe para na rin sa mga ibang taong mahalaga sa akin..anyway..ok lang naman kahit medyo mapabayaan ang blog basta wag lang totally mawala sa sirkulasyon eh ^^

    ReplyDelete
  24. im a reading specialist, gusto mo tulungan kita? ang kapalit ay...:-P

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...