Monday, May 16, 2011

dear doktora---talsik talsik

kung 40 years akong di nakapag-blog, mga 500 years naman akong di nagpuputa sa dentista.

dra: bleeder ka ba?
mots: huh? (habang tumatalsik talsik ang laway)
dra: Bleeder ka ba? madali ka bang duguin?
mots: (ang unang pumasok sa isip ko eh 1. kung may mens ba ko, 2. hindi ako dinudugo, nilalabasan ako)

dra: alam mo ba kung maganda na yung pasta ngayon
mots: bakit (talsik)
dra: bawal na kasi yung kulay grey, may mercury kasi yun
mots: (salamat kuya kim)(talsik)

dra:  mel(assistant), abot mo yung (di ko alam atawag eh)
mel (abot)
dra: hindi ito, yung isa pa
mel:  (abot)
dra: hindi iyan, eto oh
(mga tatlong beses nangyari yan)

dra: takot ka ba sa dugo?
mots: hindi (talsik)
(balak kaya niyang saksakin ng butter knife sa harap ko yung assistat niyang mali mali ang inaabot sa kanya?)

dra: san ka teacher?
mots: sa bulacan pa po(talsik)(talsik)(talsik)
dra: anong subject? turuan mo nga ng trigonometry yung anak ko
mots: elem po ako.(talsik)(talsik)


dra: tignan mo oh, kahit mukang walang tartar meron ka  in between teeth.
mots: (talsik ulit..with tartar na) wahahaaa
___

andaming chika ni dok eh tumatalsik talsik na nga sa fez niya ang laway ko. baka gusto niya yung lasa ng laway ko. parang di naman kasi nakakahigop ng laway yung panghigop nung laway niya.  hehe. nagpa-pasta, cleaning at nagpabunot ako in one sitting. hindi parin ayos ang ngipin ko sa harap, medyo magastos kasi, next project na lang daw muna. magpopokok muna ko para magkapera para sa susunod eh ngiting artista na hhihihi

kakain din muna ako ng lupa at hangin ng isang buwan para lang tustusan kong pag-aartista kong to.
from here

12 comments:

  1. sarap ng ngumiti nyan bagong pa-dentist hehe..

    ReplyDelete
  2. di ko ma get kung papaano tumatalsik ang laway mo kasi ikaw ang tinatrabaho ni doktora. si doktora dapat ang tumatalsik talsik.

    I think kailangan ko na rin bisitahin ang dental klinik

    ReplyDelete
  3. anong binunot sayo? and bakit binunot? Against kasi ako na bunutin kahit anong ngipin ko. One time, nagdebate pa kami nung dentista ko. hehe.

    ReplyDelete
  4. sir mots, buti di nasaksak ni doktora yung assistant nia. baka pag-nagkataon, matakot ka na sa dugo. lol :p

    ReplyDelete
  5. sir! pagkagraduate ko ako nalang in charge sa oral health mo!! haha.

    coincidence lang siguro, Mel si pangalan nung dental assistant nung dentist ko. :D

    ReplyDelete
  6. Hi po. I love your blog po kung kayat I had given you this award(link: http://iamjoross.blogspot.com/2011/05/first-blog-award.html) Sana po ay ma.enjoy niyo ho.

    ReplyDelete
  7. hahaha ayos! takot ako sa dentista... ewan ko ba kahit muka naman silang friendly, parang may mga hidden agenda. :)) good luck sa pag-aartista mo ah? i will still be your fan. :p

    ReplyDelete
  8. funny story sir mots!

    buhay guro nga naman pati ipin kailangan pagipunan! Choz!

    ReplyDelete
  9. Nagpunta ako sa dentista last July after so many years. Pareho din ang mga tanong. Sabi ko, takot ako sa dentista kaya hindi ako pumupunta. Nang naningil na, ang mahal pala. Buti pa yung poging mama, libre yata.

    ReplyDelete
  10. haha. ang funny ni assistant, mali2x pa. Siguro gusto ka lang balik-balikan ni mel at gusto ring magpatalsik ng laway (bastos!) kaya mali2x. Siguro din sa pag-alis mo ay naganap na nga ang iyong inaasahan. haha

    ReplyDelete
  11. I loveeet hahaha! napatawa mo kong bonggang bongga hahahahaha! and i so love ur artworks herw. I wish i have the time to draw again. Rusty na ang kamay ko, hindi lang pasmado haha

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...