Sunday, May 15, 2011

ang post na babago ng buhay mo.

at eto talaga yun eh. ang napaka banidosong meme ever. wala kang gagawin kundi pag-usapan ang sarili. hehe. kahapon, bumili kami ni pareng co teacher ng query ng papemelroti. aliw much. kaya naisipan kong gumawa ng 30 (oha ang dami) random pakinshet things about meh! owyeah. kaw na bahalang mag konek ng mga unang statements ko. pati rin ako naguluhan.

so eto na yun. gow gow gow

1-medyo weird yung HS life ko. chinecheck yung medyas namin pagpasok, may subject kaming latin, dapat advan ang sapatos pag PE, dapat barber's cut ang gupit, bawal ang printed under shirt,at may teacher kami na kailangan daw may shoe lace ang leather shoes. bawal ding mag-gel. huwat?

2-napalayas ko yung kasambahay namin dati kasi sabi ko sa kanya muka siyang bakulaw. yung isa naman, sabi ko sa nanay ko parang mangkukulam.

3- sa loob ng 2 linggo, kaya kong magpatubo ng malagong pubic hair este balbas.

4-mula nang nag-aral ako hanggang grade 5, laging semi kalbo ang gupit ko. kaya nung gr.6, hindi ko alam ang hati ng buhok ko.

5- mataas ang nakukuha kong grades sa folk dancing. wahahaha

6-pag may gusto akong kanta, isang linggo ko yung papakinnggan nang paulit-ulit. pagkatapos ayoko na siya ulit marinig. pag marami nang nagkakagusto sa paborito kong banda, inaayawan ko na. sunget

7- malaki ang takot ko sa dagang malaki pa sa pusa

8-sa sobrang pasmado ko, tinananong ako ng asawa ng co teacher ko kung may nadaanan daw ba akong baha dahil basa ang sandals ko. eew much mabuti na lang hindi nadamay ang kili-kili kundi laking gastos ko sa deodorant.

9- ayoko sa likod ng pila pag sinabi ni ma'am na "find your height" kaya sabi ko kay Lord, sana di na ko tumangkad. masunurin siya masyado.

10-na depressed ako nung ninakaw yung alaga kong pagong na si squirtle.

11-may secretary ako nung elem. hindi ko kasi nakikita yung nakasulat sa blackboard. hindi ko rin sinasabi sa nanay ko na malabo na ang mata ko.

12-may masama at pangit akong habit ng paghukot.

13- nung nagpatuli ako, nagulat si dok nang makita niyang may malagong gubat na sa siyudad ang isang incoming gr 4 pupil.

14-pag kinakabahan ako, kumakati ang dulo ng daliri ko. mabuti na yun kesa sa pwet ang kumati.

15- mas gusto kong mag shorts pag umaalis. kung pwede lang mag shorts sa simbahan, sa classroom, sa kasal eh magshoshorts ako.

16- hindi na masama ang mashed potato na naliligo sa gravy, ang spaghetti araw-araw at root beer. may love-hate relationship kami ng mga pagkaing dagat.

17- palagi akong bumibili ng porn nung high school.  nung minsang dumaan ako sa tindahan, sinigawan ako ni manong " suki, marami akong bago". dun na ko nagsimulang maghanap ng porn sa internet.

18- gusto kong nagbabasa ng tula kahit minsan parang hindi ko na naiintindihan hahaa

19- hindi ako naninigarilyo. niirita ako pag may naninigarilyo. pero mas nakaka-irita yung amoy putok at pa-deep.

20- takot sa rides. takot ako sa heights pero na-enjoy ko ang zipline.

21- nung bagets pa ko, dalawang beses lang kaming magpunta sa mall. pasko at bago mag pasukan.

22-noong gr.3 ako, sabi ko sa nanay ko, susulat ako sa MMK kasi nasira yung sapatos ko.akala ko todo na yung problema ko.

23- wala akong kahit na anumang sports activity.

24-mukang hinlalaki sa paa ang hinlalaki ko sa kamay

25- para sa mga hindi ko pa kakilala, shy ako sa personal. hindi ako social butterfly tulad ni mudrax. artistang cockroach lang.

26- hindi pa ko nakakalabas ng Luzon. malayo pa sa isp ko ang magtrabaho sa ibang bansa kahit masakit sa bangs ang sweldo ng guro.

27-gusto kong maging doktor, pero nung nalaman kong hihilahod kami pare-pareho. ang utak ko at ang bulsa ng nanay at tatay ko, naisip ko, wag na lang.

28-pag nakakakuha ako ng medal o kaya merit card nung nag-aaral pa ko, pinapapalit ko yun ng cash sa nanay ko. parang pawnshop ng medal si nanay.

29- iniyakan ko nung hindi ako binili ng slimer (ghostbuster) na laruan ng nanay ko dati. hanggang ngayon naman iyakin parin ata ako.

30-sabi ni lola, ayoko raw pumasok dati kasi humaling na humaling ako sa batibot.

_____

andami ko pang gustong isulat kasi na-enioy ko to wahaha kaso sa ibang mas mahaba at mas may konek na post na lang siguro.

malayo pa ko sa pagiging normal. alam ko ikaw man.

15 comments:

  1. -bad ka sa #2
    -@ #7 takot ako sa malaking daga...
    -PAGHUKOT? ano yun sir?
    -nung nagpatuli ako bakasyon ng grade five,pero me malagong gubat na din,hehehehe...
    -#15,shorts,shorts,shorts!yahooooo.
    -#19 sigarilyo,putok at pa deep...apir!
    -#20 takot din ako sa height..
    -@ #21 pag pasko lang
    -#23 SPORTS?ano yun???hahahahaha!

    ReplyDelete
  2. WAHAHAHAAAHAA!!
    laking tawa ko sa post na 'to!! mula simula hanggang huli! tamang mabaliw lang ngayon Sunday ng umaga. LOL

    #s 8, 14, 17, 24, hulog sa upuan sa katatawa!

    #18, may mga tula sa blog ko, baka trip mo tiyagain. hehe

    Nice nice nice! Talo pa ang nagcardio sa dami ng tawa.. nagbasa ka na, may cardio exercize ka pa!

    ReplyDelete
  3. Hanep ang number 9! Kaya be careful what you wish for. Hehe

    Aliw ang post na 'to!

    ReplyDelete
  4. Lolkwelang kwela ka pala tol. Yung slimer na yan gusto ko magkaroon nyan madlas icommercial yan sa tv dati mga batang americano yumg naglalaro. Lol at hindi ka rin pla kumakain ng seafoods, ako fish lng ayoko pero hipon talaba at alimasag gusto ko.

    ReplyDelete
  5. anong klaseng batibot ito? :))

    ReplyDelete
  6. pareho tayo sa daga. nakakatakot talaga ang crats.

    ReplyDelete
  7. Natawa ako dito. Haha. MAtagal ko na balak to, tinatamad lang talaga ako eh. HAha. Grabe naman yung gubat ng grade 4. Ikaw na! haha

    ReplyDelete
  8. ang dami kong napalampas. Nawala ka kasi sa blog list ko.
    kaya di ko na alam kong ano ang mga kaganapan kay teacher mots.

    ReplyDelete
  9. kaaliw much ang information about sa artistang cockroach. ahahha. at sino kaya nagnakaw kay squirtle.

    -khantotantra

    ReplyDelete
  10. hahaha...nag-enjoy ako. pareho kayo ni aj ser mots. me love-hate relationship din sila ng mga pagkaing dagat =D

    ReplyDelete
  11. ayos sa trivia! ang dami! =)
    nakaaaliw ah! hehe

    ReplyDelete
  12. ...naaliw ako sa pagbasa.:)
    one questi0n lang, ano po yung pa-deep? :)

    ReplyDelete
  13. Hahaha di kompleto araw q kung di ako makaview ng blog mo ser mots :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...