Saturday, May 28, 2011

SNOTM

There will always be jerks and creepy
know-it-alls in your workplace.
Now is the best time to be happy

___

 Stuff No One Told Me anniversary giveaway

Alex Noriega of SNOTM will give away few
 of his original drawings!! yay!!!
just write and draw your own SNOTM cartoon
and send it to alx_noriega@hotmail.com.
the best 3 cartoons will be published on his blog :)


i made two SNOTM for the contest hihi :)

Friday, May 27, 2011

hindi makuntento

at kung anu-ano pang papalit-palit na desisyon :)
(gaya ng paggawa ng header hihhi)



Thursday, May 26, 2011

epic fail

ampotah with h.

wala ni isa sa bet ko ang nagwagi.
hindi ko gusto ang finale ng AI ngayon.
well, pwede na si lauren, kaso si scotty? 
why lord why? pero kanya-kanyang manok
naman yan eh. 

basta ako dissapointed.
isang malaking malaking kainessshhh


P.S

pwede niyo tong i-print at gawing bookmark
para alalahanin ang malagim na araw na to.
hihi peace scotty fans!! ;)))



Wednesday, May 25, 2011

tatlong indian komiks


tinanong ako ng kapatid ko kung compliment nga bang mapagkamalang indian.
di ko naisip yun dati, landing-landi at vain na vain varicose veins 
lang kasi ako pag tinatanong kung may indian descent ako. hihihi 

hong londi ng post ko!

Monday, May 23, 2011

wala munang drowing ngayon

ewan ko ba kung bakit ako napadpad sa pagtuturo ng gr. 1
pero sabi nga ng madalas kong mabasa dito sa blog,
marami kang matututunan pag lumabas ka ng comfort zone mo.
tulad ng patagong corporal punishment. char.


kunti lang naka-attend nung xmas
party kase marami sa kanila walang pamasko.
sad diba?
sabi ko kasi, pag walang regalo sa adviser,
wag nang magpakita hahaha

pa-shotographer epek lang.

pag tanda nila, malalaman din nilang inuuto
ko lang sila pag sinasabi kong:
"ang pinaka-tahimik, ay ang unang uuwi!"

ayun. wala lang ulit. test yan eh, pero dahil busy
ako kakukuha ng picture, marami ang nagkopyaaan. haha

hanggamng ngayon, di ako parin alam kung saan
to binili nung teacher na pinalitan ko. demmit

binigyan ako ng tatlong estudyante ko ng staple wires.
akala naman nila maappreciate ko hahahha
si jc at noli
tumalon dito si JC
minsan naka-upo lang siya, nasira yung silya.


wala akong maisip. tinatamad magturo. nyahhaha

eto yung school bago yung school namin, nasa ilog pa sila,
kami nasa papuntang dagat na.
mga apat na taon pa siguro ako sa dagat :)
(pinakamatagal na siguro yun) tas magkokolboy na talaga ko pramis.

madals may uwi akong seafood
+20 pag alimango,
+10 pag sugpo,
+5 pag isda
si faye. ewan ko ba, ayaw niya talagang magpapakuha ng solo.
alam niya sigurong bino-blog ko siya hihi

siyempre ang pinakagwapong guro sa sang karagatan
hahhaa puno ng bakawan yang nasa gilid ko.


(clockwise)si teray, faye, noli at fredelito. silang apat lang ang kasama ko pag lunch.
lahat halos kasi umuuwi at nanonood ng eat bulaga.



grade 5 teacher na ko ngayong school year! :)
o diba kumo-cross process ala the creative dork? hehhehe


"I can't imagine anything more worthwhile than doing what I most love. And they pay me for it. "-Edgar Winter
so kailangan ba may kowt? hehehe hindi naman, walang basagan ng trip

Sunday, May 22, 2011

mga kwento bago mag-pasukan

bukas na lang ako bibili, hapon na eh. bibili ako ng sampu

________________________

andaming ikaksal at kinasal na batchmates  ngayong taon. sa isang bukas na lang ako magpapakasal, pagkatapos kong bumili ng sampung laptop.

________________________

may project kami ng halimaw na si raffy na inspired ng pencil vs camera ni ben heine sinubukan ko kanina kaso siyempre, wala akong pak na pak na camera at asistant para humawak ng drawing hehehe. pag siya ang kumuha, madanda yun syempre...

pag natapos na, shahsare ko na lang dito :) 



dear raffy,
nagsisisi ka ba na ako ang kinuha mong artist para dito? hehee
__________________________

balik dagat na ulit ako bukas. ma-miss kong mag-bangka... simula na ng pag-aayos ng classroom para sa nalalapit na pasukan. :D weee

Saturday, May 21, 2011

zuzyelen

bukod sa sows ang tawag niya sa sauce, marami pang nalalamang kaartehan sa katawan ang tatay kong kamuka ni mr. pringles.

Thursday, May 19, 2011

rakrakan na

umattend ako ng seminar for music teachers kanina kahit na hindi naman ako music teacher. eto yung pinag-aralan naming tugtugin. hardcore diba? pwedeng pang gig. astig ka pag lumabas ka ng bahay ng dala yan. rakstar na rakstar ang dating.

eto yung song line-up kanina:

1. Lupang Hinirang
2. Can't Help Falling In Love
3. Twinkle Twinkle Little Star
4. Annie's Song
5. Bahay Kubo
6. Mary had a Little Lamb
7. syempre Happy Birthday

ang astig na astig na Melodica


natutuwa pa ko sa mga oldies na teachers, feeling ko tuloy kanina kalahati ng katawan ko nasa home for the aged, yung kalahati, nasa-fiestahan.

Rakenrol men!!!!!!

________________

ang nota bow.

ma'am: basahin niyo yung mga nota! Ti ti ti ti.. pagbilang kong walo papasok kayo, pasok niyo, ti ti ti ti. i blow niyo yung instrument! c'mon!

________________

happy bortdei glentot! :) idol 

Wednesday, May 18, 2011

malanding malandi

perfectly cluttered
naaala ko pa yung sinabi nung prof namin nung college, wag daw naming ikahiya ang course namin. madalas kasi pag tinataong ang mga educ studes ng "anong course mo ineng?" ang isasagot niya eh "educ lang po" laging may "lang" na parang mga bottom dwellers kami sa university.

sabi niya, sino daw ba sa lahat ng nagtatrabaho ang ma'am at sir ng lahat? tama si prof,pagbumibili ako sa palengke, sasakay ng tricycle,lalakad kung saan, magsisismba eh sir ang tawag sakin hihi. aliw di ba?

naisip ko lang yan, paglabas ko kasi ng bahay para bumili ng pandesal sabi nung tambay sakin "ser, wala po kayong pasok?", " bakasyon po manong"

ahhh. mataas parin naman pala ang pagtingin nila sa mga guro :) yun nga lang, kakarampot parin ang sweldo.


---

P.S. putanginamo GSIS ka! anlaki-laki ng kaltas mo eh di ka mapakinabangan nang maayos. pakyu

Monday, May 16, 2011

dear doktora---talsik talsik

kung 40 years akong di nakapag-blog, mga 500 years naman akong di nagpuputa sa dentista.

dra: bleeder ka ba?
mots: huh? (habang tumatalsik talsik ang laway)
dra: Bleeder ka ba? madali ka bang duguin?
mots: (ang unang pumasok sa isip ko eh 1. kung may mens ba ko, 2. hindi ako dinudugo, nilalabasan ako)

dra: alam mo ba kung maganda na yung pasta ngayon
mots: bakit (talsik)
dra: bawal na kasi yung kulay grey, may mercury kasi yun
mots: (salamat kuya kim)(talsik)

dra:  mel(assistant), abot mo yung (di ko alam atawag eh)
mel (abot)
dra: hindi ito, yung isa pa
mel:  (abot)
dra: hindi iyan, eto oh
(mga tatlong beses nangyari yan)

dra: takot ka ba sa dugo?
mots: hindi (talsik)
(balak kaya niyang saksakin ng butter knife sa harap ko yung assistat niyang mali mali ang inaabot sa kanya?)

dra: san ka teacher?
mots: sa bulacan pa po(talsik)(talsik)(talsik)
dra: anong subject? turuan mo nga ng trigonometry yung anak ko
mots: elem po ako.(talsik)(talsik)


dra: tignan mo oh, kahit mukang walang tartar meron ka  in between teeth.
mots: (talsik ulit..with tartar na) wahahaaa
___

andaming chika ni dok eh tumatalsik talsik na nga sa fez niya ang laway ko. baka gusto niya yung lasa ng laway ko. parang di naman kasi nakakahigop ng laway yung panghigop nung laway niya.  hehe. nagpa-pasta, cleaning at nagpabunot ako in one sitting. hindi parin ayos ang ngipin ko sa harap, medyo magastos kasi, next project na lang daw muna. magpopokok muna ko para magkapera para sa susunod eh ngiting artista na hhihihi

kakain din muna ako ng lupa at hangin ng isang buwan para lang tustusan kong pag-aartista kong to.
from here

Sunday, May 15, 2011

ang post na babago ng buhay mo.

at eto talaga yun eh. ang napaka banidosong meme ever. wala kang gagawin kundi pag-usapan ang sarili. hehe. kahapon, bumili kami ni pareng co teacher ng query ng papemelroti. aliw much. kaya naisipan kong gumawa ng 30 (oha ang dami) random pakinshet things about meh! owyeah. kaw na bahalang mag konek ng mga unang statements ko. pati rin ako naguluhan.

so eto na yun. gow gow gow

1-medyo weird yung HS life ko. chinecheck yung medyas namin pagpasok, may subject kaming latin, dapat advan ang sapatos pag PE, dapat barber's cut ang gupit, bawal ang printed under shirt,at may teacher kami na kailangan daw may shoe lace ang leather shoes. bawal ding mag-gel. huwat?

2-napalayas ko yung kasambahay namin dati kasi sabi ko sa kanya muka siyang bakulaw. yung isa naman, sabi ko sa nanay ko parang mangkukulam.

3- sa loob ng 2 linggo, kaya kong magpatubo ng malagong pubic hair este balbas.

4-mula nang nag-aral ako hanggang grade 5, laging semi kalbo ang gupit ko. kaya nung gr.6, hindi ko alam ang hati ng buhok ko.

5- mataas ang nakukuha kong grades sa folk dancing. wahahaha

6-pag may gusto akong kanta, isang linggo ko yung papakinnggan nang paulit-ulit. pagkatapos ayoko na siya ulit marinig. pag marami nang nagkakagusto sa paborito kong banda, inaayawan ko na. sunget

7- malaki ang takot ko sa dagang malaki pa sa pusa

8-sa sobrang pasmado ko, tinananong ako ng asawa ng co teacher ko kung may nadaanan daw ba akong baha dahil basa ang sandals ko. eew much mabuti na lang hindi nadamay ang kili-kili kundi laking gastos ko sa deodorant.

9- ayoko sa likod ng pila pag sinabi ni ma'am na "find your height" kaya sabi ko kay Lord, sana di na ko tumangkad. masunurin siya masyado.

10-na depressed ako nung ninakaw yung alaga kong pagong na si squirtle.

11-may secretary ako nung elem. hindi ko kasi nakikita yung nakasulat sa blackboard. hindi ko rin sinasabi sa nanay ko na malabo na ang mata ko.

12-may masama at pangit akong habit ng paghukot.

13- nung nagpatuli ako, nagulat si dok nang makita niyang may malagong gubat na sa siyudad ang isang incoming gr 4 pupil.

14-pag kinakabahan ako, kumakati ang dulo ng daliri ko. mabuti na yun kesa sa pwet ang kumati.

15- mas gusto kong mag shorts pag umaalis. kung pwede lang mag shorts sa simbahan, sa classroom, sa kasal eh magshoshorts ako.

16- hindi na masama ang mashed potato na naliligo sa gravy, ang spaghetti araw-araw at root beer. may love-hate relationship kami ng mga pagkaing dagat.

17- palagi akong bumibili ng porn nung high school.  nung minsang dumaan ako sa tindahan, sinigawan ako ni manong " suki, marami akong bago". dun na ko nagsimulang maghanap ng porn sa internet.

18- gusto kong nagbabasa ng tula kahit minsan parang hindi ko na naiintindihan hahaa

19- hindi ako naninigarilyo. niirita ako pag may naninigarilyo. pero mas nakaka-irita yung amoy putok at pa-deep.

20- takot sa rides. takot ako sa heights pero na-enjoy ko ang zipline.

21- nung bagets pa ko, dalawang beses lang kaming magpunta sa mall. pasko at bago mag pasukan.

22-noong gr.3 ako, sabi ko sa nanay ko, susulat ako sa MMK kasi nasira yung sapatos ko.akala ko todo na yung problema ko.

23- wala akong kahit na anumang sports activity.

24-mukang hinlalaki sa paa ang hinlalaki ko sa kamay

25- para sa mga hindi ko pa kakilala, shy ako sa personal. hindi ako social butterfly tulad ni mudrax. artistang cockroach lang.

26- hindi pa ko nakakalabas ng Luzon. malayo pa sa isp ko ang magtrabaho sa ibang bansa kahit masakit sa bangs ang sweldo ng guro.

27-gusto kong maging doktor, pero nung nalaman kong hihilahod kami pare-pareho. ang utak ko at ang bulsa ng nanay at tatay ko, naisip ko, wag na lang.

28-pag nakakakuha ako ng medal o kaya merit card nung nag-aaral pa ko, pinapapalit ko yun ng cash sa nanay ko. parang pawnshop ng medal si nanay.

29- iniyakan ko nung hindi ako binili ng slimer (ghostbuster) na laruan ng nanay ko dati. hanggang ngayon naman iyakin parin ata ako.

30-sabi ni lola, ayoko raw pumasok dati kasi humaling na humaling ako sa batibot.

_____

andami ko pang gustong isulat kasi na-enioy ko to wahaha kaso sa ibang mas mahaba at mas may konek na post na lang siguro.

malayo pa ko sa pagiging normal. alam ko ikaw man.

Saturday, May 14, 2011

after 40 years

matapos magloko ang blogger ng sandaang taon eh nakapagpost din. ginawa ko pa to nung umuulan. sa tagal ng pagpopost eh umaaraw na naman ngayon at natititgang na naman ang hawt na hawt kong bodeh.ito yung mga panahon na tumutulo lahat ng baggay sakin. lahat ng body fluids at creative juices (creative juices daw oh-in plural form pa talaga, my gods! hahha)

kung ang mahal kong si Angelo V. Suarez eh ina-associate ang sadness with rain, eh baligtad naman ako.  mas feel ko ang ulan. parang shampoo commercial.  lalo na pag ako lang ang may payong. pano ba naman, pag umuulan walang pasok. eh pag walang pasok ang bata, para saan pa ang teacher? kaya kung hindi nagpapanggap gumawa ng kung anu-ano sa school eh umuuwi na lang din kami pag suspended ang klase. sarap buhay.

medyo pangit yung pagkaka-scan nung iba. potowod!
masarap kasing matulog at mamintana (at lumanghap ng alimuom adik)..


magdrowing nang magdrowing nang magdrowing ..
uminom ng mainit na kung ano at mag marathon ng panonood ng porn




______


eto pa pala yung isa kong nagawa, si eve.


kamuka to ng dating kasama ko sa dyaryo na artist din. :) ganyan din kakulot ang hair ng lola mo.

Thursday, May 5, 2011

tinatam_d

yan lang ang kinaya ng powers ko ngayon. tuyong-tuyo ako. patawad. wala pa kasi akong sex. charos

Wednesday, May 4, 2011

freak show / water

click to enlarge..medyo blurred pabg maliit eh

kailangan may quote. so ikokowt ko si britney spears.
"all eyes on me in the center of the ring just like a circus
ahhh oohhh uhh shit papa shit!"




ahhh at ang all time favorite ko from Pulo't Gata: the Love Poems
"For you, my lover, I will be like water." -Danton Remoto

Tuesday, May 3, 2011

it's a jungle out there

it's a jungle out there
.
kung si Alice, may wonderland,
sina  Satsuki and Mei ay may kapitbahay na Totoro,
si Dorothy ay may Oz,
ang magkakapatid na pevensie ay may Narnia
meron naman akong blogger account. ayun eh!


eto ang makabuluhang bagay na ginawa ko nung weekend. ipinagpalit ko to sa da buzz. haha arinig ko si mudra, sabi sa pinsan ko habang nagtutulug-tulugan ako:

"(hawak ang sketch pad ko) ang galing ng kuya mo nu?"

ang swet di ba? matapos niya kong utangan niyan syempre. mas sweet talaga si mudra pag may hawak na salapi :D haha kaya alam ko na malambing talaga siya kapag pay day.

_____
naedit ko na rin  yung tatlo kaso parang wala namang nagbago. hehehe :)

gagawa pa ko bago magpasukan. ipagpapalit ko naman ang eat bulaga :)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...