Saturday, April 30, 2011

uso eh!

anatagal inabangan sa tv nung royal wedding. sinungaling ako kung sasabihin kong di ako nanuod eh yun lang naman ang palabas sa tv. sino ba namang ayaw makita ng bumbunan ni prince william? so ayun nga, inantok ako habang kinakasal sila. inaabangan ko kasi kung may terorista bang susulpot o kaya kung may madadapa habang naglalakad sa aisle. kaso wala, kaya boring. tama bang madistract ako sa boobs ni kate middleton? para kasing pandesal.

kagabi, magkausap kami nung dati kong kasama sa dyaryo. nagulat daw siya at may asawa pa raw pala si queen elzabeth. yun siguro ang dahilan kung bakit mahaba parin ang buhay niya. nadidiligan parin si queen mother na kulay tweety bird kahapon.

marami akong napagtanto, syempre dapat laging may napupulot sa bawat pinapanuod:

1. mas maganda talaga ang accent nila harry potter kesa sa puntong bulakenyo na meron ako
2. matanda na pala si mr. bean
3. buti na lang hindi ganun ang tugtog sa simbahan samin kundi maghihilik ako
4. si posh spice ang favorite ni prince william sa spice girls
5. kinuha ni prince harry ang buhok ni prince william
6. mas masipag si connie sison kaysa kila vicky morales at jessica soho kasi mas marami siyang nareport
7. bullet proof yung hat nung queen. hula ko lang
8. yung singsing ni prince william ay isusuot sa kanya ni kate sa honeymoon!
9. tuwing magrereport si jessica soho, lagi siyang pinuputol kasi may pumapasok na news abroad. so sayang lang talaga yung pinunta niya. epic fail
10. pero hindi naman pala sayang kasi for sure, gagamitin niya yun sa show nya tuwing sabado kaya mahal ko parin si jessica.
11. tamang timing ka ombudsman merceditas gutierrez!  pak! pak! pak!

14 comments:

  1. 11 lang yon pero kapupulutan ng mga kakaibang aral kung seseryosuhin mo.

    wala pa akong napapanood about the wedding hangang ngayon.

    ReplyDelete
  2. Haha. Mukha bang pandesal? Di ko naman nahalata? Basta ang ganda niya at isisingit ko na di sila bagay ni William panot. HAHA.

    ReplyDelete
  3. me kinalaman daw ba si merceditas sa royal wedding??? musta nemen!!!!

    ReplyDelete
  4. yan nga rin iniisip namin kahapon. :))

    ReplyDelete
  5. wala din ako mapanood nun kahit sa cable, oo buhay pa ang asawa ni Elizabeth si prince philip,duke of ewan ko.Hinihintay ko din na biglang sasabog ang sasakayn ni prince william at queen elizabeth kaya lang hindi nangyari.haha me mga napansin din ako,

    .nhirapan isuot ni william kay kate ang singsing dahil mlaki ang buto sa daliri ni kate.

    .kabarkada ni queen elizabeth si cory aquino,mahilig sila sa yellow.

    .feel ko panot n si queen elizabeth dahil hindi n makapagkoron, lagi na lang nkasumbrero.

    .hindi na nakakatawa mukh ni mr.bean, para na siyang si richard gere.haha

    ReplyDelete
  6. hahaha...as always, nawindang na naman ang ganda ko sa mga pinulot mong araw sa wedding, mots! iba ka talaga. =D

    two thumbs up! three pa nga o! =D

    ReplyDelete
  7. ano ba kasi ang puntong bulakenyo? sabi kasi nila yung punto daw ni bert tawa. hde naman ganun punto ko :|

    may napagtanto din ako sa royal wedding na yan. magkamukha pala si pnoy at prince william...TOPVIEW :P

    ReplyDelete
  8. gusto ko yung singsing ni prince william.. OMG hahahahaha pasadya siguro yon

    ReplyDelete
  9. "yung singsing ni prince william ay isusuot sa kanya ni kate sa honeymoon!"

    --kaya pala :)) XD
    nakakaasar nga po si merceditas. ayt

    ReplyDelete
  10. hahaha ang kulet. bat nga kaya walang singsing si william?

    ReplyDelete
  11. ayos ang mga observations at learnings! ngayon ko rin lang nlaman na may asawa ang queen hehe di updated sa mga current events..

    ReplyDelete
  12. Waffak si merceditas napasama sa kapupulutan ng aral sa eksena, hahaha, lalabas na din ang koneksyon ni Guttierez kay Arroyo, aabangan ko yang bombang yan XD

    ReplyDelete
  13. Hahaha hayop ka LOL. Pakyu Sir Mots. Hindi pa rin ako makaget-over dun sa drowing. Tangina mo!

    ReplyDelete
  14. "matanda na pala si mr. bean"

    HAHAHAHAHAHAHAHA at feel ko lang di parin nalalabhan ung teddy niya.


    napatawa mo ako. slamat.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...