Thursday, April 14, 2011

dealing with odd parents


isang PTC, tinanong ako ng isang tatay kung
 ano raw ba ang epekto
ng bagyong ondoy sa pagbaba ng grades ng anak niya.
so isisi raw ba sa walang kamalay-malay na bagyo
ang ka-bobohan ni junjun?

maraming parents ang uber sa pagka grade conscious.
dinaig pa ang mismong anak nila. pero ang nakatawa
sa lahat, sasabihin pa nilang wala silang time pero
bitbit nila ang records ni junjun habang dinudutdot
ang jumbo calculator sa fez mo.

ikaw na lang mag teacher mommy?
pero sabagay, sabi mo nga, busy kang tao. 

___

tips sa mga bagong guro:

1. maging handa sa lahat ng record.siguraduhing tama ang computation ng grades. wala dapat silang makitang butas maliban sa butas sa muka mo.
2. hindi naman lahat ng magulang eh praning. pero waga magpaka-kampante.
3. unahan lang yan. wag papasindak sa jumbo calculator ni mama grade conscious.
4. kung nagmamaganda si parent. magmaganda ka rin nang bonggang-bongga! lagay ba eh si parent na ang bagong may authority sa classroom at sa paggawa ng grades? palit na lang kayo.


5. wag kang magpapahuli ng buhay.

12 comments:

  1. Nakakainis talaga yung mga nagmamaganda. Leave it to the professionals, K?

    ReplyDelete
  2. Haha, naalala ko tuloy mama ko nung high school ako parang ganyan. Ser Mots bakit parang naging Kaibigang Oso yung header mo? Ganyan ka na kalaki? Hehe

    ReplyDelete
  3. kuhaan na ng class card. ayan na ang mga reklamador na pirints

    ReplyDelete
  4. tama. Kung makapagsalita ang ibang magulang ay para namang alam na alam nila kung anu-anong mga kabulastugan ang ginagawa ng kanyang anak.

    Pero in fairview, mabisa ang pagdadala ng magulang sa iskul. Di ko lalahatin pero may ibang titser na di takot at di sumusunod sa School's Rules and Regulations pero pag may parent, ahw susunod na yan. haha

    ReplyDelete
  5. Hhehehehe... uso pa ang jumbo calculator.. baka may tindahan si nanay

    ReplyDelete
  6. Nakakainis minsan ang mga magulang sa uber grade conscious para sa anak nila ... :|

    ReplyDelete
  7. im taking methods of teaching now. gusto ko na din maging guro. hehe. salamat sa tips! :)

    ReplyDelete
  8. Nagteacher-teacheran din ako ng saglit. Swerte yata ako na wala ako ni isang nakaengkwentrong nanay na masyadong maraming alam. Hehe.

    ReplyDelete
  9. di naman nawawala yung mga parent na ganyan eh pero mas ok naman sila kesa sa mga parent na tatapalan ka ng kung ano ano para lang itaas mo ang grade ng anak nila hehehe

    ReplyDelete
  10. ibagsak ang dapat ibagsak!
    nambabagsak po ba kayo ser?!?!?!

    ReplyDelete
  11. bakit kase ang sisi lage sa mga teacher, bkt hindi tanungin ang anak....

    ReplyDelete
  12. base from exp yan lahat kaya maniwala kayo kay sir.. hahaha

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...