Tuesday, March 22, 2011

kaya mo yan mommy!!!

may nakasabay akong mag-ina sa jeep kanina. yung mommy binili ng clay yung kyut na kyut niyang chikiting.

anak: mommy saan gawa yung clay?
mommy: (tinignan yung likod ng box..eh walang nakalagay) anak, wash your hands after playing ah!
anak: eh saan nga po gawa yung clay?
mommy: yung green saka yellow, pag pinagsama mo, yellow green (huwat?)
anak: san po to gawa momy?
mommy: gawa tayo ng "daynisor" mamaya.
anak: sige mommy! gagawa ako ng dinosaur mamaya.


(akala ni mommy safe na siya)


anak: mommy, mommy, mommy..ano yug accordion?
mommy: .......
larawan from here

____________________________
pindutin ITO para sa tunay na larawan

super proud tatay

graduation sa friday ng mga chikiting ko :D
si W lang naman ang salutatorian at si J naman, akala ko, most talkative lang, yun pala 3rd honor pa!! ano bang magandang gift sa dalawa na to? any suggestion?



sa hayskul kaya eh makaalala pa sila?  (weeee emote)

13 comments:

  1. LOL @ Mommie XP

    grats po sa sons mo :D galing naman.

    ReplyDelete
  2. Gumawa ka na kasi ng anak, ser.. :D

    ReplyDelete
  3. awww... next school year may bagong set ka naman ng mga students :) congrats sa kanila :)

    ReplyDelete
  4. Wow, galing ng mga anak mo, Ser! Congrats sa kanila. :D

    ReplyDelete
  5. si mommy talaga..tsk, tsk, tsk..google nya kaya? hehehe

    ser mots nice siguro kung bibigyan nyo sila ng magagamit nila sa skul. :)

    ReplyDelete
  6. oo naman, maaalala ka pa din nila kahit nasa HS na sila. Students cherishes and treasures their techers dahil sila ang tumayong pangalawang magulang. :D

    Any token of appreciation will do. :D

    ReplyDelete
  7. Hihihi akala ni Mommy makakaligtas sya!!! Hahaha... Aliw! Hayop you Sir Mots you made my day again pakshyet!

    Regaluhan mo siguro sila ng framed pic nyong tatlo para maka-alala sila lagi...

    ReplyDelete
  8. wahahahaha! kawawang mommy. buti hindi siya tinanong bakit blue ang sky.

    ReplyDelete
  9. natawa ako.. kawawa naman si mommy parang nasali lang sa are you smarter than a 5th grade. hahahaha

    anyhoooo napa-awwww naman ako sa sinabi mo.. kung maaalala ka pa ni W at J... waaaah....

    ReplyDelete
  10. ayyy...tiyak nman na di ka nila makakalimutan mots.

    congrats sa kanila!

    ReplyDelete
  11. oh yun.. sure ns sure ako tuwang tuwa ka tas grad na sila di lang yun may honors ba.. san ka pa :D

    ReplyDelete
  12. haha dinudugo na talaga yung mommy. hehe ^_^
    hangkyuuuuut ng kids!! at ang galing pa nila a... good job!

    ReplyDelete
  13. sir school supplies sa high schooll.hehe

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...