Monday, March 21, 2011

masunurin much

checking of forms kami kanina kaya maghapong wala ang mga guro sa classroom. ewan ko ba kung bakit pinapasok pa ang mga bagets. kaya sabi ko sa grade one, kopyain na lang nila yung libro. back to back. charot.

ser: nasa office lang ako. walang tatayo, walang lalabas, walang mag-iingay. gawin niyo yung pinapagawa ko.
grade one: opo!!!
ser: joshua, maglista ka ng maingay at tayo nang tayo.
grade one: opo!!!!


pagkatapos ng 2 oras, bumalik ako sa classroom at nakita si jerome na basang basa ang shorts. nadiligan ang floor at tawa nang tawa ang walang hiyang si dugong. hindi lumabas ang masunuring si jerome para mag-CR dahil takot na malista.

ive-very good ko na sana si jerome sa obedience kaso ibabagsak ko naman siya sa cleanliness. di ko rin alam kung kanino mas takot si jerome, sakin ba o kay joshua? ang napagtanto ko lang. sa susunod, idadagdag ko ang

pwedeng mag-cr sa mga bilin ko.

larawan from here
p.s.

ang tawa nang tawa na si dugong ang pinaglimas ko ng di inaasahang madilaw na baha sa klasrum

19 comments:

  1. ahahahaha wawa naman... pero ang cute...

    ReplyDelete
  2. Oh my god, ganito din nangyari sa akin nung prep ako hahaha

    ReplyDelete
  3. sarap siguro pag ganyan ang mga student na kababata. puro kalokohan. sa akin kasi, college, pag nag labas ng jun-jun sa room yun, tiyak hindi pag ihi ang dahilan. wahahah

    ReplyDelete
  4. idagdag mo narin, na "pwedeng questionin ang mga utos mo." hehe

    ReplyDelete
  5. Dapat pinalangoy niyo muna si dugong sa baha bago niyo pinalinis ... LOL. :D

    ReplyDelete
  6. naku traumatic yun para sa bata... anyway buti na lang at may pwede ng mag-cr na rule hehe

    ReplyDelete
  7. hehe.. sino me kasalanan?




    si ser mots!!!!ahehee

    ReplyDelete
  8. wakokok. kawawang bata, nagpigil ng weewee

    ReplyDelete
  9. nadale si dugong. wahahahahaha!

    ReplyDelete
  10. hahaha....cute naman. A for effort ang pag-upo ni jerome ha. =D

    ReplyDelete
  11. hahaha....cute naman. A for effort ang pag-upo ni jerome ha. =D

    ReplyDelete
  12. aww kawawa naman si jerome..pero ang kyut!heehehe

    ReplyDelete
  13. ayan parusahan si dugong hehe ang kulit ng mga bata

    ReplyDelete
  14. kulang kasi ang sinabi mo mots ayan tuloy nagtiis sya wiwi..wawa aman hehe! :D

    ReplyDelete
  15. haha masunurin nga! apir! ^_^

    ReplyDelete
  16. Oh well, we used to think that only the so called "students" can learn from their so called "teachers". When in fact, more often than not, it's the other way around. Lerv it! :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...