Thursday, March 10, 2011

words of wisdom ng napaka-higpit kong principal

on teachers' welfare


mukang may sakit kayo. naku. magsi-absent na nga kayo pagkatapos ng National Achievement Test. wag lang sabay-sabay ah!

--

pwede kang mag-birthday leave, wag mo lang kakalimutan yung pa merienda!

--
(nung umabsent ako, tumawag ang lola mo sa phone)

principal: kumusta ba date mo?
ser: di po ako nakipag-date mam!
principal: o sige sige. kinukumusta ka lang namin. hoy vangie (co teacher ko) pano ba i-end yung call sa cellphone mo?
(so, ako na lng nagbaba)
____
on health

mam co-teacher: wag po natin munang ibenta yung mangga kasi baka sumakit tyan ng mga bata!
principal: hayaan mo na, vitamin C yun!


---

naku yung baby natin gutom na. pakainin niyo na nga yan
(baby tawag niya sakin. shet. jowa?)

---

ser: mam, sabi sa office lakarin ko na raw po yung GSIS ko. half day po yun
principal: baka wala ka nang masakyang bangka sa tanghali, umabsent ka na ng buong araw.
ser: eh yung mga grade 1 ko po?
principal: papasukin mo, hayaan mong mag recess muna sila!

___

on peace


principal: napa-print mo na ba yung ipapasa sa district (take note: pang next year pa yun)
ser: hindi pa po.
principal: sasakalin kita!

--

(tinawagan ang dating teacher niya)

hello? helloo? bakit di ka na tumatawag? susuntukin kita!

___
on pregnancy


ganyan talagang magbuntis. hindi lahat ng pagsakit ng kiki eh ibig sabihin manganganak ka na.

___
on budgeting
(kasusweldo lang)

may sweldo na ba tayo para sa isang buwan?

23 comments:

  1. hehehe,nkikipagsabayan si ma'am sa students.. :))

    ReplyDelete
  2. Ang kulet lang ng principal nyo!! bigyan mo sya ng special feature sa blog mo. haha

    ReplyDelete
  3. ilang taong gulang na ba tong principal nyo sir? ehehhe

    ReplyDelete
  4. uyyyyyyyyyyyy si ser me dyowang principal............gwarrrkkkk...hahahahahaha!

    ReplyDelete
  5. laugh trip to. ^^,
    namiss kong maging teacher.

    ReplyDelete
  6. wehehe. si principal parang sa comedy bar nagwowork. pumapunchline :P

    -hindi lahat ng pagsakit ng kiki ay manganganak na :D ahahaha. benta

    ReplyDelete
  7. ang kulit naman ni principal.as in baby talaga may pagnanasa.

    ReplyDelete
  8. hindi lang pala mga studyante mo ang bumabanat cher.. pati si principal.. panalo.. at feeling ko tuloy may lihim siyang pagtingin sayo..hahaha

    ReplyDelete
  9. haha ang kulit ng principal n'yo! haha natawa ako sa pregnancy... :)

    ReplyDelete
  10. Sobrang funny talaga..hahaha..
    fan mo na talaga ko. Galing!

    Andrea

    ReplyDelete
  11. parang studyante mo lang si mam principal ah! Ang kuleeet! Sarap kurutin sa singit..LOL

    ReplyDelete
  12. ahahah langyang principal na yan pinasaya umaga ko.. haha

    ReplyDelete
  13. Type ka ni mam principal, konting kembot lang diyan baka bigyan ka na ng raise, ser! LOLOLOLOL. :D

    ReplyDelete
  14. dear mots.

    salamat sa muling pagbisita ha. dahil dun napadpad ulet ako dito. ang galing galing mo talagang magdrowing.nakakabilib ang mga art work mo. sana marunong din akong magdrowing gaya mo.

    ang naiingit na daddy,

    P.S.

    IDOL na kita, kasi ang ARTY-ARTY mo!

    :p

    ReplyDelete
  15. culture pala to ng buong school eh. lol.

    ReplyDelete
  16. kung ganyan naman ng ganyan e di masaya sana lahat!

    ReplyDelete
  17. napakakulit hehe! umbagan mo ng isa sir!

    ReplyDelete
  18. Hahahaha at ang twist eh ang principal nyo ang tunay na ina ni Faye! Hahahaha tawa na naman ako nang tawa dito aheyrrret.

    ReplyDelete
  19. ahahaha ang kulit ng principal..parang yung mga studyante lang nong baby nya...ahahaha!

    ReplyDelete
  20. Go, go, go Principal. May pinagmanahan pala mga students mo ser. Magrecess na lang kayo pag di nyo alam ang pindutan ng end call. He he he. I enjoy this entry.

    ReplyDelete
  21. wahahhaha! back read to the max nako! lols

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...