Showing posts with label music. Show all posts
Showing posts with label music. Show all posts

Monday, June 24, 2013

Point and Shoot 14

kung friends tayo sa fb at nagfofollow-an tayo sa tumblr, malamang sa hindi, nakita niyo na tong mga batch ng point and shoot na to.medyo random 'to kasi usually, galing sila sa timeline ko o kaya may okasyon.


152th birthday ni boss Pepe. at yes, huli na ng 2 taon ang commemorative coin ko. 


Hindi ko alam kung matutuwa ako, pero nung nagpost ako ng album ng UDD sa tumblr, sobrang benta. mas mabenta pa sa mga artworks na isang araw kong ginagawa. tss. 

pero sobrang ganda nitong Capacities album ng Up Dharma Down. nakakainis sa ganda. medyo simple lang yung packaging para sa 400 Php pero sulit naman yung music. favorite ko so far yung Turn it Well,Indak, at Thinker. 


It sure is.


Peri-wilkins. nagpaint kami ng wilkins bottles para sa garden. medyo mahirap magtanim ng directly sa lupa kasi maalat yung tubig, namamatay lang yung mga halaman. sayang.



Papercutting like a boss! astig gumawa ng araw yung isang pupil ko. :)


at sobrang daming keychain na ang naiipon ko kada pasalubong. gusto ko yung blue whistle na bigay pa ng Save the Children Foundation para pag may disaster.


Nagbebenta ng mga items galing Japan Japan, sagot sa kahirapan yung co-teacher ko. 10 pesos lang ang isa.


si ser mots, gabi bago ang unang araw ng klase.

Sunday, June 16, 2013

Point and Shoot 13: fete de la musique 2013


Ganito pala ang limelight! masarap charot


Robyn-Dancing on My Own ang peg ni ate koreana!


boy on fire! ulitin ko, fete de la musique ito. hindi bora


Girl on Fire- katniss everdeen


malabo lang pero Up Dharma Down yan. shet ang gondo gondo ni Armi Millare. at tinitigan niya ko sa mata na waring nagungusap na: "mots, papayat ka rin gaya ko"

Saturday, December 29, 2012

twelve of 2012

kung naging masaklap at masakit man sa bangs ang 2011 ni mots, nakabawi naman ako ng 2012.



first time kong gumamit ng tablet. at sobrang laki ng iginanda ng mga artworks ko ngayong taon. kung nagsisimula kang magdrawing gamit ang photoshop ngayong taon, naku, pag-ipunan mo 'tong graphics tablet. sulit-na sulit!

p.s. mas mura 'to sa bamboo pen tablet pero nagfu-function siya nang halos katulad. kunti lang sa tablet ang may "tilt"

2. comics

last year pa ko nagsimulang seryosohin 'tong pag ko-comics pero dahil nga nagka-tablet ako, mas ginanahan na kong magdrawing ngayon. dati kasi, pencil+scan+photoshop and peg ko. ngayon, deretcho photoshop na. hong soyo soyo!


3. gif

ngayon ko lang natuklasan ang pag gi-gif sa photoshop. dati kasi gumagamit pa ko ng ibang program para gumawa. meron naman pala dito :) at utang ko 'to kay ..




4. citybuoy/project red and blue

dahil sa na-unsyami naming collaboration kaya kung anu-anong natutunan ko sa photoshop. tamang pagkulay, paggawa ng gif at pag-transfer ng photo mula picasaweb (kaya hindi na masyadong "pixelated") kaya mas maganda na yung quality. sana ngayong taon, matuloy na tong collab namin. pero kung hindi man, atleast marami akong natutunan :) salamat sitti este city! mwatsup!


5. poetry ek!

kung last year eh puro kapekpekan ang mga ginagawa ko sa poetry tag, mas puro kapekpekan na ngayon haha tamang umiibig lang! parang si popoy na naka-move on. ansabe ng one more chance? boom! ehem, 



imbis na lapis, graphics tablet yung ginamit ko dito.sabi ni raffy (kasama ko sa unang project), mas gusto raw niya yung lapis. sakin, ok 'to. baka ngayong  taon. gumawa kami ng bagong batch ng project manila paper :))


7. books

nahuhumaling akong magbasa ngayong taon. nasimulan ni Kazuo Ishiguro nung January at matatapos kay George R.R. Martin ngayong december. kaya kung medyo nagtatagal akong magpost. hindi dahil nahhumaling ako sa porn kundi nababaliw na ako sa game of thrones. bumili pa ko ng mga vinyl figures. hondondo-dondo nila!


8. shotogrpahy

kung pagdodrawing ang first love ko. kabit ko naman ang pagkuha ng pictures.pero dahil mahirap lang ako, point and shoot and pixlr lang ang gamit ko. sana ngayong taon, magka DSLR na ako. #asa



9. tumblr /deviantart

pamparami ng views. lol. nakakatamad palang mag-upload sa deviantart at wala akong career masyado sa tumblr. hahah kaya nagdecide akong mag TTH na lang araw-araw. charot


10. bagong building

last year, nasira yung mga rooms ng schoool, ngayon, balik ganda na ang mga klasrum namin! pak! buti na lang at mag-eeleksyon lol


11. independence

kung alam ko lang na ganito kahirap magsarili (hindi yung bastos), magdadalawang-isip na akong umalis kila mudrax. haha pero kahit na madalas akong gutom, butas ang bulsa at nagbebeta ng laman, masya paring maging independent. unlimited porn time, unlimited coffee at unlimited gastos. buti na lang at mabait si landlord na kamuka pala ni ely buendia.




oha! at utang ko to sa inyong walang sawang bumalik sa blog ko kahit tamad akong mag blog-hop. patawad! busy ang guro (tamad ang guro). pero sobrang natutuwa ako sa mga comments na iniiwan niyo. salamat nang marami! :)) kita-kita sa susunod na taon! halavya



*parang napreysyur naman ako na 13 na ang kailangan kong ma-achieve next year! haha :D

Tuesday, June 26, 2012

artsy fartsy motsy


first time ko sa  fĂȘte de la musique. sinama ko nila debbie at nyl. akala ko kung ano. pumayag naman ako agad-agad. kaladkarin much?  sumakit ang bangs ko nang bongga-bongga kasi sa experimental kami nagpunta eh britney/westlife baby ako. from pop to experimental? napaka-anti-nicki minaj nitong event na to. haha shit na malagkwet.  lol. pero sa kabuuan (huwow), naenjoy ko naman. kakaiba yung experience. artist artist lang ang peg namin. yng nga lang, kami lang ata ang hindi naka-black. tapos, nung nag check ako sa net, nasa experimental pala si kooky tuason ng romancing venus. bakit di ko siya nakita? siguro nasa trance ako ng mga oras na yun. charot. sayang. 

Monday, June 18, 2012

this is hardcore



Indestructible
Robyn

"And I never was smart with love
I let the bad ones in and the good ones go
But I'm gonna love you like I've never been hurt before
I'm gonna love you like I'm indestructible
Your love is ultra magnetic and
it's taking over
This is hardcore
And I'm indestructible"

x factor/ buchoy

in fairness kay mudrax, medyo hawig nga yung dalawa na yun ngayon. oh well, ginusto niya yan eh. wala naman akong say sa pisngi este sa buhay niya.

-----

samantala sa iba pang balita, walang pasok ngayon..


‎"dahil sweldo at umuulan, wag ka munang pumasok, magshopping ka"- principal

charot.

wala talagang pasok dahil bukod sa Walang tigil ang gulo sa aking pag-iisip, Mula ng tayo'y nagpasyang maghiwalay, Nagpaalam pagkat di' tayo bagay, Nakapagtataka, ooh-wooh. charot ulit. walang tigil ang ulan at maya-maya high tide na ulit sa barrio kaya di na kami pinpasok ng napaka buti at busilak kong principal. makaktipid ako ng pamasahe sa bangka at makakapag shopping nga ako. wohooo! hello pay day!


see you tomorrow kids!! :))

Saturday, April 21, 2012

indestructible

ito yug naiimagine ko pag pinapakinggan ko yun indestructible na kanta ni robyn :)))


"And I never was smart with love
I let the bad ones in and the good ones go
But I'm gonna love you like I've never been hurt before
I'm gonna love you like I'm indestructible
Your love is ultra magnetic and
it's taking over
This is hardcore
And I'm indestructible"
---

2 kaibigan ko na ang nagsasabi na nakita nila ang artworks ko sa ibang accounts sa fb at twitter. pwede hong magpaalam. hindi nakamamatay.arghh. maglalagay na ko ng watermark




Sunday, April 1, 2012

ADELE

sino bang hindi ang kinalinga ni adele sa mga sawing-sawi, wasak na wasak moment? 

------

bakasyon na!! yehes. sisimulan ko na sana ang pagsasave ng sang malmal na salapi sa bangko (char) pero tinatakam ako ng galaxy note na bilin ko siya bago mag-june (hello mid year bonus?) arghhh! psyduck, pigilan mo ko! pigilan mo ko!!!!!! sisirain mo samsung ang budget ko nang bonggang-bongga!!

Thursday, January 5, 2012

My Heart Will Go On.

ser: bakit hindi ka tutugtog, hindi ba nagpractice tayo?
angel: hindi ko po alam yung "My Heart Will Go On"
ser: eh ano lang ang natandaan mo?
angel: yung sa Titanic po.

teka, may ibang theme song pa ba ang titanic na hindi ko nalalaman?

Monday, December 12, 2011

pano naman si britney ko?

mogondo nomon.

party naman nilang magkakaklase yun. kung san sila sasaya, dun ako.hehe sa xmas party na lang namin ako hihirit ng britney spears. :)

Saturday, November 5, 2011

from grey





At the end of the day, when it comes down to it, all we really want is to be close to somebody. So this thing, where we all keep our distance and pretend not to care about each other, is usually a load of bull. So we pick and choose who we want to remain close to, and once we've chosen those people, we tend to stick close by. No matter how much we hurt them, the people that are still with you at the end of the day - those are the ones worth keeping. And sure, sometimes close can be too close. But sometimes, that invasion of personal space, it can be exactly what you need.


i miss you zebra, snorlax, baboy

Sunday, August 21, 2011

seven magic balls

tyak, matutuwa ang nanay kng super saiyan!
---
ala niyo ba yung kumakalat na dragon boat team vs. Phil azkals na status sa fb? sarap sapakin ng nagsimla nun ano?

Saturday, August 20, 2011

gerls gerls gerls

i got inspired from May Ann Licudine's Innocent Girls and Robbie's badges so i decided to make my own
Elphaba the wicked witch of the west. green-skinned, clad entirely in black.
zusyal!
Snow White- the girl who has skin white as snow, lips red as blood, and hair black as ebony.
honglonde lang.
Alice. the girl who fell into the rabbit hole
tanga lang

Monday, June 6, 2011

Daisy: Would you still love me if I were old and saggy?
Benjamin: Would you still love me if I were young and had acne?
When I'm afraid of what's under the stairs?
Or if I end up wetting the bed?

Thursday, May 19, 2011

rakrakan na

umattend ako ng seminar for music teachers kanina kahit na hindi naman ako music teacher. eto yung pinag-aralan naming tugtugin. hardcore diba? pwedeng pang gig. astig ka pag lumabas ka ng bahay ng dala yan. rakstar na rakstar ang dating.

eto yung song line-up kanina:

1. Lupang Hinirang
2. Can't Help Falling In Love
3. Twinkle Twinkle Little Star
4. Annie's Song
5. Bahay Kubo
6. Mary had a Little Lamb
7. syempre Happy Birthday

ang astig na astig na Melodica


natutuwa pa ko sa mga oldies na teachers, feeling ko tuloy kanina kalahati ng katawan ko nasa home for the aged, yung kalahati, nasa-fiestahan.

Rakenrol men!!!!!!

________________

ang nota bow.

ma'am: basahin niyo yung mga nota! Ti ti ti ti.. pagbilang kong walo papasok kayo, pasok niyo, ti ti ti ti. i blow niyo yung instrument! c'mon!

________________

happy bortdei glentot! :) idol 

Sunday, April 10, 2011

love child

dahil tinatamad na kong manuod ng american idol dahil sunud sunod na nawala si thia, pia at naima, gumawa na lang ako ng ganito:
mga pwedeng kombinasyon para magkaroon ng anak na pasok sa top twelve. heheh

trip trip 
mulan+pocahontas+thia

lara+selina=pia

Yogi bear+leprechaun=casey

David+dentures=paul

cow=+mad-scotty

biker mice member+adam=james

black jack+predator=naima


randy+fantasia=jacob





kay cute na cute na casey na lang ako nananalig :)
______________

SAGOT:

agar / agar-agar na ginagawang gulaman

Tuesday, April 5, 2011

"wonderfully creepy"

napanood ko na rin sa wakas ang black swan. ang babaeng napasobra ng pulbos at eyeliner.oo na. late na kung late.

pag nagkaroon ng anak na babae at gusto niyang i-enroll ko siya sa ballet class. ipapapanood ko to sa kanya para makatipid kami.

in fairness sa kainan ng pussy scenes este sa bakat na nipples ni natalie portman, este sa kwento. akala ko eh simpleng simple lang. pero maraming namamatay sa malaking akala. naglalaba si mudra, nung narinig niya siguro yung mga halinghing eh bigla siyang napapasok sa sala. ba namang, ang inabutan pa talga niya eh yung palung-palong love making ni nina at lilly. imperness talaga kay natalie. parang iba talaga yung gumanap na white sa black swan. parang lokohang napakaganda! pak!

isa itong feel good na pelikula. parang nanuod ka ng catch me im fucking inlove. kunwari depressed ka, manuod ka nito. pag wala kang maipagawa sa klase mo, mag film viewing kayo ng black swan. pag pinagtatawanan mo yung kapitbahay niyong mas maputi ang muka kesa sa leeg niya kagagamit ng mena, sabihin mong manood siya nito.


"I felt it. Perfect. I was perfect"
-Nina

___

moral of the story:

1. maggupit ng kuko.
2. bago magmasturbate, i check kung hindi natulog si nanay sa kwarto mo.
3. hindi na uso  ang "break a leg", stab yourself na.
4. pag di mo nakuha ang gusto mo, bumalik ka at kagatin ang labi ng nag-reject sayo.
5. ang sobrang paggamit ng eyeliner ay nakapupula ng mata.

Monday, November 15, 2010

my teacher's pet

gawa ata to ni chad.
my teacher's pet pala ang pangalan ng banda ng aking kaibigan na si jerbax na siya ring nagbigay ng adobe photoshop cs4 portable sa akin. hehehe mabuhay ka papa jesus :)

libre publicity yan ah.

next goal. adobe illustrator :)
________________

speaking of banda, sinubukan kong idrowing ang peyborit bokalista kong si papa miro valera ng stonefree. hangkyut.

ginawa kong pula buhok para mas maangas :D

sana ma release na ang 3rd album nila. haykentwait
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...