Showing posts with label story. Show all posts
Showing posts with label story. Show all posts

Monday, December 20, 2010

terrified



and ayyayayam aym terrified!



hindi ito entry sa kanta ni katharine at zachary. ito ay kwento ko sa pagluwas ko sa maynila nuong linggo.

matagal-tagal na rin akng di naluluwas. mas sanay rin ata ako sa bangka kesa sa pagsakay ng bus. kaya nung sinabi ng kapatid ko na mag-eLRT kami, kinabahan ako ang bonggang-bongga. wala namang LRT sa bulacan at lalong walang LRT sa pinagtuturuan ko. bilang na bilang ko sa daliri ang beses ng pagsakay ko dito. ang huli ata eh nung kumuha ako ng licensure exam.

shet promdi! 

nalilito kasi ako kung saan ko isusuksok ang dapat isuksok. huhugutin ang dapat hugutin, at ipupush ang dapat i-push.

tanga maynila talaga ko. di tulad nung dalawa kong kapatid na dito na nagtatarabaho at nag-aaaral. kaya nikakabahan talaga ako tuwing lumuluwas. pati pasikut-sikot, wit ko knowings. pwedeng pwede kong maligaw at ma-gang rape (na pangarap ko, joke!)

at para pagaanin ang loob ko, pag-uwi namin, naholdap ang jeep na sinasakyan namin. in fairness! nagdasal tuloy ako ng angel of god nang di oras. haha buti, hindi nila nakuhaang pera at puri ko.

willing pa naman akong i-sacrifice ang aking virginity.

Ayan, may iboblog ka na! sabi ng kapatid ko para kalamayin ang loob ko

______
sa sususnod na pagluwas!



Monday, November 8, 2010

may pakpak ang balita, may tenga ang daga

madadala na yan. pag nalaman ng iba na may nahuli, di na tayo dadagain.-mudra
nahuli na ang dagang jumejerjer sa aming kusina-gamit ang high tech rat glue syempre. nakakdiri kasi pag mouse trap at siyempre syempre marimar umaasa ang nanay ko na magpapasalin-salin ang balita sa buong daga world na ang pamilya ko ay notorious mouse hunters kaya mula sa araw na to, wala ng daga ang magtatangkang looban ang aming kusina. haha asa.

_______________________________


pakicheck ang mga naputoshop kong artworks sa taas. ayun. gumagana yun. pramis.

Thursday, November 4, 2010

perks of teaching

mainit na mainit ang ulo ko nun. siguro nireregla ako. daming paper works, lesson plan, grades, test paper at lahat ng problema sa mundo inintindi ko na, ate charo.

wala ako sa mood hanggang pagpasok ko sa school. wala akong ganang magturo. pag-akyat ko sa 3rd floor, narinig ko ang pinakamakulit kong estudyante. lumabas pa ng classroom at tinawag ako sa corridor para sabihing

good morning tatay!

may magagawa pa ba ako kundi maging masaya maghapon? :) madali lang akong pasayahin. pramis.

Wednesday, November 3, 2010

fish out of school

nahuhuli ang isda sa sariling bibig

ser             : bakit ka na naman absent?
boy             ehh...uhh..may sakit po ako eh.
ser              : excuse letter mo?
boy             : wala po eh.
classmates : *nangapa lang po yan sa palaisdaan kaya umabsent!
boy             : hindi po ser!

ser              : totoo ba?

boy             : hindi po.. may sakit po talaga ako.

ser              : ano nahuli mo?

boy             : ...tilapia po.






*nangangapa- naghuhili ng isda o sugpo sa pinatuyong palaisdaan (sana tama ang pagkaka-define ko)

Tuesday, November 2, 2010

parang kinder

nag-grocery kami ni mudra nung isang araw bago mag-undas. punung-puno. akala mo bukas end of the world na at magpapaka-busog na ang sambayanang laging gutom (wow, pa-deep). amoy paksiw sa loob, amoy tinapay, amoy sinigang sa bayabas. sumususnod lang ako sa nanay ko habang nagsisisksikan. kamukat mukat ba namang sinabi to (in  loud speaker mode)

"pot kapit ka sakin, baka mawala ka!"

tinginan ang madla. muka ba kong kinder inay? namula tuloy ang itlog ko sa hiya.

siguro nga, baby fez ako. ching lang. minsan hindi maka-get over ang mga nanay na lumalaki na ang anak nila (na kahit sa lagay ko eh ako pa ang mas malaki sa kanya ngayon)

Monday, November 1, 2010

hapi undas

happy undas! happy bertdey din sa nanay ng aking co-teacher na si mommy angelica na pinaglihi sa puntod at amoy ng kandila :) dalaga ka na mommy!

'wag kalimutang magdala ng armas at alak para deretso kalaboso. wag ding iiwan ang pangkutkot ng kandila para madaling maka-ipon para bilugin. lagyan ng bato sa loob para mas mabigat, mas mahal ang benta.

tignan ang daraanan. baka putod na pala ng kapitbahay ang natatapakan mo. kaw rin sige. magsuot ng malamig sa mata. mainit sigurado maghapon. tulad ng neon green, orange, pink at black. hahaha

bantayan di ang kapatid, baka nasusunog na ang buhok. magdala ng pangkulot, pang-manicure at pang massage.

magload, magcharge.magdownload ng sandamukal na kanta. kitikitext tayo.magdala ng pera. maraming tinda sa pantyon. dun ako amamimili ng pamasko.

magbaon ng sandamakmak na tsibog, balloons at parhey hat. parthey parthey na! :)

at magdasal (habang nakikipagchikahan) multi tasking ang labanan.

Sunday, October 31, 2010

kwentong katatatakutan 4

dalawa lng ang kinatatakutan namin sa private school. si boss at ang mga parents na hindi mo minsan talaga mawari ang gusto sa buhay.
parent 1: sir, etong si mark, bad influence sa anak ko! ilayo nyo nga po sa anak ko yan. puno't dulo ng kagalitan!
(nasa likod na pala ang mommy ni mark at nakikinig)
parent 2: si mark po pa yung sinasabi nyo?
sir: mommy, upo po tayo dito para magkausap tayo.
parent 1: ay mare,  (sabay beso) sabi ko nga kay sir, pag away bata eh wag na nating patulan.
______________
mommy: (galit) sir, bakit naka A lang si angel ko sa chess club? di po ba nanalo siya sa contest?
sir: (wala naman kaming a+ eh)
______________
(sumusugod) pinaglinis mo raw ang anak ko ng classroom? allergic ang anak ko sa alikabok, sa chalk dust, sa amoy ng sabon blah blah blah  (in short sa lahat)
______________
mommy: kumusta ang anak ko sir?
sir: congratulatios po! ang taas po ng grades nya. 2nd honor nga po siya!
mommy: alam ko na yan.
sir: (kalma sir) nag top nga po siya sa english and science ngayong 2nd grading!
mommy: dati rin naman.
______________
lola: sir, sabihin nyo sakin pag inaapi apo ko ah. alam nyo na bakla kasi yan.
sir: kayo naman lola, hindi naman ho siguro
lola: hindi, bakla yan!
(parang siya ata yung nag-aapi)
______________
sir: kunting follow up lang po sa bahay. bumababa po ang grades eh.
daddy: anong kunti? hindi kunti yan! lagot ka sakin sa bahay junjun
______________
rule of thumb. pag malapit na ang pasko. maging mabait sa mga bata, para si parent, maalala kang ipagbalot sa christmas party

:)


Saturday, October 30, 2010

kwentong katatakutan 3

usapang binatilyo


tuli ka na ba? tuli ka na ba?


wala na atang ibang tanong ang mga kaklase ko nung grade 3 kundi iyan. pahangasan. kung sino tuli. siyang in! siyang yourdaman! siyang mapalad, siya ng anak ng diyos. siya na! siya na!kaya pag tinatanong ako, ang sagot ko lang. oo bakit? (kunwari confident) mahirap nang matuksong supot. pero di ko talaga alam ibig sabihin pag tuli na. akala ko nga pinuputol si junior. tsk.

nung nagdesisiyon sila mudra at pudra na gawing binata si kuya. isinabay nila ako. grade 5 siya nun. aba teka? grade 3 turning 4 palang ako! may isang taon pa dapat ako para magdasal sa our lady of perpetual help! pero dahil mapilit sila itay, pumayag na rin ako sa kundisyon na hindi ako magpapatuli sa libre tuli ng barangay (eew. arte). gusto ko sa clinic. gusto ko ng hagod ng isang nurse. susyal! porn na porn!

siyet. matanda na ang nurse. dok, nakikita nyo ba? ito ang bungad ng ang ever supportive nanay ko pertaining (nosebleed) to my putotoy. nilagyan ni dok ng pentel pen marks (parang school project) at inipitan ng sangkatutak na gunting. sabi pa ni dok. wag ko raw hawakan. di naman daw niya kukunin. titkman lang. joke!

tapos yun. tapos na pala. nawalan lang pala ng kapote si junior. sus. sisiw lang pala. walang aray! aw!

pagpasok ko. ako na ang mayabang. kaso tinanong ako ng mga kaklase ko

anong cut ka?


me ganun pa pala. teka, barber's cut?
(siyempre wala naman talagang barber's cut, at inexpalin ko pa talaga. kamote)

______________

at sa holloween talaga ang category nya anu? ahhaha

Friday, October 29, 2010

kwentong katatakutan 2

naka-amoy kami ng mabaho sa classroom ng grade 1. chineck ko pa yung cr kung may dumi kaso wala naman. sabi ko sa mga bagets, tignan kung may natapakang jerbs papasok. wala rin. wala rin namang najerbs sa shorts. inisip ko na lang baka sa labas o kaya sa kabilang room.

pagdating ng lunch, wala ng bata pero mas tumindi ang baho. nanggagaling talaga sa cr. pero wala namang jerbs sa bowl. imposible kako
.
di na tuloy ako nakakain ng lunch sa amoy. ikaw, kaya mo bang kumain pag may amoy jerbs? pakiramdam ko kasi nakakain ko mismo yung jerbs.

nang di ko na matiis, bumalik ulit ako sa cr. naghanap.


----


jaran!
tinakpan ng mop ang lusaw na jerbs.

meron pa pala. ayun, nakasiksik sa butas papuntang kabilang classroom.

*pagbalik ng mga bata after lunch, umaatikabong sermon ang naganap.

Saturday, October 23, 2010

araw-arawin ang katangahan part 2

sa jeep, sa malolos
kiking kolehiyala 1: ang ganda ng bahay nila jenny!
kiking kolehiyala 2: tatay raw niya ng-design.
kiking kolehiyala 1: siguro designer tatay niya.
kiking kolehiyala 2: hindi, sabi ni jenny architecture tatay nya.
_______________
photocopy
mots: paphotocopy , 96 pages. magkano?
boy:  50 cents.bale p 43.
_______________
iphone (kwento ng kapatid ko)

shungang classmate: wow! touch the phone ba yang phone mo?!
_______________
drugstore
(kwento ni classmate na nasa merced)

miss: meron kayong bioflow?
classmate: babyflow po o bioflu?
_______________
HS career orientation


classmate: i want to ba a bomberman
ma'am: it's bom(b)erman. silent b
classmate: i want to be a bom(b)erman and "kill" the fire
ma'am: fireman hijo



ako na. ako nang nag-promil. hahah

Wednesday, October 20, 2010

barbero

anytime this week, bibisita na ko kay manong barbero.

kiminginang yan. gusto kong magpahaba ng buhok kaso hindi naman nagmumukang mahaba ang buhok ko.nagmumukal pubic hair lang na dinikit sa bumbunan. kasalan to ng tatay ko na nagsalin sakin ng wavy hair na genes(wow genetics).

bukod sa tamad akong magsusuklay , wala  rin naman akong alam sabihin kay manong barbero kundi,
manong barbers,
manong semikal, no. 4 at
manong ohhh ahhh, shit manong manooong!  

kaya eto. either muka akong pari o muka akong manyak

minsan sinubukan kong magpagupit sa parlor baka lang maiba gupit sakin. narinig ko yung katabi ko, andaming sinasabi sa buhok niya .layer po blah blah blah. siyet. pwede ko bang sabihing barber's cut kahit nasa parlor ako? tapos  parang galit si ate pag nangugupit.walang karoma-romansa. gusto pa may tip. kaya balik ako sa piling ni manong, may hagod na, may masahe pa pagkatapos. (at pulbos at alcohol) minsan, nalilito na rin ako kung massage parlor ba ang napuntahan ko.

nung college nga ako, tinagyan pa ko nung barbero habang naggugupit. akala ko hindi na ko makikita ulit ang tenga ko nung araw na yun.

________________________________

  • salamat sa The Philippine Guild sa pag feature ng aking blog. ako'y tats na tats. abot-tenga ang aking ngiti wee. nagingiyak-ngiyak pa. :)
  • salamat sa mga bagong kasapi sa kulto: mapait na matamis, xan mokong, kat. 
  • bukas na ako bibisita dahil uuwi akong bulacan. woohooo

Thursday, October 14, 2010

of mice and men

para sa ikabubuti ng lahat, etong picture na lang na ito ilalagay ko :)
bubwit 1 : ik ik ik
bubwit 2 : eek eek eek
bubwit 1 : ik ik
bubwit 2 : ulol

pupungas-pungas, sabi ko sa kapatid ko kaninang umaga, nag-uusap yung dalawang daga kagabi.

hindi ako pinatulog ng dalawang bubwit sa kusina. pakiramdam ko kasi gagapangin nila ko pag nahihimbing na ko at nanakawin nila ang aking pagka-birhen. sinabi ko na kasi sa nanay kong bumili ng flypaper para sa kanila eh. maliit lang naman kaya kaya na yun sigurado.

binukas ko pa man din yung ilaw sa kusina pero ganun parin. nanunuya ang mga mababait. parang gustong sabihing care ko sa ilaw mo. wala namang makakain dun- kami nga walang makain sa kusina namin. sabi ng nanay ko baka dumadaan daw sila sa eksows (exhaust) fan sa banyo.

pag nakita ko ulit yung dalawa na yun, babangasan ko sila.
__________________________
salamas sa 500 views, akin yung 1500 hahaha :D

Saturday, October 2, 2010

sleep laughing

sabi ng nanay ko tawa raw ako nang tawa nung isang gabi habang natutulog. sabi daw ng tatay ko wag na kong gisingin kasi muka naman daw akong masaya. mga adik. minsan talaga, nawiwierduhan na ko sa pamilya ko.

naisip ko tuloy, pag nanaginip kaya ako ng censored eh naririnig din nila? gayunpaman, wala naman akong maalala paggising at lalong hindi naman ako basa :) hahaha

photo from 1000 awesome things

Wednesday, September 29, 2010

Bakit di pagmamahal ang ialay mo, Pang-unawang tunay ang siyang nais ko. Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan sa palad mo ♪

umuupa ng pwesto, nagbabayad ng tao at kuryente and dan eric's ice cream samin. in short parang may franchise kami pero hindi naman. ang siste, dahill bantay ako ngayong baksyon, marami akong nakilalang mga costumer na sarap lang sapakin.


tagpo 1
ako: ano po yun?
ale: magkano yung tig-sisiete?
ako: -----
____________________________________________________
tagpo 2
ale: may manggo flavor kayo?
ako: ubos na po.
ale: wala na kayo?
ako:----
____________________________________________________
tagpo 3
bata: PAGBILAN! PAGBILAN! PAGBILAN!
ako: ano?
bata: may papalit po kayo?
____________________________________________________
tagpo 4
ale: ano masarap na flavor nyo?
ako: yung chocofi po.(chocolate and coffee)
ale: sige, yung choco- vanilla nga.
____________________________________________________
tagpo 5
mama: magkano yung isang galon
ako: 320 po
mama: sige sa sweldo ko.
____________________________________________________
tagpo 6
lola: magkano 1 pint?
ako: 50 po
lola: sige tanong ko sa apo ko
ako: sige po
(bumalik si lola)
lola: ano flavor ng pint nyo?
ako: chocolate at choco marble po
lola: sige tanong ko ulit sa apo ko
(bumalik si lola)
lola: meron kayo nung may peanut?
ako; wala na po
lola: yun kasi binibili ko eh, sige tanong ko sa apo ko
ako: ----
(bumalik si lola, bumili ng tig-eeleven pesos)
____________________________________________________
tagpo 7
mama: pagbilan ng cornetto
____________________________________________________
tagpo 8
ako: ano po yun?
ale; ice cream.
____________________________________________________
tagpo 9
miss: magkano ice cream nyo?
ako: ayun po sa list (tinuro ang nakadikit sa pader)
miss: magkano to?, eh eto? yun?
____________________________________________________
(san ka pa?)

* yung iba neks time na. nakalimutan ko na eh.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...