Thursday, May 17, 2012

vanity post

kahapon, nagback read ako ng sariling blog. nakakatuwa na sa isang taon ng pagtumbling sa blogsphere, andami nang nagbago. marami dun sa mga unang bloggers na kakilala ko namayapa na. charot. hindi na active o kaya lumipat na.


nakita ko rin kung pano nagevolve ang teacher's pwet mula sa deep dark kamote. nagsimula ang lahat sa pagkakawala ko ng trabaho yada yada yada. hanggang sa nakapasok nga ako sa public schol na pinagtuturuan ko ngayon .


ito yung unang comics ko. nangangapa pa ko kung pano gagawin kasi mas sanay ako sa dialogue na format pag nagkukwento kila faye. at dito nga nagsimula ang lahat ng comics na hanggang ngayon eh ginagawa ko parin. si faye at fredelito, grade 3 na, 2 taon mula ngayon, sila na ulit ang advisory class ko. juskopo

ito naman si mudrax nung unang lumabas sa teacher's pwet comics sa kwento ng tanduay ice. hindi siya ngayon adik sa tanduay at may kulay na ang buhok niyang rihanna.

yan naman ang unang drawing ko sa sarili ko. hindi ko alam kung bakit naisip kong maputi ako at payat nun. mas nakatapak na ko sa realidad ngayon hhihihi

at ito naman yung unang beses ko na nakitang lumabas sa google yung artwork ko (nang hindi tinatype ang deep dark kamote o ang url ko) heheh para sa mga nagsisimulang artist, iba pala talaga ang pen tablet. tama ang payo sakin ng mga artist na blogger noon. pag-ipunan nyo :))


---

anong point ng post na to? wala. gusto ko lang ipakita na mas magaling na kong magdrawing at may pen tablet na ko bwahahhaa. ang gusto kong talagang sabihin, hindi ko to anniversary post at walang limit ang paglago at pagtuklas ng mga bagong bagay sa paligid. yehess padeep!

32 comments:

  1. tagal ko na nga di nadalaw dito...at tagal na din di nakapag-comment. hanggang ngayon pinapahanga mo pa din ako sa mga drawing mo kabayan. Iba talaga ang bulakenyo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat. at sa isang taon ko na to laging moks ang tawag nila sakin lol :))

      Delete
  2. akala ko anniversary post hahaha... in fairness talagang nag-improved na ang drawings mo sir, iba talaga pag meron nang pen tablet!

    ReplyDelete
    Replies
    1. akala ko nga rin hahaha natutuwa nga ako may iimprove pa pala to hihi

      Delete
  3. wow ser! bilib talaga ko sayo. promise. as in. lols. sana matuto din ako ng ganyan. Inuumpisahan ko na nga yung pencil vs. camera... kaso ang hirap pala! hahaha. hopefully magawa ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. patingin pagkatapos. heheh post mo ah :)))

      Delete
  4. Wow, oo nga. Natutuwa ako, bilang isa sa mga unang nakabasa ng blog mo, na makita ang pagbabago ng iyong istilo bilang artist sa larangan ng pagguhit. Nawa'y patuloy ang iyong pagtuklas ng sariling kakayahan gamit ang iyong butihing blog. At nawa'y lalo kang gumaling sa iyong silakbo ng damdamin! Mabuhay ka, Ser Mots.

    (nosebleed na ko wahahhaha)

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama wilfredo, parang tayo yung magkabatch.tama ba? heheh at di lagi ka paring dumadalaw kaya salamat nang marami! yun oh

      Delete
  5. laki na nga ang pinagbago :) pero buhay pa naman ako, haha

    mabuhay ka ser mots!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ikaw ata ang walang kamatayan neneng! salamat din sa madalas na pagdalaw mula pa nung araw (circa 1945):)

      Delete
  6. Teacher Mots, sa tuwing binabasa ko ang comics mo, lagi akong may dubbing na involve sa pagbabasa. Ung mga boses ng cast ng Doraemon ang laging bumoboses sa mga komiks mo. Hehe. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang creative ah.. sana naman hindi ko kaboses si soneo pag dinudub mo kami louie :))

      Delete
  7. naalala ko ung backreading na ginawa ko sa blog ko. tulad mo, ung mga una ko'ng bloggers na nakilala wala na hahaha.

    astig ka talagang magdrawing. hindi ako biniyayaan ng ganyang talent lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat. iba naman sigurado ang nabigay sayong talent ni bro. --sa pagsulat! nakana! :))

      Delete
  8. haha imba! nostalgic ang dramatization sa post na 'to, haist...hoping for more post to kyeme este come hehe

    ReplyDelete
  9. wawawow!!! parang evolution lang...who's that pokemon? hehehe

    ReplyDelete
  10. master titser ang ganda ng layout mo dun sa deep dark kamote... panalo!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat. sinusubukan ko yung malinis na layout ngayon..

      Delete
  11. kahit magbago po mga photos/arts mo, hindi pa rin nakakasawang magbackread :) Myxilog

    ReplyDelete
    Replies
    1. awww salamat! nakakatuwang marinig yan... thank you

      Delete
  12. laki ng improvement sa drawing mo ser... lalong gumaganda :D mas ok yung ngayong version ng sarili mo, mukhang sakitin yung una hahahaha

    drawing ka pa ng madaming, madami ah!update mo kami sa mga estudyante blues mo :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. meron pa ko muka namang demonyo lol :)) try ko ulit ngayong pasukan!

      Delete
  13. hello sir. ang galing mo po magdrawing! :)) parng ang sosyal ng pen tablet! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahah pero ibang klase pag nag pen tablet ka.. :)) mas malinis na

      Delete
  14. well kahit hindi ka pa nakakabili ng pen table maganda at magaling ang pagkakaguhit mo sa lahat ng larawang nagawa mo, IDOL!!!

    :)

    ReplyDelete
  15. Nag improve nga talaga :) Pero ang galing na mula palang sa simula.

    ReplyDelete
  16. i think your newer drawings show what you can really do. may karakter yung mga noon pero these new ones look stunning. hehe lakas maka-stunning!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...