nakuha ko sa mga lumang post ko. proof na wala na akong ma-iblog. andami ko palang papa jesus post. hehe
isa itong papa jesus treat sa tamad mag back read heheh
-------
runner-up kay papa jesus
dugong: sir, kayo ang pinakamagaling mag-drowing sa buo at sa lahat ng daigdig!
sir: wow naman!
dugong; ay! si papa jesus po pala. pero kayo po ang kasunod na pinamagaling sa lahat ng daigdig!
from a distance
faye: sabi po ng lola ko tinitignan daw tayo ni papa jesus tuwing gabi sa langit.
ser: tama yun
faye: lalo na raw yung makukulit.
ser: tinitignan ka pala nipapa jesus madalas anu?
faye: hindi ser, maraming pang makulit na bata kesa sakin!
(sabagay, mahihilo nga naman si papa jesus kung lahat ng makulit eh titignan niya, kaya pinipili lang niya yung pinaka-makulit!)
contagious
ser: wag kayong dumudura kung saan-saan
aldo: dadami ang germs!
ser: kakalat ang sakit :D
aldo: mahahawa niyo si papa jesus!
call center agent si papa jesus
faye: kamuka niyo po si papa jesus. pareho kayong may balbas. siguro ikaw talaga si papa jesus. nag-eenglish po kasi kayo.
macho!
ser: hindi tama ang kumuha ng gamit na hindi naman sa inyo.
teray: hindi po tayo dapat naiinggit.
ser: tama teray!
teray: magkakaroon din po tayo niyan
ser: beri gud!
noli : kaya dapat pong mag-aral ng mabuti!
cj: kinokontrol po siguro si <kumuha ng magic pencil> ng demonyo!
faye: mas malakas si papa jesus sa mga demonyo!
ang machong machong si ken: ang reyna ng karagatan
faye: ser, si jesus po ang ang hari ng buong mundo?
ser: oo, bakit?
faye: ay sayang gusto ko po naman si mama mary
ser: sabi mo kasi "hari" eh
ellai: oo nga. princess siya!
cj: may castle ba siya?
ellai: si mickey mouse meron
cj: sinong gusto mong princess?
ellai: si sleeping beauty
faye: ako si snow white
(sumingit si ken)
ken: ako si little mermaid
----
kumbaga sa history, ang batch nila faye ang golden age ng blog ko heheh
hahahahaha,.,pag si faye,tumbling ka talaga...
ReplyDeletemiss ko na ang grade 1 :))
Deletetomo... nakakamiss sila faye, dugong at ken
ReplyDeletemiss ko na rin sila. hehe
Deleteang kulit talaga ni faye!!!! sana maeet ko din siya kung pude....
ReplyDeletenaku wag mo nang pangarapin :))
Deletepag nag-eenglish pala si Jesus na.hahaha. :)
ReplyDeletehttp://www.dekaphobe.com/
oo nga eh.. andami na palang jesus lol
Deletei love faye. napakabibo nya. =D
ReplyDelete3 taon pa ulit ang pupils ko na ulit sila faye :)
Deletesana naman matupad na yung dream ko sir mots???
ReplyDeletenyahahaha...
namiss ko si faye!!!
ano ulit yung dream mo? heheh :))
Deleteang mauna sa pag recite sir!!!!
Deleteyan lang ang dream ko...
**hombobow***
aww. di kasi automatic na napupublish ang comments ko eh :/ heheh hayaan mo may grade ka naman sa pag recite eh
Deleteoh holy pwet! haha
ReplyDeleteser, inggitmuch akes sa nagbiblink mong mga drawings. i want. T______T
gif lang yan mam :))
Deletehow how de carabao? san? pano? help!!!! i want!! ><
Deletephotoshop lang judith :))
Deletemukhang makukulit tong mga kids mo. natuwa ako sa drawing. hehehe
ReplyDeletesobrang kulit :))
DeleteAww.. Nakakamiss nga sila Faye. May pinagsamahan?
ReplyDeletehahah :) iba ka talaaga yow.. hayan mo, papadala ko sayo si faye.
Deletedapat may award si faye na "best in religion"! pak!
ReplyDeletelol kaso walang religion sa public. best in recess na lang hehe
DeleteI love the last entry - yung sa castle thing-y.
ReplyDeleteThis blog never fails to make the sun rises no matter where I am, in short, PINAPASAYA ako! yun lang! (sabay hirit ng "Sir Mots, send-an nga kita ng picture ko, gawan mo ako ng imahe, panlagay sa Google Account ko.." Hahaha..)
salamat. si brusko ken. mas nagigigng brusko pa yan ngayon hihi
Deletewahahahhaa...at isa pang hahahaha!
ReplyDeleteisa pa? haha
Deletethings kids say, nakakawala ng pagod LOL.
ReplyDeleteI guess to a child, all adults can save them. So that universal concept ng pagiging savior, tapos di ka pa nila kaano-ano.. ewan.. am i making sense?
ReplyDeletenamiss ko magbloghop shyet... kakamiss yung mga kids...
ReplyDelete