kung hindi ka naman umaalis?
ang abante ay pagsulong
paliwanag ko sayo isang
gabing lango tayo
pareho sa kape.
malabo sayo ang ganitong tagalog.
ito ay pag-usad
mula sa dating kinatatayuan.
maaring paglimot sa
alaala
pikit matang pagpadyak pausad
pasulong.
ito'y pag-iwan ng bagahe
pageempake
paghila
pagkaray
sa mga paang nakapako sa lupa
hindi na maiusad.
ang abante minsan ay pag-alis
ngunit
wala namang umaalis, sagot mo
dahil wala namang
nananatili.
Paging Elizabeth Gilbert and Angelo Suarez..... hehehe
ReplyDelete-Anonymous po ulit
paging anonymous
Deleteabante!!!!!!
Deletepagtigil
Deletenoong gabing lango tayo
sa tapang at pait
ng kape
pilit kong inunawa
ang paliwanag mo sa akin
ang pag-usad, abante at pagsulong
ngunit paano ako makakaalis
kung hindi naman ako makakahakbang?
hindi ko makuha
ang pagsulong na sabi mo
mula sa dating kinatatayuan
hindi ko magawa
ang paglimot sa
mga alaala
habang may kulay pang aandap-andap
sa pagpikit ng mga mata
hindi ko pa kayang itiklop ang maleta
at hindi ako handa sa paghila at pagkaray
dahil may mga bakas na maiiwan
kaya ipahintulot mo sana itong pagtigil
at konting panahon na pagpapahinga
sapagkat itanggi mo man o aking ipagkaila
ang lahat ng ito’y nananatili…
nakahimlay sa ating gunita.
-anonymous po ulit
you speak to my heart. :)
ReplyDeletethank you. whoever you are. hehe
DeleteAng ganda ng line. :) Thanks mots. ;)
ReplyDeletethank you rin michy
Deletenaks.. ganda.. hehe...
ReplyDeletesalamas salamas!
Deleteang sad naman nito titser.. :(
ReplyDeleteaww di naman :)) sakto lang
Deleteang lalim... i was moved by the last 3 lines... am i that weird?i think that somehow me...haha thank you for again for writing such awesome post...
ReplyDeletesalamat cherie :))) natuwa ako
DeleteI live for.conversations just like this. :)
ReplyDeletepagtigil
ReplyDeletenoong gabing lango tayo
sa tapang at pait
ng kape
pilit kong inunawa
ang paliwanag mo sa akin
ang pag-usad, abante at pagsulong
ngunit paano ako makakaalis
kung hindi naman ako makakahakbang?
hindi ko makuha
ang pagsulong na sabi mo
mula sa dating kinatatayuan
hindi ko magawa
ang paglimot sa
mga alaala
habang may kulay pang aandap-andap
sa pagpikit ng mga mata
hindi ko pa kayang itiklop ang maleta
at hindi ako handa sa paghila at pagkaray
dahil may mga bakas na maiiwan
kaya ipahintulot mo sana itong pagtigil
at konting panahon na pagpapahinga
sapagkat itanggi mo man o aking ipagkaila
ang lahat ng ito’y nananatili…
nakahimlay sa ating gunita.
-anonymous po ulit
wagas ang tula nyo Sir Mots! Like! SUper Like!
ReplyDeletein my case, i don't move on...
ReplyDeleteI sway....
hahahahahaha char!
Naaalala ko talaga si sir Taribong sa tula nyang ito. Ang sagot n'yang tula ay ang huli n'yang update bago tuluyang lumisan hindi lang sa blogosperyo kundi pati sa mundo. Sana masaya s'ya ngayon kasama ang dakilang lumikha
ReplyDelete